Sa pagdaan ng mga araw, kahit pa sabihing ilang taon na ang nakakalipas simula nang umalis siya ng Leyte ay may mga panahong dinadalaw pa rin siya ng bangungot sa kaniyang nakaraan. Hindi man niya matandaan kung ilang beses na siyang nagigising habang umiiyak, nananaginip kung paano siya ginagahasa ng asawa, kung paano siya sinasaktan, at higit sa lahat ay noong nadatnan niya sa ibabaw ng mismong kama nila ang kapatid at asawa niya na nagtatampisaw sa makamundong ligaya."Duncan, anak si Helena." Panggigising ni Clyde sa anak na natutulog.May edad na siya pero alerto pa rin ang isipan sa lahat ng bagay lalo na kung tungkol sa pamilya ang sangkot."Bakit po, Daddy? Ano ang nangyari?" nakapikit man subalit nagawa pa ring sumagot at nagtanong si Duncan.Akmang ibubuka pa lamang ni Clyde ang labi para ipaliwanag sa anak kung ano ang dahilan kung bakit niya ito ginigising pero muli niyang narinig ang pagsisigaw ni Helena."Mamatay tao ka! Mamatay ka! Ikaw ang dahilan ng pagkamatay niya! P
Sa 4C office, abala si Helena sa pagrereview sa mga papeles nang katukin siya ng secretary sa naturang kumpanya."Yes po, Ma'am? Any problem?" magalang niyang tanong dito."Si Ma'am talaga oo. Ako pa ang tinawag na Ma'am. Ikaw nga ang dapat kong tawagin sa paraan nang pagtawag mo sa akin. Siya nga pala, wala naman pong promlema. I'll just remind you about your meeting with Mr Martinez in Manila Hotel as well as Mr Espina in Bicol." Nakangiting nakangiti itong humarap sa kaniya."Thank, Miss Arlene. Ayan, hindi na Ma'am. But I prefer calling you Ma'am. Kasi lahat naman tayo ay tauhan dito," mapagpakumbaba niyang tugon."Alam mo, Ma'am, kahit tauhan ka rito ay ikaw pa rin ang manager namin. Kaya naman ay dapat lang na tawagin ka naming Ma'am. Siya, sige na po, Ma'am, babalik na ako sa table ko. Iwasan mo ang magpahuli dahil baka hindi ka makaabot doon. Advisable po ang plane Ma'am lalo at sa Bicol ang isa sa meeting mo." Pahabol pa nito bago tuluyang umalis at bumalik sa lamesa.Hininta
A necklace with heart shaped pendat with her name!Pero hindi iyon ang pumukaw sa atensiyon niya. She's speechless upon receiving a gift from him. Pinukaw nang nilalaman ng pendant ang atensiyon niya. Kaya't naitakip niya ang isang palad sa labi habang binabasa ang nakasulat sa nilalaman ng pendant."Happy birthday, Isadora. Mayay all your dreams come true. I miss you." A necklace with heartshape pendat, a birthday wishes lang naman ang nilalaman ng kahetang dinala sa kanya ng pangalawang ama. Dahil dito ay napaiyak siya. Siya ang mismong may kaarawan ngunit nakalimutan niya ang pinakaimportanteng bagay sa buhay niya. Samantalang ang mga taong nakapaligid ay hindi dahil sila pa ang nagpaalala sa kaniya.Subalit hindi pa siya nakahuma dahil sa natanggap na regalo mula sa binatang De Luna ay isa pang surpresa ang bumungad sa kaniya. Ang mga kasamahan niya sa trabaho ay nag-aawitan nang pagbati sa kaarawan niyang nakalimutan na.Nang igala niya ang kaniyang paningin ay napagtanto niyan
"Ngayon magsalita ka, Aryana. Ano ang kasalanan ng anak mo? Bakit bigla mo siyang sinampal sa bibig?" malamig pa sa bangkay ng mga magulang na tanong ni Albert sa 'asawa'."Ayaw tumahimik eh. Ilang beses ko na ba siyang sinasaway pero ayaw makinig." Kibit-balikat ni Aryana saka dumiretso sa pagpasok na para bang walang nangyari."You're not going anywhere, Aryana! Kinakausap kita kaya't huwag kang bastos!" Sa galit ni Albert ay napataas ang boses niya saka hinablot ang pala nito.Ngunit ang taong walang pakialam na kahit mag-away sila araw-araw ay ipiniksi ang humablot saka ang anak ang binalingan. Dito niya ibinuntot ang galit na hindi naikubli sa huling hantungan ng mga biyanan."Ikaw na bata ka, ano'ng sinabi ko sa iyo? Diba't sabi ko ay manahimik ka? Ngunit ano ang ginagawa mo, ngumawa kang hay*p ka! Ikaw na nga itong napakakulit ngunit ako ang inaaway ng Papa mo! Hoy! Ikaw na bata ka, gusto mo na ba talagang sumunod sa Lola at Lolo mo?!" mabalasik at mala-demonyo niyang turan hab
