Share

Chapter 3

Tahimik na nakatingin sa puntod ng kaniyang mga magulang si Katie, habang hinahampas ng mabining hangin ang kaniyang balat. Tahimik din siyang lumuluha. Miss na miss na niya ang mga ito. Kung pwede nga lang sanang ibalik ang oras, ginawa na niya. Pero walang siyang kayayahan para gawin iyon.

“Pangako, Ma, Pa, makukuha rin natin ang hustisya.” Pinahid niya ang mga luha, saka naglakad palayo roon.

Umuwi siya sa Palawan para dalawin ang mga ito. Pagkatapos ng training niya, binigyan siya ng isang linggo para magbakasyon. Wala naman siyang sinayang na sandali. Agad niyang pinuntahan ang mga ito, dahil sa loob ng apat na taon ay hindi niya nakuhang bisitahin ang mga magulang.

Noong una, ayaw siyang payagan ni Mavy, pero nagmatigas siya. Kaya heto siya ngayon. Muling ininda ang sakit na hindi naman nawala sa puso niya sa pagdaan ng panahon.

Napatingala siya sa langit. Mukha pa yatang uulan.

Nagmadali siya sa paglalakad. Madilim na nang sapitin niya ang kanilang bahay. Ang bahay na dating punong-puno ng pangarap at saya, ngunit ngayon, tanging mga alaala na lang iyon.

Mabuti na lang kahit hindi siya nagagawi roon ay matyagang inaasikaso ng Tyang Amy niya ang kanilang bahay. Ito ang pinatira nang mangyari ang trahedya, ang mga ito ang tumulong sa kaniya para maibsan ang pangungulila sa mga magulang. Eksakto rin naman na walang matirhan ang mga ito dahil pinalayas sa lupang tinitirhan, kaya doon na niya pinatira. Sila na rin ang pinag-asikaso niya sa kanilang bukirin. At ngayon nga ay masagana ang ani.

“Ate Katie!”

Napalingon siya sa tumawag na babae. Nakangiti ito at patakbong yumakap sa kaniya.

“Taniya!” Excited na ginantihan niya rin ito ng yakap.

“Naku, ikaw na bata ka! Akala ko kung nasaan ka na. Kanina ka pa hinahanap nitong pinsan mo,” anang Tita Amy niya. Halata sa mukha nito ang pag-aalala.

“Kahapon ka pa pala rito, ate, bakit hindi mo sinabi kila Tatay na darating ka? Nasundo ka sana nila sa Airport,” sabi ni Tanya.

Napakamot siya sa ulo.

“Malaking abala pa iyon, Taniya. At saka, biglaan din lang ang pagbabakasyon ko,” sagot niya.

“Dalagang-dalaga ka na, ah. Huwag muna magpapaligaw, ah,” dugtong niya.

“Naku, Ate, wala pa sa isip ko iyan. Pag-aaral muna. Pero sa graduation ko kailangan naroon, ah,” ungot nito.

Ginulo niya ang buhok ni Taniya at tumango, bago nilingon ang tyahin.

“Tiyang, sumaglit lang ako kila Papa at Mama. Hindi na ako nagpaalam kanina kasi tulog pa kayo ni Tiyo,” paliwanag niya.

“Ay, siya, sige na. Pumasok na kayo rito at kakain na tayo,” sabi nito.

Masaya silang kumain at nagkwentuhan. Ang alam lang ng mga ito ay nagtatrabaho siya sa isang ospital sa Maynila. Hindi na rin kasi niya gustong bigyan pa ng alalahanin ang mga ito.

“Ikaw ba, Katie, ay wala pang balak mag-asawa?” tanong ng Tiyo Manny niya.

Napaubo siya sa narinig.

“Oo nga, ate. Wala ba sa mga katrabaho mo ng nanliligaw sa iyo? Grabe ang mga mata nila kung wala man lang. O baka naman ikaw ang pihikan,” sabad ni Taniya.

Nakita niyang tumatawa ang tiya niya.

“Hindi pa yata natutukóy ang bahay na ito, Tiyo, kaya hindi ko pa siya nakilala,” natatawang tugon niya.

“Kung may maliligaw ba rito na manliligaw sa ’yo, eh, magiging asawa mo na, ate?” Nanlaki ang mga mata ni Taniya habang umiinom ng tubig.

“Asawa agad? Hindi ba pwedeng nobyo muna, Taniya,” singit ng tiya niya.

Nagtawanan ang mga ito. Masarap kasama ang pamilya ng tiya niya. Ito ang madalas niyang na-m-miss sa kanila.

***

Mabilis na lumipas ang isang linggo. Kinabukasan ay nakatakda na siyang lumipad pabalik ng Manila.

