Share

Chapter 13

Tumikhim si Katie at pinatatag ang sarili. Tinitigan niya ang lalaki sa mga mata.

“Puwede ba, Sir? Ipamakahiya niyo naman ako. Naririto tayo sa bahay ninyo kasama ang mga magulang ninyo at kapatid. Paano na lang kung makita nila tayo?”

Nagkibit ito ng mga balikat. “I don’t care. Alam naman nilang attracted ako sa iyo.”

Sh*t!

Biglang lumakas ang kabog ng kaniyang dibdib. May pakiramdam rin siyang halos magkulay-makopa na ang magkabilang pisngi niya.

Hindi pala mapaaamin, ha? Ang lakas talaga ng loob mo, Katie! Sobra! Hanga na ako sa iyo, sarkastikong wika ng tinig sa kaniyang isip.

Lumunok siya. “Tigilan niyo nga ako. Baka gutom lang iyan,” aniya saka mabilis na nag-iwas ng mga mata rito. Kung hindi niya gagawin iyon, baka bigla na lang siyang bumigay sa mga sinasabi nito.

“Yes, I’m hungry. Pero hindi sa kalam ng sikmura ako nagugutom.” Kumindat pa ito.

Nanlaki ang mga mata niya. Kagyat siyang lumayo rito na ikinatawa nito nang malakas.

Nag-init naman bigla ang paligid. Pakiram
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Julie F.Abenes
mag iingat ka Zach
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status