Para sa taong may pera, mabilis lang ang pag-uwi ng isang Duncan Clyde De Luna mula Bicol hanggang Baguio kung saan naroon ang pamilya. Bicol to Manila and Manila to Laoag kung saan niya iniwan ang sasakyan ay eroplano ang sinakyan ng binata. Laoag to Baguio ay joy ride na with his car. "What a long trip at all. Pero okay lang, successful naman ang lahat," wala sa loob na sambit ni Duncan nang nasa garahe na siya.Nang tuluyan na siyang nakalabas mula sa loob ng sasakyan ay sinigurado niyang maayos ang lahat. Buong akala niya ay tulog na ang mga tao. Kaya nga hindi na siya nambubulabog pa. Tuloy ay nagulat siya nang may nagsalita."Welcome home, Duncan Clyde De Luna." Masayang bati ni Isadora sa taong kumopkop sa kanya mahigit limang taon na ang nakakaraan.Ang kuwartong inuukupa ni Isadora ay nakaharap sa main gate kaya't kitang-kita niya nang dumating ito. In her mind, kaya pala hindi siya dalawin ng antok ay darating pala ang binata na ilang araw ding hindi niya nakita. Aminin man
We always says, 'Kung ano ang 'yung itinanim, ay siya ring iyung aanihin'.Dahil sa pagkakabaon ni Jun-Jun sa utang, natanggal siya sa trabaho. Hindi pa roon nagtapos ang parusa ng langit sa kaniya. Natanggal ito sa trabaho, pinalayas ng may-ari ng boarding house nila. Nakalipat man ito sa ibang paupahan kaso isa ng bed space unlike sa naunang tinirhan. Hanggang sa dumating ang panahong walang-wala na siya. Kahit isang kusing ay wala na. Kaya't muli siyang pinaalis ng may-ari ng bed space.Until one day..."Bro, lapitan natin baka siya na ang sagot problema natin," wika ng isang lalaki."Baka naman siya ang magpapabulusok sa atin. Alam mo naman ang ugali mayroon si bossing eh." Mariing pagtutol ng isa."Wala naman sigurong masama kung subukan natin. Hindi mo ba napapansin na ilang araw na natin siyang nakikita na para bang laging nakatingin sa mga panindang pagkain. O, talaga namang naging slow na ang isipan mo?" sabi ng isa.Akmang sasagot pa ang isa pero hindi na ito nakasagot dahi
"Duncan apo ko, huwag kang tumulad sa Lolo mo na napakaraming panahon at pagkakataon ang sinayang niya noong kabataan namin although nagkatuluyan man kami." Kantiyaw ng may edad na ring si Grandma Dennise sa binatang si Duncan."Hon naman, nandito nga raw apo natin para magtanong kung paano ang manligaw eh pero kinakantiyawan mo naman." Nakatawang napakamot sa ulo si Ginoong Rey dahil na rin sa hayagang panunukso ng asawa.Ngunit sa kalooban niya ay mas natatawa siya dahil sa kaniyang apo. Mukhang nagmana nga sa kaniyang nahulog na sa mga numero ng kalendaryo pero wala pa yatang lakas ng kalooban upang magtapat sa ampon nito. Matalino at magandang babae si Isadora. Patunay lamang ang ipinamalas sa 4C Company ng bunso niyang anak. Ganoon pa man ay hinamig niyang muli ang sarili at nagpatuloy."Duncan apo ko, kung mahal mo siya ay magtapat ka na. Ikaw na rin ang nagsabing nagsasama bilang mag-asawa ang kapatid at asawa niya. Kaya't ibig sabihin at maari na rin siyang mag-asawa," aniyang
"Alam ko pong masakit na iwanan ninyo ng mga pamangkin ko ang lugar na ito, Mama. Dahil dito kayo bumuo ni Papa ng pamilya. Dito n'yo kami pinalaki ng mga kapatid ko. Pero ang pinakamasakit sa lahat ay ang mismong kapamilya mo pa ang humatak sa iyo pabulusok. Ganoon pa man ay hindi ko hahayaang magaya ka sa akin, Mama. Minsan nang naging palaboy dahil sa mismong kapatid ko. "Binaboy ang pagkatao ko dahil sa hindi mawaring dahilan pero sa huli ay dahil pala sa inggit, inggit na naghatid sa kaniya upang gawin ang lahat para lang maghiwalay kami ng mas masahol pa sa hayop na taong iyon. Pero mabait pa rin ang langit sa akin dahil hindi ako pinabayaan sa gitna ng kadiliman. I miss you, Mama at sorry kung kamuntikan kayong mapariwara dahil sa akin. Kayo ng mga bata, kayo pa rin ang may-ari ng bahay na ito," mahaba-habang pahayag ni Isadora.Dahil sa tinig na nagmula likuran nilang mag-aapo ay bigla rin silang napalingon sa pinagmulan ng tinig. Nagmistula silang nasa pilekula nang mapagsin