Naging alerto si Jastine sa paggalaw ng lalaki. Kumunot ang noo niya nang mapansin na parang wala itong plano na huminto. Patuloy lang ito sa paglakad palapit sa kanya nang dahan-dahan.“Anong ginagawa mo?” Umatras si Jastine kasabay nang pag-abante ng lalaki. “Huwag kang lalapit. Diyan ka lang.” Tinuro niya ang lalaki. Pero tila wala itong narinig nagpatuloy pa rin ito.Tinitigan ni Jastine nang masama. Matalim na ang tingin ng mga mata niya at nawala na sa mood na makipagbiruan. Wala naman talaga sa isip ni Jastine ang makipagbiruan sa lalaki sa simula’t simula pa lang. Alam ni Jastine na puro hindi magaganda lang ang idudulot ng lalaki sa kanya sa unang pagtatagpo pa lang ng mga tingin nila nitong nakaraan na linggo. Hindi na agad nagustuhan ni Jastine ang paraan kung paano siya nito tingnan. Lalo pa’t nararamdaman ni Jastine na tila ba sinusubok talaga nito ang pasensya niya kahit tanging pagsunod ng tingin lang ang ginagawa nito sa kanya nitong nakaraan na mga araw na nasa bar an
“Hoy! Anong nangyari sa ‘yo, ackla?” Pumalakpak nang isang beses si Regine sa tapat ng mukha ni Jastine. Kinaway pa nito ang isang kamay na sobrang lapit na sa mukha ni Jastine. Pero wala pa ring reaksyon si Jastine.Malayo ang tingin ni Jastine at tila malalim din ang takbo ng isipan niya. Tulala si Jastine na nakabaling sa dako ng bar counter. Sa isang upuan mismo sa may dulo ng counter.“Nako. . . Ikaw, ackla, ah. . . Iniwanan ko lang kayo ni poging fafa noong isang araw naging ganyan ka na araw-araw,” may pagdududa na sambit ni Regine. Lumapit pa ito kay Jastine nang may malaman na ngiti. “May dapat ba akong malaman na hindi mo pa chinichika sa ‘kin.” Sinundot ni Regine si Jastine sa tagiliran. Doon pa lang natauhan si Jastine.Napatingin si Jastine kay Regine nang may pagtataka. “Ha? May sinasabi ka ba, ackla?”“Sabi na nga ba. Wala ka na naman sa sarili, ackla.” Pinagkrus ni Regine ang mga braso sa may dibdib. “Umamin ka nga sa ‘kin, ackla. Anong ginawa ng poging fafa sa ‘yo nak
Bakas sa pagmumukha ni Jastine ang pagtataka na nilibot ng kanyang paningin ang buong silid na kinaroroonan niya. Mag-isa lang ang kama na hinihigaan niya at tanging siya at si Drei ang nasa loob ng kwarto. Agad naman niyang napansin ang mga kagamitan lalong-lalo na ang lahat ng mga ito ay kulay puti. Bumalik ang pansin ni Jastine kay Drei na nakatingin lang sa kanya nang tahimik. Naghihintay ito sa susunod na sasabihin niya habang nakaupo sa tabi ng kama.At doon na hindi nakaligtas ang pananamit ni Drei sa mga mata ni Jastine. Nakasuot ito ng puting lab coat na pang doctor. Nangunot ang noo ni Jastine.Bakit naka-lab coat ang isang ‘to? Impossible na doctor na ang lalaking ‘to. Batang-bata pa ang hitsura.Tumaas ang dalawang mga kilay ni Drei nang lumipas ang mahigit isang minuto na nakatitig lamang si Jastine. “Tititigan mo na lang ba ako? Don’t tell me. . . you fall in love with me already?” pagbasag nito sa katahimikan. Sumunod na sumilay ang mapaglarong ngisi nito.Sumama ang ti
Hindi makapaniwala si Jastine sa kanyang biglang tinuran. Tanga-tanga mo rin taloaga minsan, Jastine. Bakit ka nagpasalamat sa mayabang na lalaki na ‘yan? Kung maaari niya lang sabunutan ang kanyang sarili nang hindi siya pagkakamalan na nababaliw na ng makakakita sa kanya ay gagawin na niya. Ang kaso hindi pa lumabas si Drei. Gulat na gulat din ito sa sinabi niya.Mabilis na umiwas ng tingin si Jastine bago pa man magtama ang tingin ng kanilang mga mata. Itinuon ni Jastine ang pansin sa bintana. Bahagya siyang nakatalikod kay Drei ngunit makikita pa rin nito nang kaunti ang side view ng mukha ni Jastine.Pilit na hindi pinapakita ni Jastine ang kanyang mukha kay Drei. Pinagkrus pa niya ang mga daliri niya sa ilalim ng kumot kasabay nang panliliit nang kanyang mga mata hanggang sa marahan siyang napapikit. Hinintay niya kung ano ang magiging sagot at reaksyon ni Drei sa kanyang pasasalamat. At ayaw man aminin ni Jastine sa kanyang sarili, tila inaabangan niya ang sagot nito, na tatang
