Share

Chappter 2

Lt. General Zachary Silva is one of the hottbachelor'slors of his generation. May makisig na pangangatawan na nagtatago sa loob ng uniporme. Walang babae ang hindi mapalilingon sa kaniya. Ang mapupungay niyang mga mata ay para kang hinihigop sa tindi ng karisma. Samahan pa iyon ng ngiting para kang pinasasabik sa bawat kibot ng mga labi.

Subalit, huwag na huwag kang magkakamali na iwasan siya o salungatin sa kaniyang mga gusto. Dahil matinding parusa ang naghihintay sa iyo. Para sa kaniya ang batas ay batas, lalo na sa trabaho.

Walang kaibi-kaibigan. Kapag nagkamali ka, hahayaan niyang ang batas ang humusga sa pagkakamali mo. Well, maliban na lang kung nasa labas kayo ng kampo. mabuti pa rin naman siyang kaibigan. Subalit, may pagkamatinik sa babae.

Nagpunta siya sa kampo kung saan kasalukuyang nagaganap ang huling araw ng training para sa mga reserve scout rangers. Ang sanay simpleng pagbisita ay nauwi sa init ng ulo. Sinalubong siya ng platoon commander, ngunit hindi ang talagang pakay niya roon. Dahil ang magaling niyang kaibigan ay may kayakap na babae.

Nailing na lang siya sa nakita. Ikakasal na ang kaibigan niyang si Mavy pero nakukuha pa rin nito ang lumandi.

Mula sa kaniyang kinatatayuan ay nakita niyang maganda naman nga talaga ang kayakap ng kaibigan. Tingin niya ay isa ito sa mga scout ranger na nag-tr-training base na rin sa suot nitong camouflage uniform. Pero kahit balot na balot ang katawan ng babae, halata namang maganda ang hubog niyon.

Kaya naman hindi na siya nakatiis na lapitan ang mga ito. Noon niya napansin na nagtataglay ang babae ng napakagandang ngiti. Habang inaalis nito ang suot na bonet ay para namang sandaling tumigil ang mundo niya, lalo na noong ilugay nito ang buhok at tangayin ng mabining hangin. Ramdam niya ang pagragasa ng matinding pagnanasa para rito.

Nang mapagmasdan niya ito nang husto, doon niya napagtantong napakaamo ng mukha nito. Parang hindi kayang pumatay ng lamok. Pero alam niyang sa likod niyon ay nagtatago ang angas nito. Patunay na roon nang tingnan siya nito nang masama.

Zach looked at her with amusement while doing the push-ups. Hindi niya mapigilan ang sarili na mas lalo pa itong hangaan sa tatag at determinasyon nito. Halata ring well-trained ang babae. Hindi ito mangingiming sundin ang tawag ng tungkulin kung kinakailagan. Ganoon katalas ang pagkilatis niya sa isang tao. Hindi rin naman siya ma-pr-promote kung hindi.

Nang talikuran niya ang dalawa, narinig pa niya ang tawanan ng mga ito. Gusto sana niya itong komprontahin pati na ang kaibigan, pero hinayaan niya na lang muna.

Tumuloy siya sa kaniyang opisina at hinugot sa isang drawer ang files ng mga bagong recruit nila. Binasa niya ang profile ng babae.

Katie De Guzman, licensed doctor from University of Palawan. Her parent died from an ambush four years ago. Then here she is now, one of the reserve scout rangers.

Ibinagsak niya ang folder na binabasa sa ibabaw ng lamesa. Hindi malaman kung ano ang mararamdaman sa mga sandaling iyon. But he was sure that he’s mad. Sinong bang halang ang mga kaluluwa na gumawa noon sa pamilya nito? Sigurado siyang isa iyon sa dahilan kung nananariling nasa kampo ang babae at naisipan nitong mag-sundalo.

Nasa malalim pa rin siyang pag-iisip nang biglang bumukas ng pintuan ng kaniyang opisina. Iniluwa noon ang kaniyang kaibigan.

“Good morning, Sir!” Sumaludo ito sa kaniya.

Nawala ang mga iniisip niya at agad na tumayo.

“Mavy Bro!” Gumanti siya ng pagsaludo rito, bago ito binangga sa balikat. Bahagya naman siyang sinuntok nito sa dibdib na lalo niyang ikinangiti.

