Nagpa-wax na lang ako at body scrub, para hindi masayang ang paglabas ko. Pagkatapos ay naisipan kong tumingin ng mga magandang night gown sa mall.
May mga nanghuhusgang tingin ang ilan sa mga sales staff, pero pinili ko na lang na huwag pansinin.Kailangan ko ng night gown. Sanay na ako sa tshirt at short kapag natutulog pero ngayon dapat masanay na ako sa mga proper night dress dahil magkakaroon na ako ng asawa.Dalawa lang ang nabili ko dahil nahirapan akong pumili. Siguro o-order na lang ako online. Mas madaming choices doon para sa isang plus size na kagaya ko. Before the wedding ay made-deliver na din siguro iyon.Nalukot ang mukha ko nang muli ko na namang naramdaman pagkirot ng aking pang-ibaba dahil sa wax, kaya pinili kong umuwi na.Wala pa din si Cora pagdating ko. Nakakapanibago na hindi siya umuwi kagabi. May boyfriend na kaya siya? O baka may lalake na siyang natitipuhan. Hindi naman niya gawain iyong hindi uuwi. Alam niyang mag-aalala ang kaniyang Nanay sa kaniya.Nag-cold compress ako upang mabawasan ang discomfort na nararamdaman ko. Nag-text din ulit ako kay Jacob but still he didn't replied.Sana magkita-kita din kami bago ang kasal namin, upang makapag-usap at makapagkilanlan. Gusto kong malaman ang ilan sa mga gusto niya, paborito niya lalo na sa pagkain at sa kulay ng mga damit. I stopped stalking him since I graduated. Naging busy na ako at bukod doon, natanggap ko ng hindi niya ako kailangan magugustuhan. That time he's in a serious relationship. Hindi basta-basta ang babae. Kaso nabalitaan ko na lang na nagkahiwalay na sila. His ex went abroad and soon after napabalita na kinasal na ito sa isang sikat na businessman.Hindi mo talaga masasabi ang takbo ng buhay. Hindi man ako kagandahan, pero pinapangako ko na magiging mabuti akong asawa. Aalagaan ko siya ng mabuti at pagsisilbihan.After two days umuwi din si Cora."Sorry na." Niyayakap-yakap ako nito dahil nagtatampo ako sa kaniya. Hindi siya nag-reply sa mga text ko, kaya nagtatampo ako."Saan ka ba galing? May boyfriend ka na ba?""Wala akong boyfriend." Ngumisi ito ngunit napaiwas ng tingin nang mariin ko siyang tingnan. Dahil mababa ang kaniyang suot na blouse nasisilip ko ang pulang marka sa kaniyang dibdib.Ako na lang ang napaiwas ng tingin dahil sa biglang naisip ko. Wala naman siguro siyang boyfriend. Kasi sasabihin niya iyon sa akin kung mayroon man. Normal lang naman sa kaniya ang mamula ang balat dahil maputi siya."Magpapahinga na muna ako, ha. Napagod ako sa biyahe." Hinayaan ko na lang din siya. Lumabas din muna ako dahil magkikita kami ngayon ng Mommy ni Jacob.May text na si Jacob sabi niya ay bukas pa daw siya makakabalik. Magkita daw kami bukas ng gabi."Okay, hubby." Gusto ko pa sanang dagdagan ng I miss you ang sasabihin ko pero hindi na lang. Nahiya ako bigla. Fiance ko siya pero naiilang ako dahil hindi naman kami dumaan sa pagiging boyfriend-girlfriend.Pumili kami ng design ng cake ng aking magiging byenan. This time ay iyong design na gusto ko ang nasunod. Hinayaan ako ni Mommy."Mag-tea muna tayo, hija," aya niya nang matapos na kami. May lakad pa sana ako pero c-in-ancel ko na lang dahil may mga gusto akong malaman sa mommy ng magiging asawa ko."Huwag kang maiilang sa akin, okay? Ituring mo na akong isang ina." Wala akong ina na kinalakihan. Lahat ng maids namin ay tinuring ko ng ina, sila ang tumayong parang Nanay ko, kaya masaya ako na mabait sa akin at anak na din ang turing sa akin ng Mommy ni Jacob.