Share

Kabanata 2

I never wanted to study in VSU, but I don't have a choice. I disobey mother and the outcome was bad so I had to adjust. Isa pa, hindi naman ako nag-iisa. Kasama ko si Michelle. Kaklase ko noong high school pero iyon nga lang ay magkaiba kami ng dorm.

The first thing I saw as I opened my eyes was my hand-written letters or, more on reminders, attached on the deck above my bed. I wrote them last night to keep me motivated and to study hard every day. I sighed and read them one by one.

 Goals

  1. Wear the black toga and get that diploma
  2. Work in Thailand
  3. Give back to my parents
  4. Travel the world
  5. Be RICH!

Ps. Bumangon ka na at magsikap kasi hindi ka mayaman!

Ngumiti ako atsaka bumangon. Siguro kung tatanungin man ako ng Nescafe ngayon kung para kanino ako bumabangon, isasagot ko ay itong lima lalong lalo na ang panglima.

Naghikab ako at nag-unat. Pansin kong gising na rin ang mga kasama ko rito sa kwarto na sina Joselle at Princess. Anim lang kami na naka-ukupa rito. Kaming dalawa ni Joselle ay freshmen, sina Princess at Arjean ay parehang second, si Ate Maymay ay third year at si Ate Ada naman ay fourth year na. Kahit bago pa lang kaming magkakakilala ay nagiging malapit na ‘ko sa kanila. Masaya kasi sila kausap. Kagabi nga ay mga alas diez na kami natulog dahil sa kadaldalan.

“Good morning!” bati ni Princess.

“Good morning din. May klase kayo ng seven-thirty?” tanong ko habang tinutupi ang kumot at inaayos ang unan.

In my peripheral vision, Joselle nodded. “Oo. Diyos ko! Umagang umaga Chemistry agad,” reklamo niya.

Natawa ako. “Bakit kasi VetMed ang kinuha mong kurso?”

Ngumuso siya at kinuha ang kanyang asul na tuwalya. Sinabit niya iyon sa kanyang balikat. 

“Choice ng Ate ko.”

Napansin kong gising na sina Ate Maymay at Arjean na nasa kabilang deck. Habang si Ate Ada ay tulog pa rin. Kumunot ang noo kong nilingon si Joselle. “Bakit gusto ng Ate mo? Bakit hindi ‘yong gusto mo?”

She sighed. “Pangarap niya kasi dati, eh. Kaso hindi niya natupad kaya gusto niyang ituloy ko.”

I blinked several times. “Ha? Pwede ba ‘yon?”

“Iyan ang rason kung bakit maraming humihinto sa pag-aaral. Hindi naman sa tamad sila pero kapag hindi mo talaga sariling desisyon na kunin ang kursong iyan, hindi ka talaga mag-e-enjoy,” singgit ni Ate Ada na kakagising pa lang.

Tumango ako. Sumasang-ayon ako kay Ate Ada. At some point, natamaan din ako sa sinabi niya kasi hindi ko naman talaga first choice ang kumuha ng Education pero sinabi ko na rin sa sarili ko dati na kung hindi man ako magiging Psychologist, pipiliin ko iyong second choice ko, ang maging guro.

“Si Ate kasi ‘yong gumagastos sa akin. Siya na mismo ang nag-offer at ang kondisyon niya ay dapat vetmed ang kurso ko,” aniya habang naglalagay ng bigas sa kanyang rice cooker.

“Pero hindi naman siya ang mag-aaral, ah? Hindi rin siya ang mahihirapan. Paano kung isang araw magising ka na lang na ayaw mo na? Na hindi ka na masaya sa kursong kinuha mo? Kapag huminto ka, edi mas sayang ‘yong ginastos niya sa ‘yo,” wika ni Ate Maymay.

Napaupo siya sa kanyang kama at nagbuntong hininga. “Hindi ko alam. Siguro pagbubutihin ko na lang ang pag-aaral ko. Nakakahiya rin sa kanya.”

That conversation made me realize how lucky I am, because my parents send me to school without asking for any kind condition. Pinag-aaral nila ako dahil responsibilidad nila iyon bilang isang magulang at bilang isang estudyante responsibilidad kong pag-igihan at mag-aral nang mabuti para hindi masayang ‘yong sakripisyo nila sa akin.

***

"Hatid mo na ko, please! Sige na, papahiramin naman kita ng payong, eh! Tsaka gusto mo namang bumisita sa dorm ko, 'di ba? This is the right time, Ana" pamimilit sa akin ni Michelle.

Diyos ko! Sobrang init ngayon. Akala ko noong May lang ang summer, pati rin pala August summer pa rin. Dahil sa kakulitan niya'y pumayag na rin ako. Hinatid ko siya sa dorm niya, kasama niya rito ang pinsan niyang si Ate Kimberly. Pinapabantayan ng magulang dahil burara pagdating sa gamit.

