Share

KABANATA 6

It's been 3 days nang umuwi ako sa amin para makuha ang mga anak ko. Hindi ko rin inaasahan na mas pinili ni mama na sumama sa akin kaya mas lalong lumaki ang galit ni Ate sa akin.

Hindi ko siya masisi sa kung ano ang gusto niyang isipin at paniwalaan. Pero maipapangako ko sa kanya na aalagaan ko rin ng mabuti si mama.

Sa tatlong araw na ibinigay ng CEO para sa ni-request kong leave ay nakalipat kami agad ng maayos sa isang maliit na apartment at napa-enroll ko na rin ang dalawa kong anak sa malapit na kindergarten school.

Napahikab ako habang nag-ta-type ng documents sa computer. I was worried kung matatapos ko ba ngayong araw ang pinapagawa ng CEO dahil bukas na bukas ay isasama ako ng company para sa gaganaping meeting event.

Nang mapansin kong natapos ko na ang kalahating documents na kakailanganin bukas ay mabilis na akong tumayo.

“Ma'am, Sien. Sa inyo ba ito?" Napahinto ako sa pagbukas ng pintuan ng kausapin ako ni Mei.

Medyo na-shock pa ako ng kaunti nang makita ko ang hawak niyang paper bag. Mabilis ko na man iyon kinuha sa kanya.

“Sorry, I forgot–”

Her eyebrows frowned at me. “Talaga ba? Kanino yan galing? Ikaw ah, mas secret admirer ka ata–”

“Tumigil ka nga, it's just a simple gift from a friend," sagot ko.

Tumawa siya ng bahagya. “No, wag ako. Wala ka kayang naipakilala na kaibigan at wala ka rin akong nakikita—”

“Please, excuse me. I have to go, focus and do your work Mei! I'll bring you a coffee later. Bye."

Ngumiti ako at lumabas na. I can still remember the day when Mei and I getting close. Dahil iyon sa favorite coffee ni Sir Lance which is pareho naming nahuli ang isa’t isa na napapa- one sip bago i-serve kay sir ang coffee.

I smiled remembering those days. But suddenly as usual, napawi iyon agad dahil naaalala ko ang kaibigan kong niloko ako.

I just put back my attention sa work ko ngayon.

I sighed in relief na hawak ko na ang paperback. Isasauli ko pala sa kanya ang binili niyang damit na sinuot ko nong nakaraan.

Sa tuwing nakikita ko ang simple black dress ay nanghihina ako. Knowing worth 2 Million pesos ang price nito. Hindi ko aakalain na yon ang pinalit niya sa nasira kong white blouse.

Inayos ko ang aking sarili ng natatanaw ko na ang opisina niya.

Kumatok ako pero mabilis na bumukas iyon. Bumugad sa akin ang nakakaabala niyang mukha.

“Good morning—”

Hindi ko natapos ang aking sasabihin ng bigla niya na lamang akong hinawakan sa aking pulsuhan at sabay hila sa akin palabas.

“T-Teka, excuse me sir. B-Bitawan niyo ako,” nahihirapan kong sambit.

Pero dumeretso lang siya sa kaniyang paglalakad papuntang elevator habang hawak pa rin ako.

Wala akong nakikitang mga ibang empleyado sa paligid ng 9th floor na’to. Kaya siguro p’wede nya lang ako kaladkarin ng wala sa oras. Masyadong mahaba ang mga binti nya kaya hirap akong sabayan sya sa bilis.

Hawak ko rin ang printed copies na mga documents at ang paperbag sa aking kanang kamay. Nakasuot din ako na 2 inch high heels na siyang mas nagpapahirap sa situwasyon ko.

Pilit akong kumakawala sa hawak niya pero hindi siya marunong makinig.

“Ano ba!? Bitawan mo sabi ako!” sigaw ko.

Mabuti naman at huminto sya at mabilis na napaharap sa akin.

“Did you just raise a voice to me?” hindi pagkapaniwalang tanong nito sabay bitaw sa kamay ko.

I sighed. “I’m s-sorry, Sir. But you don’t have the right’s to drag me to wherever it is. And again don’t touch me, sorry and I hope you understand, Sir. ”

Inabot ko sa kaniya ang hawak kong paperback and ang mga documents na hindi niya naman kinuha. Tiningnan niya lang ako na para bang may malalalim siyang iniisip.

“Ohh, Okay, I should leave this to your office.” Tinalikuran ko siya at akmang aalis na.

“Wait, so that bastard didn’t inform you? I was waiting you at my office for almost 2 hours, for god sake!”

I heard him murmured. I also noticed kung paano niya sinira ang ayos ng buhok niya dahil sa frustration.

“Excuse me, Sir–”

“No! No more talking. If you’ll follow me then follow me. If not, then pack your things.”

What? Don’t tell me ngayon na agad ang meeting? Kala ko ba bukas pa. Napatingin ako sa suot at itsura ko, napairap na lamang ako.

