Share

CHAPTER 07 - Steel Reynandez

“Miamiranda University player number 7?” ulit ni Paul, ang syota ni Cherry, nang tanungin niya ito nang magkita sila nang hapong iyon. Sadya siyang sumabay kay Cherry sa pag-uwi upang makausap nang personal si Paul at makapag-imbestiga siya tungkol sa player na iyon.

“Alam mo ba ang pangalan niya?” muli niyang tanong.

“Bakit? Gusto mo ba?” nakangising tanong pa ni Paul na ikina-ikot ng mga mata niya.

“Magtatanong ba ako kung hindi? Ano sa tingin mo ang dahilan kaya naghintay ako para itanong sa’yo? Wala lang, trip-trip lang?”

Hindi iyon ang unang beses na nakita niya si Paul; minsan na sila nitong ipinakilala ni Cherry sa isa’t isa kaya hindi na sila nagkakahiyaan. Komportable siyang buskahin ito, at ganoon din ito sa kaniya.

Bahaw na natawa si Paul. “Ang init ng ulo mo lagi, kaya hindi ka ligawin, eh.”

“Hoy, Paul, sadyang hindi ako nagpapaligaw kaya ganoon!” Nanulis ang nguso niya. “Grabe ka sa akin,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status