______"Papunta na ako sa restaurant." Nag-send ako ng message kay Jacob around four thirty pm."Nandito na ako." Message ko mga quarter to six. Wala pa ding reply si Jacob.Lumapit ako sa receptionist. Sa loob na ako maghihintay. May reservation naman si Jacob."Ma'am, o-order na po kayo?" Pangatlong balik na ng waiter dito, pero wala pa din si Jacob.Sinilip ko ang phone ko bago ako um-order sa waiter. Salad at wine. Iyon lang muna. Hindi ko naman ito kakainin o iinumin. Hihintayin ko si Jacob. Masakit na ang puwet ko at nangangalay na ang liked at mga paa ko sa pagkakaupo. Dalawang oras na ako dito.Alas-otso nang sa wakas ay dumating din siya."I'm sorry, galing ako ng Manila."Ngumiti siya sa akin at ang pagod at pagkainip ko kanina ay agad nawala."Ayos lang," nakangiti kong sabi.Lumapit ang waiter at binigay sa amin ang menu. Um-order ulit ako. Hindi heavy meal kahit na nagutom na ako sa paghihintay. Kailangan kong mag-diet at hindi puwedeng makita ni Jacob na masiba ako, baka ma-turn off pa.Halos ako lang ang nagsasalita. Si Jacob ay sumasagot lang sa tanong ko. Tinatanong ko ang mga gusto niyang pagkain. Ano ang ayaw niya at kung ano-ano pa."Black and white," sagot niyang sa paborito niyang kulay."Ako red... At black din," sagot ko. Black kasi nakakapayat daw iyon. Hindi siya sumagot. Nakatingin siya sa kaniyang phone. May nag-text."Favorite dessert?""Ayaw ko ng sweets." Nahiya tuloy ako. Body and health conscious talaga siya. Kitang-kita naman sa kaniyang katawan, na alagang-alaga.Okay, hindi na din ako magsi-sweets. Dark chocolate na lang kapag nag-crave ng chocolate.Natapos ang aming dinner. Umuwi siya sa kaniyang bahay at ako ay umuwi na din sa bahay. May dala siyang kotse tapos ako naman ay may kasamang driver. Dapat pala sana hindi na lang ako nagpa-drive para nag-offer siya na ihatid ako.Nang makauwi ako ay naka-recieve ako ng text mula kay Jacob."Just got home, love."Namula ang pisngi ko sa kilig. Love? Iyon na ba ang magiging tawagan namin? Hindi na hubby at wifey?Agad akong nag-reply."Okay, Love. Goodnight po."Hindi na siya nag-reply, kaya tinabi ko na ang aking celphone.Dahil masaya ako, maaga akong gumising upang mag-jogging. Jogging na naging walking dahil masyadong mabigat ang aking katawan. Hingal na hingal ako pero kailangang kayanin ko 'to.Pawis na pawis ako, pero I feel good.Umakyat ako sa aking silid upang mag-hot bath. Tapos bumaba din ako upang saluhan sa breakfast ang daddy."Maagang umalis, Ma'am."Gano'n?"Sige po, hindi na lang po ako kakain. Sayang ang na-burn kong fats kanina."Lumabas ako at hinanap si Cora. Nakita ko siya sa may garden. May kausap siya sa celphone."Ikaw talaga, Love. I miss you."Nang makita niya ako ay kinawayan niya ako at nagpaalam na sa kaniyang kausap."May boyfriend ka na?""Loka, wala. Si Lovelyn iyon. Iyong kaklase natin nang elementary.""Iyong mataba din?""Yes. Siya nga!""Akala ko naman may boyfriend ka na hindi mo lang sinasabi sa akin.""Kapag meron, ikaw ang unang makakaalam.""Promise mo iyan, huh?""Oo.""Sige. Mag-boyfriend ka na para hindi ka malungkot kapag kinasal na ako. Hindi na tayo oras-oras magkikita.""Kaya nga, e. Naiinggit tuloy ako." Nangalumbaba siya.Tumawa naman ako. "Sino'ng mag-aakala na ako pala ang unang ikakasal sa atin."Tipid siyang ngumiti. "Kaya nga, e.""Akala ko nga ikaw ang mauunang mag-aasawa sa atin dahil ikaw ang maganda sa atin."Umangat ang dulo ng kabilang labi niya. "Mas mayaman ka, e.""Huh? Ano'ng connect?" Tumawa siya. "Wala. Sabi ko, we never know what lies ahead."Matamis siyang ngumiti.Hindi ko maintindihan kung bakit labis ang pagkalabog ng aking dibdib ngayon. Natatakot na ako dahil baka mamaya ay may sakit na pala ako sa puso. Bukas na ang kasal namin ni Jacob. Hindi ko maunawaan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Nanghihina ako at matamlay. Wala din akong makausap dahil wala si Cora. Umalis ito. Kahapon pa. Hindi pa din umuuwi hanggang ngayon. Nagagalit na nga yata ang Nanay niya. Tinatanong ako nito kung may nobyo na ang kaniyang anak. Wala namang sinasabi si Cora sa akin. Sasabihin n'on kung may nobyo siya kung sakali. Ang sabi naman niya wala. Busy daw siya sa work at nagpaplano siyang mag-open ng business kaya mawawala-wala siya. Hindi ko na lang gaanong pinapakialaman ang kaibigan ko. Maganda din na nagpupursigi siya para maging successful. Pangarap niyang magpatayo ng bahay, magkaroon ng sariing condo. Kapag nangyari iyon, hindi na kailangang mamasukan ng kaniyang Nanay dito. Pagpapahingain na daw niya. Hindi naman ganoon kabigat ang trabaho ng kaniy