“May kasalanan ka pa sa akin. Ano namang drama mo at pinag-push up mo ako sa harap ng mga trainee natin, ha?” anito.

Magkaibigan sila nito simula nang pumasok sila sa kampo. Iyon nga lang napunta siya sa ibang platoon hanggang sa ma-promote siya.

Pagkatapos niyon, nadistino siya sa ibang lugar, habang si Mavy ay nananatili sa kampo.

“Kadarating mo pa nga lang tapos, push up agad ang isinalubong mo sa akin? Iba ka rin nga.” Sinabayan pa ni Mavy iyon ng muling pagsuntok sa kaniyang dibidb.

Hindi naman siya natinag. Sisiw lang ang ganoong biruan sa kaniya. “Think that as part of the training,” kibit-balikat na tugon niya, bago bumalik sa upuan. Kinuha niya ang folder na binabasa kanina. Iniabot niya iyon dito.

Kunot-noo nito iyong tinanggap. Binasa. “What about this?” Nakatutok pa rin ang mga mata sa nilalaman ng folder na hawak.

“We need to open the case again. Gusto kong gumawa ka ng special force para rito. Isama mo rin siya sa operasyon.” Ang tinutukoy niya ay walang iba kundi si Katie de Guzman.

“Alright. But are you sure you want her to be part of this?” nananantyang tanong pa nito.

Napataas ang isang kilay niya. Hindi kaila sa tinig ng kaharap ang matinding concern nito sa babae.

“Why? May problema ba? Base naman sa nakita at nabasa ko, kabilang siya sa pinakamagagaling na trainee natin. With this case, malalaman nga natin kung totoo iyon,” katwiran niya.

“Pero alam mo na naman na isa lang siyang reserve. Bakit hindi na lang iba? Marami namang tayong tao na aakma sa trabahong ito. Isa pa, kailangan natin ng medic dito sa kampo,” giit pa rin nito.

Umiling siya. “That’s my order, Felipe,” aniya sa mahinahon ngunit makapangyarihang tinig.

Napabuntonghininga na lang ang kaibigan. Alam nitong hindi ito mananalo sa kaniya.

“Okay, Sir. Kakausapin ko siya.” Sumaludo itong muli, saka tumalikod palabas.

“Is this because of what happened earlier?”

Natigil sa paghakbang si Mavy. Nilingon siya nito. Tinitigan sa mga mata. Hindi naman siya nabahala. Sinalubong niya rin ang mga mata nito. Nakipagsukatan siya ng tingin sa kaibigan.

“Bakit ba parang ang overprotective mo naman sa kaniya? Hindi ba ikakasal ka na?” aniya makaraan ang ilang sandali. Ngumiti pa siya rito na para bang walang namumuong tensyon sa paligid.

“Walang malisya ang kung anumang mayroon sa amin ni de Guzman. We are clearly just friends.”

Pagkasabi niyon ay tuluyan na itong lumabas.

Napabuntonghininga siya nang lumapat pasara ang pintuan. Hindi rin niya masisi ang kaibigan na paghinalaan ang kaniyang intensyon. At tama naman ito sa bagay na iyon. May iba talaga siyang motibo. Ramdam niyang hindi kumpleto ang detalyeng ibinigay ng babae noon sa kanila.

Bakit nga ba? Dahil imbis na ipagtuloy nito ang pagiging doctor ay mas pinili nitong manatili sa kampo. Mas ginusto nitong mag-aral ng pasikot-sikot sa organisasyon. Isama pa na dagdag sa kaalaman nito ang self-defense na natutunan nito roon, na magiging proteksyon nito sa kahit na sino.

Bukod pa roon, bakit ba pakiramdam niya, wala siyang kadating-dating dito? Bakit parang hindi umepekto rito ang karisma niya? Iyon kasi ang kauna-unahang beses na nangyari iyon sa kaniya. And she hit his ego sa hard. Dahil kung sa iba-iba nangyari iyon, baka ngayon ay sinasamba na siya ng mga ito.

Muli niyang naalala kung paano ito ngumiti at ang napakainosente nitong mukha. May ibang bagay ang biglang nabuhay sa katauhan niya pagkaisip pa lang sa nililipad na buhok ng babae.

