Share

KABANATA 10

Umaabot ng isang oras bago ako makauwi sa tinutuluyan namin ni mama at ng mga anak ko. Maaga nga akong umalis sa trabaho nga'yon para maisundo ko ang mga anak ko sa school nila.

Sobrang hirap dahil araw-araw akong nag-co-commute buti na lang rin ay sobrang lapit ng kindergarten school sa amin.

Walang ibang nakakaalam tungkol sa kambal kong anak maliban sa pamilya ko at sa mga taga doon sa probinsya namin. Hindi narin nakakapagtaka na alam ni Mich ang tungkol don.

Panigurado ay alam niya rin kung sino ang ama ng mga anak ko. Kailangan ko pa rin malaman ngayon kung sino nga talaga ang nagpapahanap sa akin noon. Dahil kung ang CEO nga siguro ay pwede ko siyang pagkatiwalaan.

Huminto na nga ang taxi na sinasakyan ko at mabilis na akong bumaba. Medyo paloob nga ang inuupuhan kong bahay kaya hindi rin masyadong nakikita kung saan ako banda tumutuloy.

“Ma?” tawag ko habang papasok ng bahay.

Naaamoy ko ang niluluto niyang biko.

“Mommy!” Nagulat ako sa biglan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status