Share

CHAPTER 05 – Captain and Yawa

           Nanatili sina Freya at Geneviv sa cellphone shop habang hinihintay na pumatong ng 50% ang battery ng cellphone. Iyon ang pang-apat na cellphone shop sa bayan na tinungo nila dahil ang tatlong naunang shop ay hindi na nagbebenta ng charger para sa lumang cellphone. Nagtaka pa nga ang mga staff sa mga shop na iyon—saan daw nila nakuha ang Nokia 3210 na dala nila at bakit naghahanap pa sila ng charger para roon?

           One of the staff even joked that the phone should be in a museum and not in the hands of a teenager. Ang isa namang staff sa kasunod na shop ay nagbiro na kung may mangho-hold-up daw sa kanila at makitang ang cellphone na iyon ang bitbit nila’y baka maawa pa raw ang hold-up-er at bigyan pa sila ng pamasahe pauwi.

           Those jokes were supposed to be funny, pero hindi natawa si Freya dahil kinakabahan ito sa maaaring nilalaman ng lumang cellphone ng ina. Sigurado ang dalagang sa mommy niya iyon—if not, why would that phone be in her mom’s stuff?

           At dahil hindi rin alam ng dalaga kung papaano gagamitin ang cellphone na iyon ay napili na lang ng mga itong manatili sa shop para makapag-paturo sa staff kung papaano iyon gagamitin, at kung anong key ang pipindutin. And while they wait, Geneviv opened the YuTub app on her iPhone and searched on how to use Nokia 3210. At habang pinapanood ni Geneviv ang tutorial ay bigla itong may naisip na itanong,

           “Ano ang nararamdaman mo ngayon sa Mommy mo matapos mong malaman ang sekreto niya?”

           Si Freya na nakamata pa rin sa Nokia 3210 na nagta-chrage sa ibabaw ng counter ng shop habang sila’y nakaupo sa dalawang magkatabing monoblock chair ay wala sa loob na sumagot. “At first, parang bumigat ang loob ko sa kaniya. It felt so awkward, at nagtampo ako kasi pakiramdam ko’y nilinlang niya kami ni Kuya. I was hurt for my brother. But then… eventually, I realized that it wasn’t my mom’s fault, for sure. Kilala ko si Mommy, she’s a strong woman who had conquered everything and got through many storms. Sigurado akong hindi naging madali ang buhay niya noon, at kung ano man ang nangyari ay siguradong may magandang dahilan. Nalulungkot lang ako para kay Kuya, at kaya ko gustong malaman kung ano ang laman ng cellphone na iyan ay dahil plano kong sabihin kay Kuya ang totoo. He deserves to learn the truth, and he deserves to know who his father is.”

           “Paano kung wala ka namang mapala riyan sa lumang cellphone ng mommy mo?”

           “I’d still talk to Kuya Jayce, siya na ang bahalang magtanong kay Mom habang ako naman ay nakikinig lang sa paliwanag niya.”

           “I don’t know, Frey. Sa tingin ko pa rin ay hindi dapat na pinakikialaman mo ang desisyong ginawa ni Tita Ken para sa ikabubuti ng pamilya ninyo.”

                                                       

           Hindi na nakasagot pa si Freya nang tawagin ito ng isa sa tatlong staff ng shop. Nagsabi itong charged na ang phone.

           “Maayos pa ang cellphone, Ma'am. Heto at nabukasan ko na rin po.”

           Madaling lumapit ang dalawa sa counter at nakitang nakabukas na ang screen ng phone. It was bizarre for the two girls to see what it was like because the old phone was nowhere near the latest model of iPhone that they both had. The screen had a moss green light—it had no wallpaper nor applications displayed on the home screen but there was the telecom used, the signal and battery bars on each side, and the MENU option displayed at the bottom.

           “Para akong nakakakita ng dinosaur egg matapos nating maghukay doon sa attic room ninyo, Frey…” bulong ni Geneviv na ikina-tawa ni Freya. “How does that work?” 

           “Madali lang po, Ma’am.” Tinuruan sila ng binatang staff kung saan pipindot upang makita ang inbox, outbox, sent items, games, at iba pa. It was confusing for them at first, but Freya had somehow got used to it. 

           “Actually, may simcard pang naka-insert, pero sa tingin ko ay hindi na ito gumagana, otherwise, dapat ay may pumasok na mga messages nang in-open ko ang phone,” sabi pa ng staff bago tuluyang ini-abot kay Freya ang cellphone. 

           “Pero mabubuksan ko pa kaya ang inbox? May mga messages pa ba akong makikita roon?”

           “Well, kung hindi binura ng former owner ng cellphone ang mga messages, siguradong naka-archive pa rin ang mga ‘yon d’yan sa SIM bago ang deactivation. Subukan niyo pong tingnan, Maam.”

