Share

CHAPTER 11

Kung magkaka-stiff neck siya bukas, kasalanan ng lalaking katabi niya ngayon sa magarang kotse. Paano’y panay ang sulyap niya rito. Nagtataka kasi siya dahil simula pinasakay siya sa sasakyan nito ay hindi na ito nagsalita. Napapanis na ang kanyang laway.

“Ehem…” Tumikhim siya. Hindi na siya nakatiis. Mag-i-initiate na siya ng conversation, ng kahit anong topic.

“Don’t say anything,” subalit ay mabilis na pigil sa kanya ng binata.

Ang sasabihin niya ay nilunok nga niya. Ay, ambot!

Sa kanyang inis ay pinigilan na niya ang kanyang leeg. Hindi na talaga niya nilinga o sinulyapan si Reedz. Nilibang na lamang niya ang kanyang sarili sa pagtanaw sa kanilang nadadaanan. Buti na lang at nasa bandang Makati na sila; maganda sa mata ang mga nagtataasang mga building at ibang mga establisyemento.

Naisip niya na mas maganda ang music habang nagmumuni siya. Tiningnan niya ang stereo ng magarang sasakyan, at may pipindutin sana siya.

“Don’t touch that,” subalit ay pigil na naman sa kanya ni Re
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status