Pansin kong mabilis na itong naglakad papasok sa elevator.

Nataranta ako at mabilis na sumunod. Papasara na ang elevator at mukhang wala siyang balak na iharang para bumukas ito.

“Teka, wait Sir–” pakiusap ko. Wala naman siyang naging imik.

“Shit! F*ck you, S-sir!” procrastinate na sigaw ko at napahawak na lang sa pintuan ng elevator sabay pikit.

Mga 2 seconds bigla na lamang ulit itong bumukas. Sa gulat ko ng makita siya loob ay nahulog ko ang mga hawak kong papers.

Matalim ang mga tingin niya and I just smiled bitterly. Nahiya tuloy ako sa nasigaw ko kanina.

“Move faster!” command nya referring sa pagpupulot ko ng mga gamit sa sahig.

“Okay sir, sorry,” aniya ko ng nakalapit na sa tabi niya.

I check the buttons and pa groundfloor kami. How long does it takes? Medyo awkward na kami lang dalawa nandito.

“What did you say earlier?” he suddenly asked.

Okay, here it goes. Tumikhim lang ako.

“W-What did I say? I d-don’t remember Sir –”

Nanatili akong nakatayo ng maayos habang siya ay papalapit ng husto sa akin.

Nagdikit ang mga braso namin kaya napausog ako ng konti palayo.

“I heard you, cursing me. A-and you just shouted me–”

“No, I didn’t. Did I?” tanging sagot ko.

Napansin ko ang paghinga niya ng malalim at pinapahinahon ang kaniyang sarili.

“Did someone told you how irritating you are?”

tanong niya habang in-adjust niya ang kaniyang necktie at sabay gulo na naman sa kaniyang buhok.

“Again, I’m so sorry, Sir I didn’t meant to say those words,” tanging nasagot ko sa kaniya.

Nanatiling deretso ang aking tingin sa pintuan ng elevator at pinagdadasal na bumukas na ito. Naging mahigpit ang hawak ko sa mga dala kong gamit nang maramdaman ang mas lalong paglapit niya sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang balak niyang gawin sa akin at ayaw ko ng mauulit ang ginagawa nya at baka mapunta pa sa kung saan. Dahan-dahan niyang nilapit ang kaniyang mukha sa akin pero inunahan ko na siya.

Humarap ako sa kanya.

“I-if you want me to respect you as my boss then please show some respect to me. Again, don’t you dare to touch me!” deretso at may diing pagkakasabi ko.

I was serious at this point when he just gave me a smile then suddenly it changed to a smirk.

“Woah, so you’re expecting me to touch you? I just wanna say something in your ears and to remind your position. I am the CEO and I have the rights to command —”

“No,” I cut him off. “I just reminding you about your actions, you’re harassing me since the first day I came here.”

“I’m not harassing you, miss Legaspi. And don’t act as if walang nangyari sa atin noon. Stop acting that you’re a virgin—”

Hindi ko inaasahan ang sinabi niya. Ang kapal ng mukha niya para bastusin ako. Wala siyang alam sa mga pinagdaanan ko matapos ang nangyari sa amin. Hindi nya ako p’wedeng tratuhin ng ganito na para bang isa akong bayarang babae sa paningin niya.

Hindi ko napigilan ang sarili ko, mabilis na gumalaw ang isa kong kamay at nasampal ko siya.

Nagulat rin siya sa nagawa ko at mabilis na hinawakan ang kamay ko at hinigpitan iyon. Bigla naman akong nakaramdam ng takot sa naging reaksyon niya.

“Who the hell are you to lay a hand on me?!” tanong niya habang mas hinigpitan ang hawak sa akin.

Masyado siyang malakas na para bang ilang segundo na lang ay mababalian na ako ng buto.

“S-sorry, h-hindi ko sinasadya…” pabulong kong pakiusap habang iniinda ang sakit na nararamdaman ko.

Unti-unti ng naghihina ang mga tuhod ko at hindi ko marinig ang mga sinasabi niya. Naramdaman ko na lang ang pagdiin niya sa katawan ko sa elevator na ito gamit ang kanyang katawan.

Bumalot na rin sa nginig ang buo kong katawan ng maalala ang mga bagay na hindi ko inaasahan.

“Pinatay mo si Papa! Para dyan sa mga anak mo! Hinding-hindi kita mapapatawad Sienna!”

I was to late to realize na umiiyak na ako. Naging malabo ang mga mata ko dahil sa luha pero naging malinaw iyon dahil nakita ko ang kabuuang mukha ng lalaking ito. Ang ama ng kambal kong anak.

“P-Please, forgive me. I’m so sorry I didn’t mean to hurt you. Please stop crying.”

I heard his voice saying those words that makes me cry more. I hope someday masabi niya rin iyon sa mga anak niya.

Out of my control bigla na lamang akong napayakap sa kaniya. Pagkatapos ay naramdaman ko na lang ang mapusok niyang halik sa akin. And this is the first time, I responded a kiss to him.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status