Dumalaw muna siya sa kaibigang si Faith sa ospital kung saan niya ito nakilala. Nakasuot siya ng Leafy Jump Suit at kitang-kita ang maputi niyang legs. Sa taas niya five-feet two-inches, masasabing long legged siya. Sleeveless ang itenerno niya roon na medyo labas ang cleavege. Sa paa naman ay flat na sandals with sling bag.

Inilugay niya ang mahaba niyang buhok, na may kaunting waivy na sadyang pinakulayan niya. Hangga’t maari ayaw niyang ipahalata sa mga tao na isa siyang sundalo. Sa tagal na rin ng panahon, ngayon lang siya nakapag-suot ulit ng ganoon. Pakiramdam niya lumabas ang totoong Katie kapag umuuwi siya sa bayan nila.

“Faith!” palatak niya sa bunga pa lang ng pintuan nito.

Napakunot-noo ang babae, kasabay ng panlalaki ng mga mata.

“Oh my God! Katie, is that you?” Sabay tayo nito at yumakap sa kaniya.

“Yes, Faith, how are you?” Gumanti siya ng yakap dito.

“Ito may dalawa ng anak. Ikaw, how are you na? Grabe! Iba rin nga ang doctor ng Manila,

pakiramdam ko ang kaharap ko ay isang model o artista. Ang ganda at ang blooming mo!” Manghang tinitigan siya nito.

Natawa siya nang malakas. “Grabe siya, oh!”

Marami sila napagkwentuhan nito. Niyaya niya pa itong kumain sa labas. Sa dami kasi ng kwento nito baka abutin pa sila ng umaga.

Masayang siyang nakasamang muli si Faith. Ito ang kauna-unahang tao na nagpakita sa kaniya ng simpatya noon. Isa rin ito sa naging dahilan kung bakit buhay pa rin siya hanggang ngayon. Naging mabuting kaibigan ito sa kaniya.

Sinulit niya ang maghapon na iyon. Namasyal siya at namili na rin. Dumaan din siya sa isang fast food para bumili ng pasalubong kina Taniya. May isang bucket ng chicken, pizza at milktea. Paborito kasi iyon ng pinsan niya.

Pagkatapos niyon sumakay na siya ng tricycle. Pagdating niya sa bahay nila ay nagpatulong pa siya sa driver para bitbitin ang kaniyang mga pinamili, saka ito binayaran.

Pero nagulat pa siya nang pagpasok niya sa loob ng bahay ay may bisita ang tiyo niya. Nakatalikod ito at masayang nakipagkwekwentuhan kina Taniya.

“Ate katie, nandito ka na pala. Ang daming pagkain nito, ah,” salubong sa kaniya ni Taniya.

“Hi po, Tiyo, Tiya.” Binalingan niya si Taniya. “Oo nga. Pero mauna na kayong kumain. Pahinga lang ako sandali sa itaas.” Hindi niya pinansin ang bisita ng mga ito. Subalit pakiramdam niya ay sa kaniya ito nakatingin.

“Katie, paano itong bisita mo? Kanina pang tanghali ito naghihintay,” sabad ng tiyo niya.

Nilingon niya ang tinutukoy ng tyuhin habang salubong ang mga kilay. Wala naman siyang inaasahang bisita. At mas lalong hindi siya basta-basta nag-iimbita sa kanila.

Napalunok siya nang makilala ang lalaking nakatayo na at titig na titig sa kaniya. Blangko ang ekspresyon ng mukha nito. Nakasuot ito ng khaki shorts ito at black t-shirt na tenernuhan ng puting rubber shoes. Naka-army cut at napakakisig tingnan.

Biglang lumakas ang kabog ng dibdib niya, kasabay ng pag-iinit ng kaniyang mukha. Hindi niya malaman kung tatalikod ba siya o hindi. Pero kung gagawin naman niya iyon, magtataka ang kaniyang tiyo at tiya, pati na rin si Taniya.

“Hay, naku! Ikaw talagang bata ka. Magbihis ka muna sa taas. Katagal mo sa labas may darating ka palang bisita.” Hinarap nito si Taniya. “Sige at aayusin ko muna ang pagkain sa kusina. Tulungan mo ako, Taniya.”

Tumango si Taniya at sinundan ang ina.

“Hijo, saglit lang at kukunin ko muna ang kabayo sa likod bahay. Ililipat ko lang sa kulungan at mukhang uulan. Katie, ikaw na ang bahala sa bisita mo,” anang kaniyang tiyo. Tinungo na nito ang likod-bahay.

