Share

IMD 12

Nagtagal ang pagkakatitig ni Jastine sa bouquet. Hindi niya malaman kung bakit may iba siyang nararamdaman habang tumatagal ang pagkakatingin niya rito. Tila may kakaiba rito na hindi niya kaya ipaliwanag.

Saglit na napapikit si Jastine nang biglang sumakit ang kanyang ulo. Hinilot niya ang kanyang noo kasabay nang paghugot ng hininga. Sa hindi malaman na dahilan, may mga imahe ang pumasok sa isipan ni Jastine. Hindi malinaw ang mga mukha ng mga tao. Ngunit tila naririnig niya ang mga boses nito. At isang salita lang ang masasabi niya, pamilyar. Pamilyar ang tunog ng boses ng mga tao na nasa kanyang isipan.

“Jastine. . .” rinig ni Jastine na pagtawag sa kanya.

Tinuon ni Jastine ang buong pansin sa naturang boses. Alam ni Jastine na kilala niya ang naturang boses at hindi siya nagkakamali na isipin na narinig na niya ito nang ilang beses.

“Justine. . .” pagtawag ulit ng boses.

Nanatiling nakapikit si Jastine. Sinubukan niyang hukayin ang pangalan ng nagmamay-ari ng boses sa kailaliman
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status