Sampal ng malakas na hangin ang sumalubong sa kaniya mula sa kinatatayuan. Tumingin siya sa baba nang kinaroroonan niya. Tingin niya may taas na eight thousand feet iyon mula sa helicopter na sinasakyan niya. Iyon ang huling training niya para maging isang ganap na First Scout Ranger Regiment specializing in anti-guerrilla jungle warfare, raids, ambushes, close quarters combat, urban warfare and sabotage.
Tumingin siya sa mga kasama niya. Nagbigay ng go signal ang leader nila.“Jump de Guzman!” malakas na sigaw nito.Lakas loob siyang tumalon mula sa helicopter. Kasabay niyon ang malakas niyang sigaw na pumailanlang sa malawak na himpapawid.After what happened, she entered the military. Iyon lang ang naisip niyang paraan para makita ang mga taong nasa likod ng pang-ambush sa kanila ng kaniyang mga magulang, apat na taon na nakararaan.Hindi napatay ang lalaking may tattoo. Malakas ang kutob niyang gumagala pa ito at nambibiktima. Alam rin niyang malaking sindikato ang kinabibilangan nito.Paglabas niya noon ng ospital, dinala nga siya sa isang safe house. Hiningian siya roon ng statement sa nangyari. Ngunit, sa hindi malamang kadahilan, tanging ang lalaking may tattoo na iyon ang hindi niya ibinigay sa kinauukulan.Sa safe house, doon niya nakilala si Sgt. Mavy Felipe, isang scout ranger. Ito ang naka-assign sa kaso ng mga magulang niya. Hiniling niya ritong matuto ng self-defense upang maprotektahan ang sarili.Hindi naman siya nabigo. Dahil alam nitong isa siyang doctor at kailangan ang kaniyang kakayahan sa ganoong klase ng trabaho nila. Nag-aral siya ng self-defense sa kampo, habang ipinagpapatuloy ang propesyon niya roon.“de Guzman! Malapit na tayo sa ground! Ang parachute mo, ilabas mo na!” sigaw ng ka-body niya na nagpabalik sa kaniyang isip sa kasalukuyan.Mabilis niyang pinindot ang button sa kaniyang bandang may balikat. Agad iyong bumukas at tinangay-tangay ng hangin. She perfectly maneuvered it. Hanggang sa unti-unti siya noong dinadala sa kalupaan.Inihanda niya ang sarili para sa paglapat ng dalawang paa niya sa lupa. Nakaabang lahat ng mga leaders at ibang mga sundalo roon. Mabilis na tumakbo sa kaniyang harapan ang lalaking may dalang medical kit. Wala iyong iba kundi si Sgt. Mavy Felipe.“Congratulations, de Guzman! Isa ka ng ganap na scout ranger.” Pinagmasdan siya nitong mabuti. “Nasaktan ka ba? May gagamutin ba ako sa ’yo?”Natawa siya nang hawakan nito ang mukha pagkuwa’y ang kamay niya. inawakan nito mukha na at kamay. “Sgt. Mavy Felipe, huwag kang OA masiyado. Alam kong wala sa kalingkingan ang training ko sa naging training mo noon, pero salamat pa rin sa lahat. Dahil sa iyo, naririto ako ngayon,” sabi niya at yumakap dito.Nakitawa ito sa kaniya. Gumanti rin ito ng yakap.“Ehem! Ikakasal ka na Sgt. Felipe, pero maykayakap ka pang iba rito,” singit ng isang lalaki.Mabilis itong kumalas sa pagkakayakap sa kaniya at agad na sumaludo sa nagsalita. Siya naman ay nakatingin lang dito, kaya siniko siya ng lalaki at sumeniyas na gayahin ang ginawa.“Lieutenant General Silva!” malakas na wika ni Mavy, pero hindi ito pinansin ng lalaki. Tuloy-tuloy itong naglakad sa tapat niya.Napatanga na lang si Katie sa lalaking kaharap. Napakagwapo kasi nito kahit seryoso. Bukod sa malaki at malapad ang pangangatawan, hindi maikakailang maraming babae ang napaiiyak nito.Tinitigan siya ng lalaki gamit ang mala-agila nitong mga mata na kasing-itim yata ng uwak. Halos manuot sa kaloob-looban niya iyon. Kaya hindi niya napigilan ang mabilis na pagtibok ng puso.Kumunot ito. “Tsk! Woman!” narinig niyang bulong nito.