Lalo siyang na-tense nang sila na lang dalawa ang naiwan sa sala. Mabilis siyang sumaludo rito na noon niya lang naalalang gawin.

“Sir!”

Pero imbis na sumaludo ito pabalik, lumapit ito sa kaniya at inayos ang kamay sa kaniyang may sintido. Mukhang hindi pa yata perpekto ang pustura niya kaya ganoon.

“Saan ka galing? And look at your dress!” Bigla nitong hinapit ang beywang niya. Nakakunot ang noo nito na inilapit pa nang husto ang mukha sa kaniya.

Mabilis niyang ibinaba ang kamay at iniharang sa pagitan ng mga dibdib nila. Naisip niya kung gagamitan niya ito ng self-defense, baka magulat ang mga kasama niya sa bahay. Isa pa, sa laki nito hindi siya mananalo. Mas may karanasan pati ito sa kaniya.

Sobrang lakas ng kabog ng kaniyang dibdib. Iyong tipong nais nang kumawala ng puso niya roon.

Ngayon lang siya nakadama nang ganoon. Pakiramdam tuloy niya, pinangangapusan siya ng hininga.

Napatitig siya rito, bago ito mabilis na itinulak at tinapakan ang paa. Pero hindi natinag ang lalaki. Mas lalo pang humigpit ang yakap nito sa kaniya.

“Why are you wearing such clothes, huh?” tanong nito habang unti-unting inilalapit ang mukha sa kaniya.

Hindi na siya nakailag nang sakupin ng mga labi nito ang sa kaniya. Nanlalaki ang mga mata niyang nakatitig lang dito.

Naisip niyang baka pinarurusahan siya nito dahil sa kaniyang suot. Pero wala naman siya sa kampo. She was now a civilian that could wear anything she wanted.

At teka, paano nito nalaman ang bahay niya?

Tinatanong pa ba iyan, Katie? Natural alam niya dahil sundalo rin siya. Madali na sa kaniyang alamin ang bagay na iyon, sagot ng kabilang bahagi ng isipan niya.

Nawala na siya sa pag-iisip dahil sa aptiloy nitong pag-angkin sa mga labi niya. Kaunting-kaunti na lang at madadala na siya, pero pinanatili pa rin niya ang katinuan ng isip. Nanlaban siya, pero hinigpitan pa nito ang hawak sa bewang niya.

He expertly put his arm around her, while the other was massaging her nape. Nagdudulot iyon ng ibayong kiliti sa kaniya kaya hindi niya napigilang mapaungol.

Kusa na siyang tumugon dito. Kaya ito naman ang napaungol sa ginawa niya.

“Ate Katie, kakain na raw—ay! Mukhang istorbo ako. Sunod na lang kayo.” Mabilis na tumalikod si Taniya.

Natauhan siya at ubod lakas na itinulak ang pangahas na lalaki. Natumba ito sa sahig.

Pero mukhang hindi naman ito tinalaban dahil nakangisi pa ito sa kaniya.

“Katie, anong ingay iyan?” Mabilis na pumasok sa sala ang tiyang niya habang nakasunod si Taniya rito na ngingisi-ngisi.

Pinandilatan niya ito ng mga mata. Napakagat-labi ito na lumabas, pero nakangisi pa rin.

“Ah, tiyang, magpapalit lang po ako ng damit. Pahinga rin lang ako saglit.” Hindi na niya hinintay pa ang sagot nito. Madali siyang tumakbo sa kwarto niya.

Bago tuluyang maisara ang pintuan ay narinig pa niya ang kaniyang tiyahin na nagsalita. “Hijo, bakit diyan ka nakaupo sa sahig. Tumayo ka na riyan at kakain na tayo. Bilisan mo Katie at lalamig ang pagkain.”

Pagkapasok niya sa kwarto ay napahawak siya sa dibdib. Now, her first kiss was gone! At dahil iyon sa superior niya na akala mo kung sino makaasta! Akala mo boyfriend niya! Hah!

Sunod-sunod siyang huminga nang malalim. Sandali niyang pinakalma ang sarili, bago mabilis na nagbihis. Baka kasi kung anong masabi ng lalaki sa kaniyang mga tiyahin. Malilintikan siya.

Sinipat niya muna ang suot na ternong pajama, bago lumabas ng silid niya. Huminga ulit siya nang malalim, bago nakuhang ihakbang ang mga paa pababa ng hagdanan.

Kung anuman ang ginagawa roon ng lalaki, iyon ang dapat niyang alamin.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Julie F.Abenes
hahaha grabe Halik agad
goodnovel comment avatar
Criselda Malakas
...nakakatuwa Naman bilis Maka first move ni sir...... good job miss tin...️
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status