Share

Chapter 8

Gustong matawa ni Zach sa sarili. Doon niya napagtanto na wala na siyang kawala pa sa kung anong mahikang ibinalot sa kaniya ni Katie. Dahil kahit hindi siya umaamin sa nararamdaman, para namang may sariling isip ang kaniyang mga paa. Sa dalaga talaga siya dinala ng mga ito.

Tiningnan niya ang paligid kung safe ba roon. Naiiling na dinukot niya ang telepono sa bulsa at may tinawagan, saka siya bumaba sa motor.

Luminga siya sa paligid. May kadiliman doon. Wala rin siyang makitang tao sa labas kaya tumalon siya sa bakod na pader. Umikot siya at naghanap ng mapapasukan sa mismong apartment ni Katie.

Napataltak siya sa sarili. Sundalo siya pero nag-aakto siyang magnanakaw para lang sa babae.

Napatigil siya sa paghakbang nang biglang bumukas ang ilaw sa loob. Mabilis siyang umikot sa tabi ng bintana, pero naka-lock iyon. Bumalik siya sa harap. Wala na siyang ibang pagpipilian pa kundi ang kumatok sa pintuan nito. Ngunit, nakalimang katok na siya pero walang nagbubukas niyon.

Napakunot-
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Julie F.Abenes
Mali ka Kate walang Asawa si Zachary
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status