Well, I can't blame her parents though. Dalawa lang silang magkapatid at bunso pa siya. Siya na lang ang pina-paaral ngayon at gano'n na lamang ang pag-aalala ng mga ito sa kanya. Nakwento niya nga sa akin na maya't maya raw ang tawag ng mga ito. Asking her if she's okay, comfortable and all. Kulang na lang ay puntahan siya ng mga ito.

Sinikop niya ang kanyang matiim at bagsak na bagsak na buhok. Hanggang baywang ang kanyang buhok at makapal pa iyon. I am inches taller than her. She has a dark rounded eyes, a little pointed nose and thin lips. Mayroon siyang puting birth mark sa kanyang baba, aniya'y buko raw ang birth mark niya.

Pinapasok niya ko sa loob. I roam my eyes around and nod. In all fairness maganda at malinis ang dormitory na tinituloyan niya. Sa lobby ng dorm ay may maliit na sala set at may TV na naka-set up pa roon. Naks naman! Sana all!

We went upstairs. Nasa ikalawang palapag ang kwarto niya. My lips parted. Heck! Ang ganda naman dito! Mula rito sa taas ay makikita mo ang kabilang side ng VSU. Hindi naman gano'n kataas ang dorm nila pero maganda pa rin.

"Ganda, 'no?"

"I never thought na ganito pala ang view rito! Dito ba banda 'yong kinunan mo ng litrato at pi-nost mo sa I*?"

Tumango siya. "Yes! But it's a different angle. Halika rito," she said before pulling me somewhere.

"Oh my God!"

She giggled. "I know right! Every time I woke up pupunta ako agad dito. Tingnan mo naman, sis! Vitamins sa mata kapag nandito ka!" She said and laughed.

Tumawa ako. Kung kanina ay over looking ang ibang side ng VSU, ngayon ay over looking naman ang mga gwapo sa bahaging ito. Meters away from this dormitory is another dormitory for boys.

Humilig ako sa railings ng teresa at agad na naghanap ng pwedeng i-crush. Pandagdag inspirasyon lang.

"Ayun! Kita mo 'yon?" Sabay turo niya ng tatlong lalaki na naglalakad papasok.

Nakatalikod sa amin pero kahit gano'n ay likod pa lang, ulam na. Ang landi, ah!

"Oh? Bakit? Anong meron?"

"Sabi ni Ate Kim, BS Nursing daw 'yang tatlong 'yan."

"Oh? Bakit niya alam?"

"May mga jowa kasi ang mga 'yan dito. Sa lobby sila tumatambay. Minsan kaya nagpapanggap akong may bibilhin dyan sa malapit pero ang totoo ay susulyap lang! Shit! Ang gwapo gwapo ng isa riyan."

I laughed. "Gaga ka! Napakalandi mo! Ikalawang araw pa lang natin rito pero gwapo na agad hanap mo! Tsaka...ayaw mo ba ng Engineering?"

Tumawa rin siya. "Syempre, gusto! Pero ang linis kasi tignan ng mga Nursing student, eh!"

Nagkibit balikat lang ako kasi totoo rin naman. Sobrang gwapo tingnan ng mga Nursing student kapag suot nila ang uniform nila. Ilang minuto pa 'kong nanatili roon hanggang sa napagpasyahan ko nang umuwi. Kumuha muna ako ng litrato sa bahagi kung saan over looking ang VSU at ngayon ko lang din napansin ang Mt. Pangasugan.

"Libre mo ko mamaya, ah!"

"Oo na, oh, ito payong ko gamitin mo." Sabay lahad niya nito.

Hinatid niya 'ko hanggang sa labas ng kanilang dorm. She waved at me.

"Aalagaan ko 'to."

"Aww. Sana all ina-alagaan."

Bago ko pa siya masapak ng payong niya ay agad na itong pumasok sa loob. Tss. Panay hugot wala namang love life! Habang naglalakad ay panay ang tingin ko sa paligid. Kahit na mainit ay ayos lang dahil sa mga nagtatayuang mga puno. Kadalasan sa mga puno nila rito ay mga mahogany.

May mga estudyante rin na paroo't parito. Mukhang galing pa sila sa university at katatapos lang ng klase. Ngumiti ako nang bahagya. Isang pamilyar na mukha ang nakasalubong ko sa daan. Si Dave, iyong schoolmate ko dati.

Habang binabaybay ang daan pabalik sa dorm ay napunta na naman sa ibang dimensyon ang utak ko.

I don't know if this is a hobby but I used to plan in my mind every time I am alone.

