Share

KABANATA 7

“Let her choose everything she likes to wear.”

    Napaiwas ako ng tingin sa kanya ng marinig ang kaniyang sinabi sa isang babae na nagmumukhang manager ng dress section na aming kinaroroonan.

Still I was stunned to speak dahil dinala nya ako rito sa malaking mall at pinapapili ng damit na isusuot para sa meeting event bukas.

    Matapos ang nangyari sa amin kanina sa elevator ay pareho kaming hindi makatingin sa isa't isa. Wala rin sa amin dalawa ang may balak na maunang magsalita.

   

 “Ma'am, dito po tayo,” ang sabi ng babae sa akin na kinausap niya kanina.

    Pero I excused my self to her at sinundan si Mr. Villamor palabas ng dress section na ito.

   

 “W-Wait," panimula ko. Huminto naman sya pero hindi man lang humarap sa akin. “I guess I don't need to wear something—”

    “Suit yourself. Please, just this time stop complaining," sagot niya ng mahinahon. “Within 10 minutes dapat nakapili at naka-ayos ka na. We'll have a partial dinner meeting with someone.”

    Nanatili siyang nakatalikod sa akin at mabilis na ring umalis. I sighed at bumalik na lamang sa loob ng dressing section.

    15 minutes na ang nakalipas at hirap parin akong pumili ng isusuot. Very pricey ang mga damit dito at nahihiya akong basta-basta na lang pumili.

Napansin ko ang pagdating niya kaya mabilis ko ng sinukat ang hawak kong damit.

    “Bagay po sa inyo ang pink plain na dress ma'am, ito na po ba ang ikukuha niyo?” magalang na sambit sa akin ng isang saleslady.

    Napatango na lamang ako at mabilis na lumabas ng dressing room.

    Naiilang akong humarap sa kaniya, mabuti na rin at 2 inches below the knee ang suot ko.

    “Let's go,” ang tanging saad nya ng makita ako.

    Mabilis naman akong kumilos at kinuha ang mga gamit ko sabay sunod sa kanya.

    Nang makarating kami sa parking area ay mas binilisan ko ang aking kilos para mapagbuksan siya ng pintuan sa kotse ngunit nauna niyang nahawakan ito. Huminga ako ng malalim at baka sakaling magalit na naman siya.

    “Move, you go first.”

Napatingin na lamang ako sa kanya ng binuksan niya ang pintuan ng kotse at pinapauna akong pumasok. May pagka-gentleman naman pala siya.

    “Thank you,” aniya ko. Napatitig ako sa kanya at napa-ngiti.

    *Ehem..hmmm

    Narinig ko ang pagtikhim ni Secretary Hidalgo sa driver seat kaya mabilis na akong pumasok sa loob. Sumunod naman si Mr. Villamor at magkatabi kami sa backseat.

    

    Medyo ang awkward ng dating naming tatlo dahil sa parehong tahimik lang kaming lahat habang nakarating sa fancy na restaurant.

    

    Mula rito sa loob ng sasakyan ay natatanaw ko ang loob ng resto, walang katao-tao maliban sa dalawang guard sa front entrance, tatlong naga-violin, at isang waitress.

    “Miss Legaspi, ako na sa mga iyan.” Naabala ako sa pagsita ni Secretary Hidalgo sa akin. Kinuha niya ang mga documents na hawak ko pati ang bibit kong paper bag.

    

     Nahihiya ako sa pakikitungo niya sa akin ngayon. Nagdalawang-isip pa akong hayaan siyang kunin ang mga gamit ko kasi dapat ako ang gagawa non dahil trabaho ko iyon. Pero dahil sa utos na rin ni Sir ay pumayag nako.

    Naunang lumabas si Mr. Villamor sa kotse at muli na naman akong napahinto at napatitig na lamang sa kaniya ng pinagbuksan niya ulit ako ng pintuan at hinintay na makalabas ako.

    Naguluhan man ako sa kinikilos niya pero hindi na ako tumanggi pa. Natutuwa ako sa ginagawa niya, mabuti naman at hindi puro kasungitan at kainitan ng ulo ang pinapa-andar nya.

    “Let's go?” magalang na tanong niya sa akin ng makalabas ako sa kotse.

    “Y-Yeah, sure Sir,” sagot ko at nginitian siya.

    Nabigla naman ako ng mapansin ang patago niyang pag-smile. Inalalayan niya ako papasok sa mamahaling reservation na restaurant.

    “Good afternoon, ma'am and sir.” Pagbabati ng dalawang guard.

    Pumasok na kami sa loob at namangha ako sa ganda rito. Hindi ko tuloy namalayan na kinakausap niya pala ako.

    “Have a seat,” saad niya.

    “Excuse me..you're saying sir?—”

    I saw how he cleared his throat at pilit na ngumiti sa akin. “I said have a seat.”

    Again, I was stunned to say anything when he offer a seat for me. Ayaw ko namang hayaan siyang hintayin akong umupo bago siya makaupo pa.

   “Ako na po sir,” saad ko sabay hawak sa upuan na kanina niya pa hinahawakan para makaupo ako.

    But he suddenly refused. “Just have a seat please.”

