Share

CHAPTER 60

Nakabusangot ang mukhang lumabas sa kaniyang kuwarto si Calynn pagsapit ng umaga. Hindi siya kasi nakatulog dahil sa pag-iiba-iba ng kaniyang pakiramdam. Hindi niya maintindihan kagabi kung ano ang gusto niya; kung gutom ba siya o hindi, kung nasusuka ba siya o hindi. Hindi rin niya mawari kung bakit ang bigat ng kaniyang dibdib. Parang gusto niyang umiyak na hindi.

Mukhang tama ang sinabi ng doktor noong nahimatay siya na maselan ang kaniyang pagbubuntis. Idagdag pa ang sinasabi nila na hormonal changes kapag buntis ang babae. Katulad na lamang ngayon na uhaw-uhaw naman ang pakiramdam niya.

Nadatnan niya sa kusina si Aling Cora. Naramdaman malamang ang presence niya kaya napalingon ito sa kaniya.

“Magandang umaga po,” alanganing bati niya.

Ngumiti ito. “Ayos ka lang ba? Pasensya ka na kung hindi na ako nakabalik kagabi. Nag-tanrums kasi ang anak ko. Hindi ko na maiwanan.”

“Ayos lang po,” aniya’t dumiresto sa may fridge. Kumuha siya roon ng tubig.

“Sino’ng nagluto nitong napakaasim na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Clifford Macasaet
Update pls
goodnovel comment avatar
Mayfe de Ocampo
laban lang calynn,mahal ka ni reedz magiging masaya din kau pag natapos na ang problema sa regal empire
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status