Share

Kabanata 04 - Who is Jayce's Father?

           “I—I CAN’T BELIEVE THIS!” Palipat-lipat ang tingin ni Geneviv sa larawan at sa kaibigan. Hindi makapaniwala sa narinig. 

           “It’s true, Gen. At hindi rin ako makapaniwala noong una.” Nagpakawala ng buntonghininga si Freya saka muling sinulyapan ang larawang binitiwan nito sa sahig. Ang tingin nito’y nasa larawan kung saan kasama ng ina ang isang matangkad na lalaki na bagaman payat ay may kaunting muscle na bumubukol sa magkabilang mga braso. He also had a brown skin, na kuhang-kuha ng Kuya Jayce niya. 

           “P-Paano mo nalaman?” tanong pa ni Geneviv.

           “Three months ago, pasado alas once ng gabi nang bumaba ako para kumuha ng snacks; I heard Mom talking on the phone in the master's bedroom. Remember those nights when we were studying so hard para sa third grading exam? Isang linggo akong nagsunog ng kilay at halos ala-una nang nakatutulog para lang mag-review. It was one of those nights when I heard mom. She was whispering… and she was talking to the man.”

           “Paano mo nalamang lalaki ang kausap niya at ang lalaking iyon ay ama ng kuya mo?”

           

           “Well, narinig kong sinabi ni Mom na hindi niya tatanggapin ang anumang pamana na ibibigay ng kausap niya para kay Kuya. Na minsan na raw tinalikuran ng kausap niya si Kuya, at na hindi kailangan ni Kuya ang kahit anong suporta mula sa kausap ni Mom.”

           Nagsalubong ang mga kilay ni Geneviv. “That doesn’t prove anything, Freya.”

           “It does! Dahil alam mo kung ano ang sunod na sinabi ni Mom? Na nabibigay naman daw lahat ni Dad ang kailangan ng buong pamilya, at na magagalit si Dad kapag nalaman na tumatawag pa ang taong iyon.”

           “And so? Hindi pa rin malinaw na—”

           “Magkamukha ba kami ni Kuya?”

           Sandaling sinuri ng tingin ni Geneviv ang anyo ni Freya bago umiling.

           “Kamukha ba ni Kuya si Dad?”

            Muling umiling si Gen. 

           “I am Dad’s favorite child because I am his only child. And besides, look at my brother’s skin color. Katulad ng lalaking ito!” Dinutdot ni Freya ang hintuturo sa picture kung saan naroon si Kennary at ang lalaking burado ang mukha. “Matagal ko nang pansin na walang nakuha si Kuya na kahit anong feature mula kay Dad. He has Mom’s shape of lips, but that’s it. Bata pa ako para kwestyonin ang mga bagay na gumugulo sa utak ko, but these past few months, sa tuwing napapatitig ako kay Kuya ay tila ba nag-iiba ang itsura niya sa paningin ko. I thought he was adopted at first—hindi ko naisip na iba ang ama niya hanggang sa marinig ko ang pag-uusap na iyon ilang buwan na ang nakararaan.”

           Sunud-sunod na umiling si Geneviv. “Kahit na, Frey. Hindi pa rin sapat ang mga narinig mo para—”

           “Sige nga, Gen. Sino sa tingin mo ang magbibigay ng pamana kay Kuya? Ang pamilya ni Mom ay mahirap lang noon at na kung hindi pa nakapagtapos ng pag-aaral si Mom at nakapagtrabaho bilang graphic artist sa isang international company ay baka hindi sila nakaahon sa hirap. No one in her family would give us inheritance. Matagal na ring patay ang paternal grandparents ko at hindi naman malapit si Dad sa mga kapatid niya na ngayon ay nasa ibang probinsya nakatira. He is not a rich man’s child. At bakit siya magagalit kapag nalaman niyang tumatawag pa rin kay Mommy ang taong iyon? Common sense, Gen. Magagalit si Dad dahil parte ng nakaraan ni Mom ang tumawag! At parte rin ng buhay ni Kuya!”

           Muling napatitig si Geneviv sa mga larawan. “Y-You have a point, but still—”

           “Ilang ulit ko nang gustong sabihin kay Kuya, pero nag-aalala akong baka magtampo siya at biglang maglayas. And I don’t want him to leave.”

