Chapter 77Halos tatlong sunod-sunod na araw na bumisita at natulog si Zach sa bahay nila. Palagi itong hindi nawawalan ng mga dalang pasubong sa triplets. Kung hindi damit, laruan, ay ipinapasyal naman nito ang mga bata na kasama siya. At ngayon nga ay nasa museum sila. May mga replika na helicopter doon at malalaking canyon. Mayroon ding iba’t ibang hugis at laki ng bala ng mesiles. Naka-display din doon ang uniporme ng mga magigiting ng sundalo noong World War II at iba’t iba pang mahahalagang kaganapan sa kasaysayan ng Estados Unidos. Nakita ang excitement sa mukha ng mga anak. Kahit naman siya ay namangha rin sa mga nakita. Sa laki ng museum, tantiya niya, hindi kayang libutin iyon ng maghapon.“Daddy, I’m so excited to ride here. Come on, guys!” si Evan iyon na sumakay sa replikang helicopter. Tila naman kinikilig ang dalawa nina Chase at Asher na sumunod sa kapatid. Nagkagulo pa ang mga ito sa kung sino ang uupo sa driver seat. Napangiti na lang siya at napailing.“How I mis
Bigla ang pagbundol ng kaba sa kaniyang dibdib. Sabay silang napalingon dito ni Zach.Nanlaki ang mga mata niya. Si General Santiago!“Naunahan mo akong makipagkita sa kaniya, Lt. General Silva. This all the reports that I need to present to her. But anyway, thank you for inviting me here,” anito.Nakipagkamay ito kay Zach habang nagbeso naman siya rito.“Apat na buwan na mula nang magising ako at nakabawi ng lakas. Almost one and half years ang ginawa ni Jalva sa akin, pero hindi ko iyon pinagsisihan. Dahil kahit sa impyerno susundan ko siya, para lang mailigtas ang mag-ina mo, at sisiguraduhin kong hindi na siya makababalik pa dito sa lupa,” nakangiting wika nito.“I’m sorry, General Santiago. Pati iakw nadamay dito,” napayukong wika niya.Umiling ito. “No! Ramdam ko ang pagnanais mo na mailigtas ang anak mo noon. Salamat sa pagtitiwala sa akin, dahil doon, nakasama ko ang future husband mo sa laban. Ikaw ang tumupad ng usapan namin.” Tumawa ito. “Asan ang triplets?” Iginala nito an
Maingay at maraming tao ang nakikita niya sa paligid. Aligaga ang mga ito. Mayroon ding nagkikislapang kamera sa di-kalayuan. Pinakiramdaman niya ang sarili. Masakit ang katawan niya habang pinipilit na tumayo. “Buhay pa ang isang ito! Dalhin sa ambulansya. Bilis!” sigaw ng isang lalaki na nasa harap niya. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay. Totoo ba ang lahat ng iyon o panaginip niya lang? Ipinilig niya ang ulo. Wari bang inaalis ang kung anumang agiw na naroon. Napatigil siya. Parang itinusok sa kinatatayuan ang kaniyang mga paa. Bigla ang pagragasa sa isip niya ng mga nangyari kanina lamang. Paalis sila ng kaniyang papa at mama. Iyon ang pinakamasayang araw hindi lamang para sa kaniya, kundi pati na rin sa kaniyang mga magulang. It was her oath-taking day as a doctor. Yes! Sa kabila ng hirap ng buhay ay naitayod siya ng mga magulang sa pag-aaral. Ang mama niya ay nagtrabaho bilang isang clerk sa mall, at ang papa naman niya ay isang security guard ng bangko. Nag-iisa siyang
Sampal ng malakas na hangin ang sumalubong sa kaniya mula sa kinatatayuan. Tumingin siya sa baba nang kinaroroonan niya. Tingin niya may taas na eight thousand feet iyon mula sa helicopter na sinasakyan niya. Iyon ang huling training niya para maging isang ganap na First Scout Ranger Regiment specializing in anti-guerrilla jungle warfare, raids, ambushes, close quarters combat, urban warfare and sabotage.Tumingin siya sa mga kasama niya. Nagbigay ng go signal ang leader nila. “Jump de Guzman!” malakas na sigaw nito. Lakas loob siyang tumalon mula sa helicopter. Kasabay niyon ang malakas niyang sigaw na pumailanlang sa malawak na himpapawid. After what happened, she entered the military. Iyon lang ang naisip niyang paraan para makita ang mga taong nasa likod ng pang-ambush sa kanila ng kaniyang mga magulang, apat na taon na nakararaan.Hindi napatay ang lalaking may tattoo. Malakas ang kutob niyang gumagala pa ito at nambibiktima. Alam rin niyang malaking sindikato ang kinabibilanga
