Nagngingit ang kalooban ni Zach na bumalik sa kaniyang opisina. Hahabulin niya sana ang kaibigan at si Pvt. de Guzman, pero hindi na niya itinuloy. Binalot ng kung anong ngitngit ang puso niya nang makita kung gaano ka-close ang dalawa. Padarag siyang naupo sa kaniyang swivel chair at sandaling ipinikit ang mga mata. Kanina, nang makita niyang muli si Katie, iba ang hatid niyong init sa buong katawan niya. Mas lalo na noong naghubad ito ng uniporme nito at makipag-sparring sa kasamahan. Kitang-kita niya ang makinis nitong balat na unti-unting dinaluyan ng pawis. At bawat galaw ng dalaga ay napalulunok siya. Pero hindi lang siya ang nagmamasid sa dalaga, kaya mas lalo siyang nagngitngit. Kitang-kita niya na halos lumuwa na ang mga mata ng mga lalaking nakapalibot sa mga ito. Kaya dala ng inis, muli niyang pinabalik sa kampo ang grupo. Hindi natuloy ang dapat sanay pag-eensayo nila roon. At nang makita niyang kay Mavy sana ito sasakay, mabilis niya itong pinigilan. Habang nagbubunyi a
Gustong matawa ni Zach sa sarili. Doon niya napagtanto na wala na siyang kawala pa sa kung anong mahikang ibinalot sa kaniya ni Katie. Dahil kahit hindi siya umaamin sa nararamdaman, para namang may sariling isip ang kaniyang mga paa. Sa dalaga talaga siya dinala ng mga ito. Tiningnan niya ang paligid kung safe ba roon. Naiiling na dinukot niya ang telepono sa bulsa at may tinawagan, saka siya bumaba sa motor. Luminga siya sa paligid. May kadiliman doon. Wala rin siyang makitang tao sa labas kaya tumalon siya sa bakod na pader. Umikot siya at naghanap ng mapapasukan sa mismong apartment ni Katie. Napataltak siya sa sarili. Sundalo siya pero nag-aakto siyang magnanakaw para lang sa babae. Napatigil siya sa paghakbang nang biglang bumukas ang ilaw sa loob. Mabilis siyang umikot sa tabi ng bintana, pero naka-lock iyon. Bumalik siya sa harap. Wala na siyang ibang pagpipilian pa kundi ang kumatok sa pintuan nito. Ngunit, nakalimang katok na siya pero walang nagbubukas niyon. Napakunot-
Bakit ba ang tagal mo?” ulit na tanong nito. Halata ang iritasyon sa tinig. Nagdikit nang mariin ang kaniyang mga labi, kasabay ng pagtataas ng isang kilay. “Sino ho bang may sabi na magpunta kayo rito?” pasupladang tanong niya. “Ako? Bakit masama ba?” ganting wika nito. Ang sarap kutusan! Naku! Kung hindi lang kita boss, at kung hindibka lang gwapo, kanina pa kita nasapak! Gigil na wika ni Katie sa sarili. Pero mabilis din siyang natigilan. Bakit may kasamang gwapo? Eh, ang hambog kaya ng kaharap niya! Hmp! “Gusto niyo bang malaman ang sagot ko?” “And why do I care about your answer?” “Because I care about myself! Dahil sa tuwing nariyan kayo, kumukulo ang dugo ko!” There, she said it! Sa sobrang inis niya rito, hindi na niya napigilan ang sarili. Pero kalahati lang naman iyon ng katotohanan. Dahil hindj naman siya totally naiinis dito. Ngumisi ito, sabay taas ng isang kilay. “Well, baka naman ibang pagkulo ng dugo ang nararadaman mo?” At pinapungay pa nito ang mga mata. Na
Dahan-dahang nagmulat ng kaniyang mga mata si Katie. Sinalubong siya ng puting kisame at matinding liwanag. Muli niyang ipinikit ang mga mata at pinakiramdam ang paligid. Naramdaman niyang may humahaplos sa kaniyang pisngi, kaya muli siyang nagmulat ng mga mata. Pagtingin niya sa kaniyang tabi ay naroon ang isang napakagandang batang babae. Nasa may ilong na niya ang kamay nito at nilalaro iyon. Napakunot ang noo niya. Anghel ba ang nakikita niya? Nasa langit na ba siya? Sunod-sunod na tanong niya sa sarili. Ngunit ngumiti ito nang makitang gising na siya. Pagkuwa’y nagsalita, “Hi! Are you okay?” Nakahinga siya nang maluwag. Buhay pa siya. Wala naman kasing anghel na marunong mag-English. Hindi ka sigurado sa sinasabi mo, Katie, anang isang tinig sa kaniyang isipan. Pero muling nagsalita ang bata. “Are you hungry?” Napakurap siya. Hindi nga siya nananaginip. Totoong buhay pa siya. Bahagya siyang tumango rito. “Water, please. . .” sagot niya. Kinuha naman ng bata ang tubig sa