    Simula kanina ay iba ang kinikilos niya, naguguluhan tuloy ako. Hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko, natutuwa ako sa kinikilos niya pero hindi sapat iyon para hayaan ko na lang siya. Bago ko pa man makalimutan na nagtatrabaho ako sa kanya ay naisipan ko ng deretsuhin siya.

    “Why are you doing this?” seryoso kong tanong na mukhang hindi niya inaasahan.  

    “Uhm..Again, I-I w-want to apologize for what happened e-earlier, you know, I r-really didn't mean it. So, please have a seat, I don't wanna lose my patience.”

    Tiningnan ko lang siya habang napapaisip. Pansin ko ang pagiging uncomfortable niya sa tanong ko. Ngumiti na lang ako bilang sagot sa sinabi niya.

    

    “Okay, sir, noted.” Umupo nako at hindi na nakapagpasalamat sa kanya.

    5 mins na ang lumipas at wala pa rin kung sino ang dumating para sa partial meeting na tinutukoy niya. Gumagabi na rin dapat ay makakauwi na ako ng maaga ngayon. Hindi ko p'wedeng hayaan pa si mama ang magluto ng kakainin ng mga anak ko.

Napansin kong kanina pa ang lalaki na ito na nakaharap sa menu. Pinagmasdan ko nalang ulit ang kabuuan ng resto na ito at doon ko lang napansin na pang romantic ang theme ng design nila.

    May pink roses rin sa gitna ng mesa namin. And there's a 3 person who's playing a violin. No, this can't be, inuuto niya ba ako dito. This isn't look a meeting place for someone. And thinking na mag-10 minutes na kami rito. Ginagago niya ba ako? Hindi ko tuloy mahagilap si Secretary Hidalgo which is kanina ay napansin ko siya sa front entrance.

    Wait, he's the secretary of their company. He's one of the important person kung may meeting man talagang magaganap today.

    I calm my self again bago kausapin ang lalaking nasa harapan ko.

   Magsasalita na sana ako ng bigla dumating ang mga waitress at nag-serve ng pagkain sa harap namin.

    “Thank you, sir and ma'am. Enjoy your day—”

    Napa-awang ang bibig ko ng bigla niyang in-interupt ang isang waiter sa sasabihin nito. He raise his hand informing them to leave right away. Mabilis na lamang din umalis ang mga ito.

    “Excuse me, sir. Talaga bang may partial meeting? And dito talaga? Are you sure?!” may diin na tanong ko at medyo pinaglakihan pa siya ng mata.

    Hindi niya ako pinansin at nagsimulang tikman ang in-order nyang piece of strawberry cake. Hindi niya naman nagustuhan iyon at tinikman na lamang ang isang tasa ng kape.

    “S-Sir, ano? Darating pa ba yong—”

    “Will you please stop complaining even just this time, please god.”  Bigla niyang binaba ang tasa ng kape sa right side nya at lumikha pa nga iyon ng ingay, patunay naman na naiinis at umiinit na naman ang ulo niya.

    At patunay rin iyon na tama nga ang iniisip ko na pinagloloko niya ako rito. Pinilit niya pa akong pumili na maisusuot ko, sa sobrang mahal ng presyo na ito for sure gagamitin niya lang ito pang blackmail sa akin o sa kahit ano pa ang plano niya. Baka balak niyang pag-usapan namin ng maayos dito ang secret offer na mini-mean niya, then sorry sya hindi niya ako madadaan sa ganto.

    Tumayo na ako at akmang aalis na nang pigilan niya ako.

   

    “Don't you dare, unless gusto mong mag-taxi pabalik ng kumpanya o maglakad ka.”

    Napakuyom ang mga palad ko sa sinabi niya. Sana hindi na ako naniwala sa kinikilos niya kanina. Hindi talaga mababago ang ugali niya. Tama, bago ko makalimutan may balak pala siyang ipagawa sa akin o kundi gamitin ako sa balak niya.

    

    Humarap ako sa kanya at binigyan siya ng masamang tingin.

    “Kaya kong bumalik o umuwi mag-isa. Sa uulitin huwag mong sinasayang ang oras ko.” Tumalikod na ako at umalis.

    Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin pero hindi ko na sya pinansin pa. Naabutan ko sa labas ng kotse si Secretary Hidalgo.

    Maging sa kaniya ay kumukulo ang dugo ko, malamang may alam siya sa pinag-gagawa ng lalaking iyon.

    Lumapit ako sa kaniya at maayos na hiningi ang mga gamit ko.

    “Saglit lang Miss Legaspi,” panimulang sambit nito. “May bigla emergency daw at hindi nakapunta si —”

    “No, need for you to lie sir. I know it. I just can't understand kung bakit ganito. P'wede naman sigurong mag-trabaho na lang tayo lahat ng maayos, hindi po ba?”

    “Again, we're really sorry Miss Legaspi. Maging ako ay hindi ko alam kung anong gustong mangyari ni Mr. Villamor. Ever since he's a hard headed and stubborn,” paliwanag niya. “But let me know your address. He ordered me to drive you home.”

Napasinghap ako sa sinabi ni Secretary Hidalgo. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking yon, at hindi ko tatangihan ang inutos niya.

Bigla namang napawi ang ang inis ko at na-cu-curios ako sa kung ano ba talaga ang gusto niyang mangyari.

I guess I should use the chance para kilalanin siya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status