Share

Chapter Eight

Sa pagdaan ng mga araw, kahit pa sabihing ilang taon na ang nakakalipas simula nang umalis siya ng Leyte ay may mga panahong dinadalaw pa rin siya ng bangungot sa kaniyang nakaraan. Hindi man niya matandaan kung ilang beses na siyang nagigising habang umiiyak, nananaginip kung paano siya ginagahasa ng asawa, kung paano siya sinasaktan, at higit sa lahat ay noong nadatnan niya sa ibabaw ng mismong kama nila ang kapatid at asawa niya na nagtatampisaw sa makamundong ligaya.

"Duncan, anak si Helena." Panggigising ni Clyde sa anak na natutulog.

May edad na siya pero alerto pa rin ang isipan sa lahat ng bagay lalo na kung tungkol sa pamilya ang sangkot.

"Bakit po, Daddy? Ano ang nangyari?" nakapikit man subalit nagawa pa ring sumagot at nagtanong si Duncan.

Akmang ibubuka pa lamang ni Clyde ang labi para ipaliwanag sa anak kung ano ang dahilan kung bakit niya ito ginigising pero muli niyang narinig ang pagsisigaw ni Helena.

"Mamatay tao ka! Mamatay ka! Ikaw ang dahilan ng pagkamatay niya! P
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status