Kinabukasan maagang nagising si Katie dahil pakiramdam niya may tao sa loob ng kwarto. Nakita niya ang isang matandang babae. “Magandang umaga po, Ma'am. Pasensiya na kung nagising ko kayo. Ipinapasok po ni Sir Zach ang mga maleta niyo rito sa kwarto,” wika nito. Nagtaka siya sa narinig. Ang alam niya sa condo ng lalaki siya titira at hindi roon. Pero makatatanggi pa ba siya? Baka nga hindi na rin matuloy ang binabalak niya. Paano nga ba? Kapag ginawa niya iyon, siguradong aalisin siya ni Zach sa misyon nila. “Hindi ho kasi alam ni Ma'am Denisse kung ano ang ibibigay sa inyo. Puro pang-sexy ho kasi ang mga damit niya. Ayaw ni Sir Zach ipasuot. Kaya tinawagan ni Sir Zach ang sekretarya niya at ipnadala na lang dito ang mga gamit ninyo,” paliwanag nito nang mabasa ang laman ng isipan niya Napakunot ang noo niya. Bakit naman aayaw nitong ipasuot ang damit ng asawa sa kaniya? Tinatanong pa ba iyan, Katie? Ayon na naman ang tinig sa isip niya. Huminga siya nang malalim. “Salamat po. A
Tuluyan ng gumaling ang sugat sa kaniyang balikat at natuloy din ang pagpunta nila sa Tagaytay. Ayaw sana niyang sumama, pero pinilit siya ni Denisse at ng cute na batang si Hillary. Hindi nila kasama si Zach na nagtungo roon. Nasa kampo ito. Pero nagsabi itong susunod kapag natapos ang mga inaasikaso roon. Halos tatlong araw rin itong hindi nagpakita sa kaniya. At ramdam niyang hinahanap-hanap niya ang presensya ng lalaki. Nauna na sa kanila ang mga magulang ni Zach. Kasabay naman nilang bumyahe si Ziggy. Habang daan ay nakamasid lamang siya sa labas ng bintana. Mas pinili ni Hillary na maupo sa kandungan niya. Si Denisse naman ay sa unahan, katabi ang nagmamanehong asawa. “Are you okay, Katie?” tanong ni Ziggy sa kaniya. Nilingon niya ito. “Oo naman, Sir. May kasama kasi akong cute na baby girl,” sagot niyang nakangiti. Napailing si Ziggy. “Just call me Kuya Ziggy. Hindi mo naman ako superior. We’re friends. Isa pa, wala ka sa kampo. Dapat kapag nasa labas ka, treat yourself a
Tumikhim si Katie at pinatatag ang sarili. Tinitigan niya ang lalaki sa mga mata. “Puwede ba, Sir? Ipamakahiya niyo naman ako. Naririto tayo sa bahay ninyo kasama ang mga magulang ninyo at kapatid. Paano na lang kung makita nila tayo?” Nagkibit ito ng mga balikat. “I don’t care. Alam naman nilang attracted ako sa iyo.” Sh*t! Biglang lumakas ang kabog ng kaniyang dibdib. May pakiramdam rin siyang halos magkulay-makopa na ang magkabilang pisngi niya. Hindi pala mapaaamin, ha? Ang lakas talaga ng loob mo, Katie! Sobra! Hanga na ako sa iyo, sarkastikong wika ng tinig sa kaniyang isip. Lumunok siya. “Tigilan niyo nga ako. Baka gutom lang iyan,” aniya saka mabilis na nag-iwas ng mga mata rito. Kung hindi niya gagawin iyon, baka bigla na lang siyang bumigay sa mga sinasabi nito. “Yes, I’m hungry. Pero hindi sa kalam ng sikmura ako nagugutom.” Kumindat pa ito. Nanlaki ang mga mata niya. Kagyat siyang lumayo rito na ikinatawa nito nang malakas. Nag-init naman bigla ang paligid. Pakiram
Nagmamadaling dinukot ni Katie ang kaniyang baril na nasa bewang. Kapag nagkamali ang taong papalapit sa sinasakyan niya, walang buhay itong babagsak. Kinapa niya ang cell phone sa jacket. Gusto niyang tawaga. Si Mavy pero naisip niyang abala ito sa paghahanda ng kasal nito. Kung si Zach naman— “No! Magiging kumplikado lang ang lahat,” aniya sa sarili. Ang huling alas na lang niya ay si Esteban at ang tropa. Pagtingin niya sa screen ng cell phone, may sampung missed calls doon na galing sa unknown number. Hindi niya muna pinansin iyon at hinanap ang number ni Leigh, pero narinig niyang may kumatok sa bintana sa tapat ng driver. “Kuya, huwag mong buksan!” utos niya. Pero huli na. Naibaba na ng driver ang bintana ng sasakyan. Mabilis siyang lumipat sa unahan at itinutok ang baril, sa maskuladong lalaki mukhang sagana sa gym. “Ma’am, ibaba niyo ang baril ninyo. Napag-utusan lang po kami!” Mabilis na ipinakita ng lalaking kaharap ang army lapel pin nito. “Sino!” matigas niyang sing