Natapos na ang kasal namin at nagsimula na ding umuwi ang ilan sa aming mga bisita. Sumama din sa pag-uwi sina Daddy at parents ni Jacob. Ilan naman sa mga pinsan ni Jacob ay nag-stay muna. Plano nilang mag-night swimming, kaya nagpaiwan na din muna si Cora. Ayaw sana niya dahil may importante daw siyang lakad bukas pero nadaan ko naman sa pangongonsensya at pamimilit ko sa kaniya. "Mauna ka na sa villa natin," utos sa akin ni Jacob. Kanina pa ako inaantok. Isang baso pa lang naman ng wine ang nainom ko, pero ewan ko kung bakit parang tinablan na agad ako. "Susunod ka ba?" "Yes. Ubusin lang namin ang isang bote.""Hindi ka pa inaantok, Cora?" tanong ko sa aking kaibigan. Tahimik kasi ito. Umiinom pero hindi gaano nakikisali sa usapan. Hindi naman siya ganito. Palakaibigan siya at magaling makisama, magkaibang-magkaiba kami. Jacob's cousin was nice kaya naman hindi ako na-OP. Pinasamahan ako ni Jacob sa isa sa mga pinsan niya hanggang sa villa. Nang makapasok ako sa kuwarto ay uma
Natapos ang araw na halos hindi ko nakasama ang aking asawa. Hindi man lang siya sumunod sa amin. Ginugol niya ang buong maghapon sa harap ng kaniyang laptop at kung kailan nakaalis na ang mga pinsan niya at sina Cora, akala ko makakapag-solo na kami, kaso inaya niya akong umuwi. "Kailangan kong humabol sa flight mamayang ala-una," aniya. Wala akong nagawa kung hindi mag-empake ng aking mga damit. Umuwi kami sa kaniyang bahay. Isang two storey modern type house na tamang-tama lang para sa nagsisimula ng pamilya. May swimming pool pero walang tanim na halaman ang garden area. Nakaalis na siya at ako naman ay naiwan na mag-isa. Hindi ako makatulog kaya nilibot ko na lang ang buong bahay. Hindi man lang kami nakapag-bonding. Wala din nangyari sa amin sa supposed to be first night namin. Malungkot ako pero pilit kong nililibang ang aking sarili hanggang sa makaramdam ako ng antok. Kinaumagahan, maaga akong umalis upang um-attend ng meeting sa kompanya ni Daddy. Nalipat na ni Dad ang
Isusubo ko na sana ang pagkain na nilagay ko sa aking plato nang maalala ko na kailangan ko nga palang mag-diet. Ang hirap panindigan lalo kung ang pagkain na ang nagiging comfort mo kapag stress ka. Para sa akin din naman 'to. Para sa amin ni Jacob, kaya kailangan kong tiisin. Naggatas na lang ako at ilang piraso ng grapes. Hindi nakakabusog pero kalaunan ay masasanay din ako. Umakyat na ako sa aking silid. Muli na naman akong nakaramdam ng kalungkutan. Ayos naman ako nang single ako, ang nagpapalungkot lang naman noon sa akin ay ang kaisipan na hindi ako gusto ni Jacob. Pero ngayon na kasal na ako, siya pa din ang nagpapalungkot sa akin. Nagising ako bandang alas-tres ng madaling araw dahil sumasakit ang aking tiyan. Naninibago siguro dahil hindi na ako kumakain ng madami kaya sumasakit ngayon. Bumaba ako upang kumuha ng hot water, para makainom ako ng tea at gamot. Paakyat na ako nang marinig ko ang pagdating ng sasakyan. Ngayon lang umuwi si Jacob? Hinintay ko ito at nang mak