“de Guzman!” siko ni Mavy sa kaniyaDoon siya natauhan. “Sir!” Sumaludo siya sa lalaki.Pero muli na nitong binalingan si Mavy. “Sgt. Felipe, give me one hundred push-ups!” madilim ang mukhang saad nito, bago siya binalingan. “And you, new scout ranger. Nasa gitna ka ng training pero anong ginagawa mo? Fifty push-ups!” dugtong nito.Nagsalubong ang mga kilay niya. Ano iyon? Wala naman silang ginagawang mali. At saka, normal lang naman na magyakap sila dahil magkaibigan sila ni Mavy.Hindi gumagalaw na tumingin siya sa paligid. Halos lahat ay masaya maliban na lang sa lalaking kaharap niya.Napaawang ang mga labi niya nang makitang nakatingin na ang lahat sa kanila. Nakita niyang nag-umpisa ng mag-push up si Mavy. Wala siyang nagawa kundi ang mapamura sa sarili. Tiningnan niya muna nang masama ang lalaking walang kangiti-ngiti, saka ito sinunod.Halos sabay silang matapos ni Mavy. Lumingon sa officer nila ang lalaki habang nakasaludo.“Sa susunod na makita ko pang hindi niyo seneryoso ang training na ito, hindi lang iyan ang aabutin ninyo. Now, move!” Sabay talikod nito.Napalingon siya kay Mavy na umiiling.“Okay ka lang?” Lumapit ito sa kaniya.“Ops! Baka makita ulit tayo ng unggoy na ’yon. Ayoko na maparusahan.” Mabilis siyang umiwas dito.Natawa naman si Mavy, kaya nakitawa na rin siya.Biglang nag-ring ang bell hudyat para sa pagliligpit ng kanilang mga gamit. Lahat sila ay may hawak na baril at bag na halos limang kilo yata ang bigat. Kahit pagod ang katawan niya ay hindi siya nagreklamo. Natatak na sa isip niya kung para saan ba talaga ang ginagawa niyang iyon. Kaya walang hindi siya kakayanin. At bukod sa pagiging sundalo, isa na rin siya ngayon sa doctor ng kampo. She became their military doctor. Ipinagpapasalamat na rin niya iyon dahil kahit papaano, nagagawa niya ang tungkulin.Malaki ang ipinagbago ng kaniyang sarili simula nang maging magkaibigan sila Mavy at makapasok siya kampo. Noong una-una, akala niya talaga susuko na siya. Hirap na hirap ang katawan niya noon na mag-adjust sa training, dahil ibang-iba ang ginagawa ng mga naroon kumpara sa normal na basic training ng self-defense. Doon, hangga’t hindi ka natututong disiplinahin ang iyong sarili, mas lalong bibigat ang ipagagawa sa iyo. Kung hindi matibay ang isip, katawan at loob mo, laglag ka.The camp taught them how to handle guns, knives and explosive devices. Tinuruan din sila roon ng martial arts at kung ano-ano pang kaalaman para madepensahan ang sarili laban sa mga masasamang tao at kaaway ng lipunan. They also taught them survival techniques. Dahil once na may mangyaring masama habang nasa field ka, you could survive on your own.Habang lahat ng mga bagong kaalaman na iyon ay inaaral niyang mabuti, naghahanda rin siya sa malaking laban ng kaniyang buhay. Isinara na kasi ang kaso ng kaniyang mga magulang sa pag-aakalang patay na nga ang lider ng nang-ambush sa kanila.But they were wrong. Dahil siya mismo ang tatapos niyon.Lt. General Zachary Silva is one of the hottbachelor'slors of his generation. May makisig na pangangatawan na nagtatago sa loob ng uniporme. Walang babae ang hindi mapalilingon sa kaniya. Ang mapupungay niyang mga mata ay para kang hinihigop sa tindi ng karisma. Samahan pa iyon ng ngiting para kang pinasasabik sa bawat kibot ng mga labi. Subalit, huwag na huwag kang magkakamali na iwasan siya o salungatin sa kaniyang mga gusto. Dahil matinding parusa ang naghihintay sa iyo. Para sa kaniya ang batas ay batas, lalo na sa trabaho. Walang kaibi-kaibigan. Kapag nagkamali ka, hahayaan niyang ang batas ang humusga sa pagkakamali mo. Well, maliban na lang kung nasa labas kayo ng kampo. mabuti pa rin naman siyang kaibigan. Subalit, may pagkamatinik sa babae.Nagpunta siya sa kampo kung saan kasalukuyang nagaganap ang huling araw ng training para sa mga reserve scout rangers. Ang sanay simpleng pagbisita ay nauwi sa init ng ulo. Sinalubong siya ng platoon commander, ngunit hindi ang talagang p
