Share

Chapter 37

Mabilis na naka-recover ang katawan ni Isabella at tuluyan na niyang ipinaubaya ang lahat sa binata. Saka na niya isipin ang hinaharap. Ang mahalaga, masaya sila. Halos naikot na yata nila ang bawat sulok ng bahay ng binata at wala itong pinalamapas. Damang-dama niya ang sidhi ng pagmamahal nito sa kaniya. Para bang nagbahay-bahayan sila ng ilang araw.

Huminga siya nang malalim. Nasa harapan sila sa mga sandaling iyon ng isang magarbo at malaking bahay na halos tatlong beses na malaki sa bahay ng binata.

Nanlalamig ang kabuuan niya habang magkahawak ang mga kamay nila ni Skye.

Muli siyang napabuntonghinga.

This is it! Let’s face reality!

Marahang siyang iginiya ni Skye papasok sa malapalasyong bahay na iyon. Alam niya na may sinasabi sa buhay ang binata, pero hindi niya inaasahan na ganito kayaman ito. Hindi basta-basta. Nakalulula ang karangyaang nakikita niya, kaya lalo siyang nanliit.

Tinanggal niya ang kamay niya sa pagkakahawak ng binata at huminto sandali.

Napalingon ito sa kan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status