           Nagkamali-mali si Freya noong una nitong pindutin ang mga button. Pero kalaunan ay nahanap din nito ang inbox at iyon ay binuksan. 

           Sa pagkamangha ng dalaga ay may tatlong sender ang naroon pa rin sa inbox. 

           Isang galing kay “Divz”. Of course, Freya knew who it was. Ang Ninang Divz ng Kuya niya na nakapag-asawa ng Amerikano at ngayon ay naninirahan sa San Francisco, USA.

           The other one was from someone who was named on the phone as 'Captain', and the last one was named as...

           “Yawa?” salubong ang mga kilay na sambit ni Freya.

           “Yawa?” ulit naman ni Geneviv bago sinulyapan ang screen. “What’s Yawa?”

           Ang isa sa mga staff na nasa likod ng counter at nagpupunas ng estante ay napahagikhik. It was a woman older than the rest of the staff.

           “Kung hindi ako nagkakamali ay lengguwahe iyan mula sa Southern part ng Pilipinas. Ang ibig sabihin ay demonyo.”

           “What!” sabay na wari ng dalawang dalagita; hindi alam kung matatawa o lalong magtaka. 

           Si Geneviv ang unang nakabawi. Siniko nito ang kaibigan sa braso upang senyasan na buksan na ang mensahe. Si Freya ay humugot muna nang malalim na paghinga bago ni-press ang OK button upang buksan ang mensaheng galing sa “Yawa”. 

           And since the last—or the most recent message was on the top row, it was the first one they opened up; it was dated 25 years ago!

           Muntik nang mabitiwan ni Freya ang cellphone. Hindi nito inakala na ganoon na ka-tanda ang cellphone at lalong hindi ito makapaniwalang nabubuksan pa rin iyon. Freya mentally calculated the timeline, at kung tama ang kalkulasyon nito, ang mensaheng iyon ay natanggap ni Kennary noong dalawampung taong gulang ito. It was before her Kuya Jayce was born.

           At ang mensaheng nabuksan nila ay ang huling mensaheng pinadala ni ‘Yawa’ kay Kennary. 

          And it said…

           No. We’re not breaking up. Lagi ka na lang ganiyan kapag hindi ko natutupad ang mga pangako ko. There is nothing I could do and you know that, Kennary. Kung pwede lang na hindi na ako umalis ay gagawin ko. But I have to prove to my family that I can do this on my own, otherwise, ang lahat ng pinaglaban ko—natin—ay mauuwi lang sa wala. Stop being childish and answer my calls!

           “No wonder they didn’t end up together,” komento ni Geneviv matapos mabasa ang mensahe. Naka-ismid. “Ang harsh ni Yawa. And no wonder kung bakit Yawa ang tawag ng Mommy mo sa kaniya.”

           Freya said nothing and just turned back to the inbox’s main screen. She scrolled down and searched for the first message. Sa dami niyon ay lalong namangha ang dalagita. Nangalay na lang ang hinlalaki nito sa kapipindot ng button ay hindi pa rin nito narating ang pinaka-unang mensahe. And as she continued to scroll down, she said,

           “Take note, Gen, na hindi iyon ang huling pag-uusap nila ni Mom. Because if this person... and this message was from Kuya Jayce’s father, ibig sabihin ay nagkabalikan sila ni Mom matapos ang mensaheng iyon.”

           “Then why are you scrolling down?”

           “Because I want to know who this guy was and how the relationship started.”

           “That’s weird. Masasagot ang tanong natin kung mahahanap natin ang pinaka-huling mensahe nila after ipinanganak si Kuya mo, hindi ang kung paano nagsimula ang lahat.”

           Natigilan si Freya. Muling sinulyapan si Gen. “You have a point. Let’s go back to the house—baka nasa attic pa ang ibang mga lumang gamit ni Mom.”

           Tumango si Geneviv saka muling sinulyapan ang screen. Nanlaki ang mga mata nito nang makitang narating na ni Freya ang pinaka-unang mensahe na naka-save doon. 

           “Hey, open that one!”

           Freya turned her attention back to the phone and pressed the OK button.

           The very first saved message read...

           Hindi mo ba talaga ako titigilan? Sabi nang hindi ako interesado sa mga babae. So, shoo. Stop texting me. 

          Muling nagkatinginan ang dalawa.

          "So..." Geneviv started, grinning from ear to ear. "Sa pinaka-unang message, he was trying to push Tita Ken away on his first text message. While in his last message, he was trying to save the relationship. Mukhang may character development si Yawa, day."

           Freya leered and pushed the phone into her pocket. "I am not impressed. Sinaktan niya si Mommy ay iniwan nang mabuntis. I don't like men like these. Nakakawalang respeto." Dinukot nito ang bagong cellphone sa isang bulsa at hinarap ang staff. "Magkano ang charge? I'll wire my payment."

TO BE CONTINUED...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status