“B**lshit!” Malakas niyang ibinato ang folder sa kung saan. Hindi pa nangyari ang ganoon sa kaniya. Hindi pa nangyari sa kaniya na halos masiraan na siya ng bait kaiisip sa isang babae.

Agad siyang tumayo. Malalaki ang mga hakbang na lumabas siya ng opisina. Inilabas niya ang susi ng kaniyang Harley-Davidson Model 17F na motor. Walang habas niya iyong pinaharurot palabas ng kampo.

Dumaan siya sa mansyon nila kung saan nakatira mga magulang niya. Isang retired colonel ang daddy niya at ang mommy niya ay isang butihing may-bahay. Mas gusto ng daddy niya na alagaan silang magkakapatid ng kanilang ina. Lima sila at pangatlo siya. Ang dalawang kuya niya ay may mga sarili ng pamilya, pati na ang kapatid na babaeng sumunod sa kaniya. May sariling business ang kaniyang mga kapatid. Ang bunso naman nila ay model kahit tapos ito ng business course.

Sa kanilang lima, siya lang ang sumunod sa yapak ng ama. Siguro dahil hilig niya talaga ang kung anong ginagawa ng kaniyang ama. He is his idol. Isang bagay na pinakatutulan ng kaniyang ina, ngunit sa huli, napapayag na rin niya ito. Muntik na kasi sila noong ma-ambush. Hindi na nila iyon nalaman kung kaaway nga ba ng ama ang may pakana o isang traydor sa organisasyon nila. Dahil wala naman silang nahuli hanggang sa isarado ang kaso.

Kusang bumukas ang automatic nilang gate pagdating niya roon. Sinalubong agad siya ng mga tauhan nila roon. Tango lang naman ang itinugon niya sa mga ito.

“Hello everyone!” malakas niyang sigaw. Ganoon siya kapag nasa labas ng kampo; malambing at masayahin.

“Tito Zach!”Agad na salubong sa kaniya ng pamangking si Hillary.

“Where’s your lolo and lola, my cutie little one?”

Binuhat niya ito at pinupog ng halik.

“At their room. Tito, eww! Stop!” Itinuro nito ang mukha niya na noon niya lang napansin na may grasa.

“Oh. . . That’s an oil from my motorcycle.” Ibinaba niya ito.

“Better clean it!” Naupo si Hillary sa sofa at pinagkrus ang mga braso sa tapat ng dibdib. Inirapan pa siya nito.

Natawa siya nang malakas. Iba talaga kapag nasa bahay siya. Nawawala ang pagod niya.

“I have pasalubong sa ’yo. Pero kiss mo muna si Tito.” Lumuhod pa siya sa harap nito.

Matinding pag-iling ang ginawa nito. “No! Better clean your face first!” irap nito.

“Hey, brother! Anong masamang elemento at napunta ka rito? Hidi pa weekend, ah!” anang pangalawa niyang kapatid habang bumababa sa hagdanan kasama ang asawa nito.

Mabilis niya itong sinalubong at binigyan ng isang suntok sa dibdib, tapos nagbeso siya sa hipag.

“Masamang elemento agad, brother? Hindi ba pwedeng na miss ko lang ang maliit na chikiting na ito,” aniya sabay pisil sa mukha ni Hillary.

“Ouch! Mommy!” Nagtatakbo ito sa ina.

“Alam mo, bro, mag-asawa ka na para may maliit ka ng Hillary,” anang kaniyang hipag. Sinabayan na nito iyon ng pagkindat.

“Kailan mo ba dadalhin dito sa mansyon ang mapangangasawa mo? Wala ka pa rin bang napipili sa mga babae mo?” anang kapatid.

Nagkibit-balikat siya. Hindi talaga maiwasan ang ganoong kantyawan kapag umuuwi siya. At hindi naman niya gustong patulan ang mga ito.

“I don’t hear you, two.” Nilagpasan niya ang mga ito. Narinig pa niya ang tawanan ng dalawa hanggang sa maisara ang pintuan ng kaniyang silid.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Julie F.Abenes
haha Zachary natamaan ba Ang ego mo
goodnovel comment avatar
Criselda Malakas
parang nakaka sabik ung kasunod na chapter..
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status