Pagbalik ko ng bahay, nadatnan ko si Cora sa aking kuwarto. Nakahiga ito sa kama pero basa ang buhok. Naligo na siya. It's still five in the morning. Suot niya ang aking tshirt. Malaki ito sa kaniya kaya nagmukhang bestida. May baon siyang extra panties sa kaniyang bag lagi, iyon ang gamit niya. "Saan ka galing at ang aga mo yatang naligo? Hinanap kita kanina.""Ikaw, saan ka galing? Ba't ang aga mo atang umalis?""Ah, nag-jogging ako." "Talaga? Kailan ka pa nagsimulang mag-jogging?""Kailan lang... I want to lost weight para naman gumanda ako kahit kaunti." Inikot niya ang kaniyang mata. "Is this for your husband?" Ngumiti ako. "Yeah. Para na din makabuo kami agad. I'm an only child kaya gusto ko ng anak."Napangiwi siya. She sighed and shook her head. "Gusto ba ng asawa mong magkaanak? And paano mangyayari iyon kung hindi kayo tabi matulog?" Natahimik ako. "Kaya nga I'm working on my weight and my skin. Maligo na muna ako. And then matutulog ulit ako." "K.""By the way, saan
Lumabas si Awi sa aking opisina nang dumating si Cora. Nakasimangot ang aking kaibigan. Hindi ko alam pero tingin ko ay nagseselos ito dahil nadatnan niya kami ni Awi na kumakain habang nagtatawanan. "Ba't ka nakabusangot?" nakangiti kong tanong. Ubos na ang pagkain ko kaya niligpit ko na muna. Naupo si Cora sa chair na nasa aking tapat. Mula sa busangot na mukha ay naging maaliwalas ito. Ngumiti siya. Nagpahid din muna ako ng alcohol sa kamay bago ko nilabas mula sa drawer ang aking check book. "Pag-aralan mo ng maigi ang mga business na papasukin mo," pangaral ko sa kaniya in a very nice way para hindi siya ma-offend. "Oo. Napag-aralan ko na iyon. Ilang buwan ko na ding binabalik-balikan ang property na iyon.""Okay." Nagsulat na ako. Ten million pesos. "Goodluck...""Salamat, friend." Tinanggap niya ang cheke. Tumayo siya at yumakap muna sa akin bago siya magpaalam na aalis na. Agad namang pumasok si Awi nang makaalis si Cora. May dala siyang pakwan. "May dumaan na magpu-pru
Alas-kuwatro nang magkamalay si Cora. Nang makita niya ako ay napaiyak siya at nagsimula siyang magkuwento sa nangyari. "Para bang alam nila na may dala akong malaking halaga..." She was sobbing. She look so terrified that's why I tried to calm her down. "Paano na ang business na plano kong buksan?" "Huwag mo na munang isipin iyan. Ang mahalaga ay buhay ka. You should be grateful for your second life. Pera lang iyon, maari mo pang kitain ulit.""That's ten million.""Yeah. At hindi mo iyon kikitain kapag nawala ka na. Magpahinga ka na... Tulog ka ulit."Maaga nagpunta ang Nanay ni Cora dito sa ospital. The old woman was crying but when she found out about the money she began scolding her. "Bakit ka may ganoon kalaking pera?" Nakayuko lang si Cora. Maging siya ay nanghihinayang din sa pera. Iyon pa ang mas iniyakan niya. "Humiram ka kay Precious? Ang lakas naman ng loob mo na humiram ng ganoon kalaking halaga!""'Nay! Huwag ka ng magalit. Nai-stress na nga ako, e. Gusto ko lang na
Two days na ang lumipas mula nang umalis si Jacob. Hindi pa din ako bumabalik sa trabaho. Wala akong gana sa lahat. Napapraning ako at hindi maubos-ubos ang aking mga luha. Kaya naman namumugto ang aking mga mata at halos hindi ko na nga maidilat. Ano kaya ang ginagawa niya? Kasama kaya niya ang kaniyang ex? Cora was texting me from time to time too but I didn't reply. Ayaw ko ng kausap. Ayaw kong kaawaan lang niya ako. "Hija, may bisita ka.""Sino daw po, Manang?" Hapon na. Ilang minuto na lang ay gabi na ulit. Hanggang kailan akong ganito? Bakit pakiramdam ko walang patutunguhan itong buhay ko. "Awi daw po." Bakit nagpunta si Awi dito? At paano niya nalaman ang address ko dito? "Saglit lang po." Ayaw ko naman siyang pauwiin na lang. Nag-effort iyong tao para puntahan ako. May dalang mga prutas si Awi. Akala ata niya ay may sakit ako kaya hindi ako nakakapasok. "Hi, nag-ambagan kami para rito..." Tinuro niya ang malaking fruit basket. "Thank you. Hindi na sana kayo nag-abala