Sa isang iglap, nawala lahat ng kilig sa katawan ni Jastine. Panira talaga ng moment ang napakagaling niyang kapatid kahit kailan. Umikot ang mga mata ni Jastine at inirapan niya si Jeremy. Umusog na rin siya sa gilid ng kama. Ibinaba niya ang kanyang mga paa roon.Bumaba rin ang tingin ni Jastine. Nakita niya sa sahig ang flat doll shoes na suot niya. Mabuti na lang at naroon ito. Akala pa naman niya na nasa office rin ito ni Drei. Dahil sa kanyang naisip, naalala niya bigla na naroon nga pala ang iba pa niyang mga gamit. Ayaw pa sana niya ito paniwalaan pero hindi niya nakita sa loob ng kwarto na kinaroroonan ang kanyang favorite backpack.“Jastine,” tawag ni Jeremy nang huminto na naman si Jastine.“Heto na nga, Jeremy.” Bumaba na ng kama si Jastine. Hindi na niya binigyan pa ng pansin ang gusot-gusot na kumot. “Atat na ata? Maaga pa naman, Jeremy.”Kinuha ni Jastine ang cell phone niya na nakalatag sa lamesa na katabi lang ng kama. Mabuti na lang at hindi siya kinabitan ng dextros
Sa bilis ng pagbabago ng isip ni Jastine kay Drei, daig pa niya ang isang highschool student na dalaga na excited na makita ang kanyang crush. Malaki ang ngiti na nakaguhit sa mga labi ni Jastine habang hinihintay niya na buksan ni Jeremy ang pinto ng opisina ni Drei.Hindi mapalagay sa kanyang nararamdaman si Jastine. Ngunit, pilit niya rin itong ikinukubli sa sarili. Mahirap na kung mapansin ito ni Jeremy. Magtataka at magdududa ito sa inaakto niya lalo pa’t isa si Jeremy sa mga nakakaalam na ayaw na ayaw niya sa mga ospital. Sa katunayan pa nga ay isa si Jeremy sa mda dahilan kung bakit natatakot si Jastine. Si Jeremy ang pasimuno sa pagkukwento ng katatakutan na nangyayari sa loob ng ospital sa pagsapit ng gabi lalo na hatinggabi.Napahawak si Jastine sa kanyang dibdib. Palakas nang palakas ang pagkabog nito. Hindi na siya makapaghintay na makita ulit ang lalaki na prospect niya na mapasakanya. Kung maaari ay lulunukin ni Jastine ang mga nauna niyang sinabi kay Drei mapasakanya la
“Jastine, sumunod ka nga sa ‘kin,” ang bungad agad ng mama nila pagpasok nina Jastine at Jeremy ng bahay. Inihilig pa nito ang ulo sa direksyon na pupuntahan nila.Napahinto si Jastine. Napakunot na tumingin si Jastine sa kanyang katabi. Iba pa naman ang tono ng pagkakatawag nito sa kanya.“Sumunod ka na lang. Basta wala akong sinabi sa kanila,” bulong ni Jeremy. Nauna na itong pumasok nang tuluyan.Naiwan si Jastine na nakatayo sa tapat ng pinto. Dahan-dahan na binalik ni Jastine ang pansin sa mama niya. Pilit siyang ngumiti na parang inosenteng bata na walang tinatago sa kanyang magulang. Wala na rin namang sinabi pa ang mama niya. Kaya sumunod na lamang siya hanggang sa umabot sila sa kusina.Humarap ang mama ni Jastine paghinto nito. Huminga ito nang malalim tila kumukuha ito ng tamang tempo upang magsalita.“Ma. . .” hindi sigurado na sabi ni Jastine. Nagsisimula na siyang kabahan sa kung ano ang sasabihin nito sa kanya. Kakagaling pa lang ng ospital tapos a ng seryosong mood aga
Hindi maipagkakaila ang kasiyahan sa buong mukha ni Jastine kahit pa hindi siya ngumingiti. Excitement were written all over her. Maging ang vibes na lumalabas sa kanya ay nakapagtataka sa kanyang mga kasama lalo na kay Jeremy na kanina pa panay titig kay Jastine habang nakakunot ang noo.Simula pa lang ng madaling umaga nang magising si Jastine at bumaba papunta sa dining area upang kumain ng agahan ay kakaiba na ang kinikilos nito. Kahit ang paggising lang ni Jastine nang maaga ay isa nang misteryo. Alam na alam ng pamilya ni Jastine na alas diyes ng umaga na ang pinakamaaga niyang paggising. And since then, Jeremy kept his eyes on Jastine.“Excited ka ata na bumalik ng hospital, Jastine?” hindi na nakatiis na tanong ni Jeremy pagpasok ng sasakyan. Tiningnan pa nito si Jastine mula sa rear-view mirror.Tila wala naman na narinig si Jastine sa sinabi ni Jeremy. Komportable lang si Jastine na nakaupo sa isang side sa backseat. Nakasandal ang likod at ulo niya habang ngumingiti ang mga