Tahimik na nakatingin sa puntod ng kaniyang mga magulang si Katie, habang hinahampas ng mabining hangin ang kaniyang balat. Tahimik din siyang lumuluha. Miss na miss na niya ang mga ito. Kung pwede nga lang sanang ibalik ang oras, ginawa na niya. Pero walang siyang kayayahan para gawin iyon.“Pangako, Ma, Pa, makukuha rin natin ang hustisya.” Pinahid niya ang mga luha, saka naglakad palayo roon. Umuwi siya sa Palawan para dalawin ang mga ito. Pagkatapos ng training niya, binigyan siya ng isang linggo para magbakasyon. Wala naman siyang sinayang na sandali. Agad niyang pinuntahan ang mga ito, dahil sa loob ng apat na taon ay hindi niya nakuhang bisitahin ang mga magulang.Noong una, ayaw siyang payagan ni Mavy, pero nagmatigas siya. Kaya heto siya ngayon. Muling ininda ang sakit na hindi naman nawala sa puso niya sa pagdaan ng panahon. Napatingala siya sa langit. Mukha pa yatang uulan.Nagmadali siya sa paglalakad. Madilim na nang sapitin niya ang kanilang bahay. Ang bahay na dating p
Naabutan ni Katie na masayang nag-uusap ang mga ito sa harap ng pagkain. Mabilis na tumayo ang kaniyang superior at ipinaghila siya ng upuan. Hindi naman napigilang umikot ang kaniyang mga mata. Akala mo kasi kung sino ito kung makaasta. “Katie, hindi mo man lang ba ipakilala itong gwapong binata na ito sa amin? Kanina pa kami nag-uusap pero hindi pa namin siya kilala. Saka, sa kwarto mo nga pala ko siya pinatuloy kanina para makapagpahinga. Alam mo namang walang iba pwedeng mapagpapahingahan kundi roon. Kaya mamaya, sa kwarto ka na lang ni Taniya matulog,” tuloy-tuloy na wika ng kaniyang tiyahin. Napamulagat sya. “Ho!? Tiyang naman. . . Paano kung mandurugas ang lalaking ito at nanganib buhay niyo? Dapat ho hindi kayo nagpapatuloy at nagtitiwala agad-agad.” Tiningnan niya nang masama ang lalaking katabi na para namang hindi apektado ng kaniyang mga sinabi. Umiling naman ang tiyo niya na hindi pa halos nalulunok ang pagkain sa bibig. “Hindi naman sa ganoon, Katie. At saka, ipinakita
Isang linggo na ang lumipas nang makabalik si Katie sa kampo, pero ni anino ng loko-loko niyang superior ay hindi niya nakikita. At naiinis siya dahil apektado siya niyon. Kasalukuyan silang may ensayo sa araw na iyon. Nakasuot siya ng kaniyang umiporme, dala ang kaniyang baril. Iyon ay para raw mahasa pa sila sa paggamit ng armas. Sa pagkakaalam niya, dapat ay nasa kampo lamang siya kasama ang iba pang mga medic. Pero sinabihan siya ng isang kasamahan na maghanda, kaya naroon siya ngayon sa isang malawak na lupain sa may bandang Antipolo kasama ang iba pa. Nilapitan siya ng isa niyang kasamahan. Si Pvt. Leigh Esteban, isa sa magaling na cadet noong nag-tr-training pa sila. “Pvt. de Guzman, willing ka bang maka-one on one? Hindi kasi ako nag-jogging kanina!” mataas ang tinig na wika nito. Kahit medyo kinakabahan ay nagkibit-balikat siya. Isa ito sa mga ka-buddy niya. Masaya at masarap naman itong kasama. “Alright!” Hinubad niya ang uniporme at itinira ang sandong may tatak ng army