Lt. General Zachary Silva is one of the hottbachelor'slors of his generation. May makisig na pangangatawan na nagtatago sa loob ng uniporme. Walang babae ang hindi mapalilingon sa kaniya. Ang mapupungay niyang mga mata ay para kang hinihigop sa tindi ng karisma. Samahan pa iyon ng ngiting para kang pinasasabik sa bawat kibot ng mga labi. Subalit, huwag na huwag kang magkakamali na iwasan siya o salungatin sa kaniyang mga gusto. Dahil matinding parusa ang naghihintay sa iyo. Para sa kaniya ang batas ay batas, lalo na sa trabaho. Walang kaibi-kaibigan. Kapag nagkamali ka, hahayaan niyang ang batas ang humusga sa pagkakamali mo. Well, maliban na lang kung nasa labas kayo ng kampo. mabuti pa rin naman siyang kaibigan. Subalit, may pagkamatinik sa babae.Nagpunta siya sa kampo kung saan kasalukuyang nagaganap ang huling araw ng training para sa mga reserve scout rangers. Ang sanay simpleng pagbisita ay nauwi sa init ng ulo. Sinalubong siya ng platoon commander, ngunit hindi ang talagang p
Tahimik na nakatingin sa puntod ng kaniyang mga magulang si Katie, habang hinahampas ng mabining hangin ang kaniyang balat. Tahimik din siyang lumuluha. Miss na miss na niya ang mga ito. Kung pwede nga lang sanang ibalik ang oras, ginawa na niya. Pero walang siyang kayayahan para gawin iyon.“Pangako, Ma, Pa, makukuha rin natin ang hustisya.” Pinahid niya ang mga luha, saka naglakad palayo roon. Umuwi siya sa Palawan para dalawin ang mga ito. Pagkatapos ng training niya, binigyan siya ng isang linggo para magbakasyon. Wala naman siyang sinayang na sandali. Agad niyang pinuntahan ang mga ito, dahil sa loob ng apat na taon ay hindi niya nakuhang bisitahin ang mga magulang.Noong una, ayaw siyang payagan ni Mavy, pero nagmatigas siya. Kaya heto siya ngayon. Muling ininda ang sakit na hindi naman nawala sa puso niya sa pagdaan ng panahon. Napatingala siya sa langit. Mukha pa yatang uulan.Nagmadali siya sa paglalakad. Madilim na nang sapitin niya ang kanilang bahay. Ang bahay na dating p
Naabutan ni Katie na masayang nag-uusap ang mga ito sa harap ng pagkain. Mabilis na tumayo ang kaniyang superior at ipinaghila siya ng upuan. Hindi naman napigilang umikot ang kaniyang mga mata. Akala mo kasi kung sino ito kung makaasta. “Katie, hindi mo man lang ba ipakilala itong gwapong binata na ito sa amin? Kanina pa kami nag-uusap pero hindi pa namin siya kilala. Saka, sa kwarto mo nga pala ko siya pinatuloy kanina para makapagpahinga. Alam mo namang walang iba pwedeng mapagpapahingahan kundi roon. Kaya mamaya, sa kwarto ka na lang ni Taniya matulog,” tuloy-tuloy na wika ng kaniyang tiyahin. Napamulagat sya. “Ho!? Tiyang naman. . . Paano kung mandurugas ang lalaking ito at nanganib buhay niyo? Dapat ho hindi kayo nagpapatuloy at nagtitiwala agad-agad.” Tiningnan niya nang masama ang lalaking katabi na para namang hindi apektado ng kaniyang mga sinabi. Umiling naman ang tiyo niya na hindi pa halos nalulunok ang pagkain sa bibig. “Hindi naman sa ganoon, Katie. At saka, ipinakita
Isang linggo na ang lumipas nang makabalik si Katie sa kampo, pero ni anino ng loko-loko niyang superior ay hindi niya nakikita. At naiinis siya dahil apektado siya niyon. Kasalukuyan silang may ensayo sa araw na iyon. Nakasuot siya ng kaniyang umiporme, dala ang kaniyang baril. Iyon ay para raw mahasa pa sila sa paggamit ng armas. Sa pagkakaalam niya, dapat ay nasa kampo lamang siya kasama ang iba pang mga medic. Pero sinabihan siya ng isang kasamahan na maghanda, kaya naroon siya ngayon sa isang malawak na lupain sa may bandang Antipolo kasama ang iba pa. Nilapitan siya ng isa niyang kasamahan. Si Pvt. Leigh Esteban, isa sa magaling na cadet noong nag-tr-training pa sila. “Pvt. de Guzman, willing ka bang maka-one on one? Hindi kasi ako nag-jogging kanina!” mataas ang tinig na wika nito. Kahit medyo kinakabahan ay nagkibit-balikat siya. Isa ito sa mga ka-buddy niya. Masaya at masarap naman itong kasama. “Alright!” Hinubad niya ang uniporme at itinira ang sandong may tatak ng army