Share

Kabanata 17

Nagsuot lang ako ng simpleng palda na siniguro kong hanggang tuhod ko. Isang sando na may kakapalan naman na naka tuck-in. Tinernuhan ko ito ng light brown flat shoes, at hinayaang nakalaylay ang buhok. Nang maayos na ay saka lang ako nagpasiyang lumabas ng kwarto at isa-isang pinatay ang ilaw. Holiday ngayon kaya walang pasok ang lahat, umuwi sila sa kanilang mga pamilya samantalang ako ay nanatili rito, gustuhin ko mang umuwi sa amin ay hindi rin ako tatagal dahil babalik din naman sa trabaho.

Nagpasya na lang akong maglakad. Pinili kong alas-kwatro mamasyal para naman hindi masyadong mainit at paniguradong kahit gabihin ako sa daan ay marami namang tao. Nang makababa na ako mula sa jeep ay narating ko agad ang Mall na madalas naming puntahan ni Jona noon. Kabisado ko na rin ang pasikot-sikot dito kaya walang problema kung umikot ako.

Balak ko rin kasi bumili ng mga gamit na puwede kong ipadala kina mama sa probinsya, o kaya kakain na lang siguro ako dahil hanggang ngayon ay hindi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status