“Pwede ba, Sir, kung nagmamadali kayo, ibaba niyo na lang ako!” sigaw niya rito. “Just hold on me. Bakit ba ang kulit mo?” ganting sigaw nito. Gusto na niyang batukan ang lalaki, pero baka naman mas mapahamak sila. Ayaw pa niyang mamatay nang maaga. Kaya wala siyang nagawa kundi ang sundin ang gusto nito, imbis na makipagtalo pa rito. Yumakap siya sa bewang nito at napahigpit pa iyon nang dumaan sila sa zigzag. May oras na bigla itong nagmemenor kaya napasusubsob ang mukha niya sa likuran nito. Mga trenta minutos din ang itinagal bago nila marating ang headquarters. “Did you enjoy our short ride?” nakangising tanong habang tinatanggal ang helmet sa ulo niya. Sinamaan niya ito ng tingin. “Yes, Sir. Sa sobrang enjoy ko muntik ko ng makalimutan na buhay pa ako,” pasinghal niyang sagot dito. Wala siyang pakialam kung mataas ang ranggo nito. Bukod sa yabang na taglay, alam naman niyang palikero rin ito. At kapag ganoon ang ugali ng isang lalaki, talagang nakaiinit ng dugo. Natawa ito
Nagngingit ang kalooban ni Zach na bumalik sa kaniyang opisina. Hahabulin niya sana ang kaibigan at si Pvt. de Guzman, pero hindi na niya itinuloy. Binalot ng kung anong ngitngit ang puso niya nang makita kung gaano ka-close ang dalawa. Padarag siyang naupo sa kaniyang swivel chair at sandaling ipinikit ang mga mata. Kanina, nang makita niyang muli si Katie, iba ang hatid niyong init sa buong katawan niya. Mas lalo na noong naghubad ito ng uniporme nito at makipag-sparring sa kasamahan. Kitang-kita niya ang makinis nitong balat na unti-unting dinaluyan ng pawis. At bawat galaw ng dalaga ay napalulunok siya. Pero hindi lang siya ang nagmamasid sa dalaga, kaya mas lalo siyang nagngitngit. Kitang-kita niya na halos lumuwa na ang mga mata ng mga lalaking nakapalibot sa mga ito. Kaya dala ng inis, muli niyang pinabalik sa kampo ang grupo. Hindi natuloy ang dapat sanay pag-eensayo nila roon. At nang makita niyang kay Mavy sana ito sasakay, mabilis niya itong pinigilan. Habang nagbubunyi a
Gustong matawa ni Zach sa sarili. Doon niya napagtanto na wala na siyang kawala pa sa kung anong mahikang ibinalot sa kaniya ni Katie. Dahil kahit hindi siya umaamin sa nararamdaman, para namang may sariling isip ang kaniyang mga paa. Sa dalaga talaga siya dinala ng mga ito. Tiningnan niya ang paligid kung safe ba roon. Naiiling na dinukot niya ang telepono sa bulsa at may tinawagan, saka siya bumaba sa motor. Luminga siya sa paligid. May kadiliman doon. Wala rin siyang makitang tao sa labas kaya tumalon siya sa bakod na pader. Umikot siya at naghanap ng mapapasukan sa mismong apartment ni Katie. Napataltak siya sa sarili. Sundalo siya pero nag-aakto siyang magnanakaw para lang sa babae. Napatigil siya sa paghakbang nang biglang bumukas ang ilaw sa loob. Mabilis siyang umikot sa tabi ng bintana, pero naka-lock iyon. Bumalik siya sa harap. Wala na siyang ibang pagpipilian pa kundi ang kumatok sa pintuan nito. Ngunit, nakalimang katok na siya pero walang nagbubukas niyon. Napakunot-
Bakit ba ang tagal mo?” ulit na tanong nito. Halata ang iritasyon sa tinig. Nagdikit nang mariin ang kaniyang mga labi, kasabay ng pagtataas ng isang kilay. “Sino ho bang may sabi na magpunta kayo rito?” pasupladang tanong niya. “Ako? Bakit masama ba?” ganting wika nito. Ang sarap kutusan! Naku! Kung hindi lang kita boss, at kung hindibka lang gwapo, kanina pa kita nasapak! Gigil na wika ni Katie sa sarili. Pero mabilis din siyang natigilan. Bakit may kasamang gwapo? Eh, ang hambog kaya ng kaharap niya! Hmp! “Gusto niyo bang malaman ang sagot ko?” “And why do I care about your answer?” “Because I care about myself! Dahil sa tuwing nariyan kayo, kumukulo ang dugo ko!” There, she said it! Sa sobrang inis niya rito, hindi na niya napigilan ang sarili. Pero kalahati lang naman iyon ng katotohanan. Dahil hindj naman siya totally naiinis dito. Ngumisi ito, sabay taas ng isang kilay. “Well, baka naman ibang pagkulo ng dugo ang nararadaman mo?” At pinapungay pa nito ang mga mata. Na