Sabi sa akin ni Mama na ako raw ang magpapa-aral sa mga pamangkin ko. Kaya siguro marami akong pamangkin kasi lahat sila ako ang magpapa-aral. Lihim akong natawa roon.

"Uh... Miss, pwede makisukob?"

Agad na nawala ako sa aking isipan nang may biglang lumapit sa aking lalaki. Sa bigla ko'y napa-oo agad ako. Nilapit ko sa kanya ang payong nang hindi siya tinitingnan pero nagsuggest siyang siya na raw ang hahawak.

Kinabahan agad ako. Okay, self, calm down! Nakikipayong lang iyong tao dahil mainit. Alam ko namang wala kaming ginagawang masama pero nag-aalala pa rin ako baka kung ano ang isipin ng ibang taong makakakita sa amin. Mostly, kapag nakakakita sila ng babae at lalaking magkasama ang conclusion nila ay magjowa na. Minsan nakakairita pero hindi naman din natin maiiwasan na punahin ang iba.

"Okay lang ba kung sumukob ako? Wala bang, you know, boyfriend na magagalit?"

Pinanatili ko ang mukha ko sa harap. I didn't bother to looked at him. Never. Okay, that was a harmless question pero galawan nga naman ng mga lalaki.

"Wala," I simply said.

"Ano'ng year mo na?"

Lihim akong nagbuntong hininga. Isa talaga sa kinaiinisan ko ay iyong tanong nang tanong. 

"First year."

"Ano'ng course?"

"BSED-Filipino."

"So, teacher ka pala?"

Umirap ako. "Obviously."

Pansamantala siyang natahimik at kalauna'y tumawa. May binulong siya pero hindi ko narinig. Malapit na kami sa dorm ko nang nagtanong siya ulit.

"Ano kaya ang cause ng init ngayon? Sa tingin mo, Miss?"

'Kasi hot ako!' sigaw ng aking utak. Pero gustohin ko man ay parang wala naman ata akong galang doon.

I want to answer him in a rude way pero baka he's trying to make me comfortable since he had a feeling na na-a-awkward ako sa kanya.

"Dahil 'to sa global warming at kapabayaan na rin ng mga tao," sagot ko.

Agad na kumabog ng sobrang bilis ang puso ko nang makita ko ang iilang classmates ko. Holy shit! Please lang, nakikisukob lang 'yong tao, momsh! Pumikit ako. Anak ng! Dahil talaga 'to sayo Michelle humanda ka sakin mamaya!

"Sino 'yon?" Usisa niya.

Pigil na pigil ko na ang sarili kong bulyawan siya! Chismoso!

"Wala. Kakilala ko lang."

Nang binigay niya sa akin ang payong at nagpasalamat ay agad akong tumakbo papasok sa dorm ko. Mukhang nagulat ata si Ate Ada dahil sa pagmamadali ko.

"Oh? Anong nangyari sayo?"

I calm myself down. Mamaya talaga 'yong Michelle na 'yon sa'kin! Kinuwento ko kay Ate Ada at sa karoom mates ko iyong nangyari kanina at tawa naman sila nang tawa.

"Hayaan mo na lang 'yon. Makakalimutan din nila 'yon, tsaka gwapo ba?"

I twitched my lips. "Hindi ko alam. Di ko naman tiningnan iyong mukha dahil nasa harap lang ang mga mata ko"

"Uy! Baka iyon na ang soulmate mo, Anna!"

I made a face. "Soulmate agad? Te, diploma muna bago tite."

Nabulunan siya kaya natawa ako. "Bibig mo, pasmado!"

Pagkatapos kong kumain ay nagpahinga muna ako. It's still 12:22 at mamaya pa namang 1 pm ang klase ko. After I put on my favorite liptint, nagpulbo ako at lumabas na. Pagdating ko sa room 2 ay wala pa si Michelle. When she arrived, naupo siya sa tabi ko. Agad ko siyang sinimangutan.

"Oh? Anong problema mo?" Kunot noo niyang tanong.

"Badtrip 'yang payong mo!" sagot ko sabay bigay sa kanya ng payong niya.

Naguguluhan siyang tumingin sa akin. "Ano? Bakit?"

Kinuwento ko sa kanya ang nangyari at ang gaga tawang tawa pa!

"Magpasalamat ka sa payong ko, hoy! Baka dahil sa payong ko magkakalove life ka na."

"Ayoko pang magka-boyfriend ulit, 'no! Sakit sa ulo lang 'yang mga lalaki na 'yan."

"Uh-uh... Sabi nga nila, huwag magsalita ng tapos," mapanuya niyang sabi habang tinataas baba ang kanyang kilay.

"Ewan ko sa 'yo."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status