           “You can’t do that, Frey. Baka si Tita Ken naman ang magalit sa’yo. Hindi mo responsibilidad na sabihin kay Kuya Jayce ang totoo—it has to be your mother.”

           “Pero paano kung hindi gustong sabihin ni Mom ang totoo? ”

           “Then, just leave it the way it is. Kung sa tingin ni Tita ay iyon ang nararapat, so be it. H’wag ka nang mangialam—”

           “Papaano akong hindi mangi-ngialam, eh katotohanan tungkol sa pagkatao ni Kuya ang nakataya rito? Ni hindi ko na siya matingnan nang diretso sa mga mata dahil sa mga nalalaman ko.” 

           Napanguso si Geneviv at hindi na muling nagsalita pa. Kilala nito si Freya, at alam nitong wala itong sasabihin na pakikinggan ng kaibigan. Itinuloy na lang ni Geneviv ang pagdampot ng mga textbooks at notebooks, at nang i-angat nito ang isang makapal na dictionary ay napatda na naman ito nang may makita. 

           Si Freya na napatingin din sa lumang cellphone na pumailalim sa malalaking mga aklat ay kinunutan ng noo. 

           Nagtinginan ang dalawa. 

           “What’s that thing?” Geneviv asked. 

           “I don’t know.”

           “Hindi naman siguro nag-iimbak ng bomba si Tita Ken dito, ano?”

           “Silly, hindi bomba ‘yan.” Inabot ni Freya ang nakataob na cellphone at sinuri. “Oh, I’ve seen one of these on the internet! Kung hindi ako nagkakamali ay isa ito sa mga unang labas na Nokia phone in the early 2000s.”

           Napasinghap si Geneviv nang may mapagtanto. “Kay Tita Ken ba ‘yan?”

           Napatitig si Freya sa kaibigan, at nang maisip ang ideyang ipinapahiwatig ng kaibigan ay nanlaki ang mga mata nito. “If this was Mom’s, baka may malaman tayong sekreto tungkol sa nakaraan!”

           Sunud-sunod na tumango si Geneviv; ang pananabik ay rumehistro sa mukha nito. 

           Ang hawak ni Freya ay ang lumang Nokia 3210 na halos isang pulgada ang kapal at na kung babagsak sa sahig ay parang dehado pa ang tiles kaysa sa cellphone. For the girls, holding an outdated phone older than their age was something that amused them. 

           Hinanap ni Freya ang power button ng cellphone, at nang makita iyon sa ibabaw na bahagi ay ni-pindot iyon ng dalagita. Obviously, the phone didn’t turn on. Sa pag-aakalang baka lowbat lang ay naghanap si Geneviv ng charger, pero wala na itong nakita pa mula sa mga gamit na bumagsak sa sahig. 

           Muling nagkatiniginan ang dalawa. 

           

           At tila nagkaintindihang tumango saka sabay na tumayo. 

           “Mag-bike tayo papuntang bayan,” yaya ni Freya. Inisilid ng dalaga ang lumang cellphone sa bulsa ng suot na maong na jumper saka lumabas ng attic room. Mabilis namang sumunod si Geneviv habang tinatanggal ang suot na gloves. 

           Pagdating sa ibaba ay sumilip muna si Freya sa kusina. Ang kasambahay na si Aling Lilia lang ang naroon at naghihiwa ng mga rekados para sa pananghalian at wala ang ina. Tahimik na lumabas ng bahay ang dalawang dalaga. Sa maliit na front yard ay naroon ang bisekleta ng mga ito. 

           “Nasaan pala si Tita Ken?” tanong ni Geneviv bago nilapitan ang bike.

           “Baka sumama kay Kuya. Magmadali na lang tayo para pagbalik nila’y narito na rin tayo. All we need to do is purchase a charger and we’ll come back pronto.”

            "Pero ano ang gagawin mo tungkol sa mga nalaman mo, Frey?"

            "Sasabihin ko kay Kuya. Pero bago iyon ay ko-komprontahin ko muna si Mom. Let's go. Baka nasa cellphone na ito ang sagot sa ilang mga katanungan ko."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status