“Gosh, seriously?” Mabilis kong inilapag sa table ng CEO ang dala ko nang may biglang pumasok dito sa office. “What's that? Sien, hindi ka ba nakakaintindi? Talagang nag-e-enjoy sa ginagawa mo ah!” Napairap ako sa sinabi ni Mich. Ang aga-aga at mukhang naghahamon siya ng away. Hindi ko na lang siya pinansin at naisipan na lang umalis pero sinundan niya naman ako. “Next week uuwi na si ma'am Valerie and for sure dito ‘yon dederetso, hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo? Engage na si Mr. Ace Villamor—” Hinarap ko siya. “Wow, hindi ako nahihiya? Great, coming from you? Sino niloloko mo?” sarcastic kong sagot. “And excuse me, hindi ako nakikipaglandian sa CEO. It's not my fault dahil siya ang unang lumalapit sa akin, hindi tulad sa'yo na parang linta dikit ng dikit sa taong may girlfriend noon,” dagdag ko. Tumalikod ako pero mabilis niyang akong hinawakan sa braso ko at medyo hinigpitan ang hawak sa akin. “Ayaw mo talagang makinig sa akin no!? What are yo
“Mommy, let's go! I'm ready!” Nataranta ako sa sigaw ng anak kong babae. Linggo nga'yon at wala akong trabaho. Ipapasyal ko ang kambal, niyaya ko si mama na sumama pero magpapa-iwan lang daw sya sa bahay. Maging si Andrei ay mas gustong magpa-iwan na lang din. Ang kapatid niya lang naman ang may gustong pumunta ng Mall dahil si Andrei ay mas gusto sa park na malapit lang dito sa amin. Nagpaalam na nga ako kay mama na aalis na kami at lumabas na nga kaming tatlo ng bahay at nagpara ng taxi. Napansin ko nga na sobrang luma na ng sapatos ni Andrei, isa lang din ang pares niya ng sapatos. Mabuti si Andi dahil may dalawang pares siya ng sandal. Hindi ko pinangarap na ganito ang sasapitin ng mga anak ko. Sobrang nagtitipid nga rin ako dahil alam kong darating ang araw na kakailanganin ko ng malaking halaga ng pera. Pero kahit man gano'n ay hindi iyon pwedeng gawing rason ko para hindi ko maiparanas sa kambal ang mga bagay na gusto nila. Binilhan ko sila par
“Iyong-iyo na si Ken,” malungkot at may halong galit na diin ko sa kaniya. Mas humigpit ang hawak ko sa aking sling bag nang makita ang pag-ngisi niya. Napapikit ako pero huli na at hindi ko napigilan ang pagpatak muli ng aking mga luha. Magta-tatlong araw na nga’yon simula nang mahuli ko sila ng boyfriend ko sa mismong kwarto niya. Best friend ko si Michelle, magkasama kami simula noong college pa lang kami, hanggang nga’yon ay hindi ko matatanggap ang ginawa nila sa akin. I lost my first boyfriend and at the same time I lost her as my bestfriend. “M-Mich..bakit mo nagawa sa akin ito?! Madami pa namang iba d’yan ah, ba’t ang boyfriend ko pa talaga?! B-Bakit?” Para akong nagmamakaawa sa kaniya. Kailangan ko nang sagot na kahit man malaman ko ay hinding-hindi ko sila mapapatawad lalong-lalo na siya. “Okay, then I’m sorry, Sien–” Ito na ang pinakamasakit na narinig ko, ang salitang binitawan niya. Sana nga mapawi agad ang lahat ng sakit na nararamdaman ko sa isang sorry. Napaha
Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Humikab ako sabay kusot ng aking mata. Akmang tatayo na sana ako pero napadaing ako nang makaramdam nang pananakit sa gitnang hita ko.Doon ko lang napagtanto na hubo’t hubad ako at napansin ko rin na may kulay pula sa bed sheet na aking hinihigaan.Gusto kong sumigaw pero inaalala ko muna kung bakit at paano ako napunta sa ganitong sitwasyon. Nang maalala ko ang lahat ay hinahanap ko siya pero mag-isa lang ako sa kama.Napansin ko naman ang cellphone malapit sa akin. Mabilis ko itong kinuha pero bumungad sa akin ang gwapong lalaki sa wallpaper. Siya nga.Nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto na ito at sinigurado kong wala na siya.“Holy Mercy!” napasigaw ako sa gulat sabay ang pagbitaw ko sa hawak na cellphone.Mabilis naman akong tumahimik nang muntik na siyang magising. Nasa sahig siya at mahimbing pa rin ang tulog. Umiling ako at napa-iwas nang mapadpad ang tingin ko sa pwet niya.Mabuti na lang at nakadapa siya habang walang saplo
“Andrei, anak! Nakita mo ba ang kapatid mo?”Lumapit ako sa anak kong lalaki sa sala. Huminto siya sa pagbabasa ng kaniyang paboritong comics at tumingin sa akin.“H-Hindi po, mommy. But I think she’s playing outside,” magalang na sagot nito. “Wait, I’ll call her.”Pinagmasdan ko na lamang ang pagtakbo nito palabas. Ang bilis ng panahon at mag-a-apat na taon na sila sa taong ito.“I hate you, Drei!” Rinig na ring ko mula rito ang sigaw ng isa ko pang anak na babae bigla naman siyang tumakbo papunta sa akin nang makita ako.Agad ko naman siyang binuhat. “Mommy, I s-still want to play.”“You can continue playing later with Andrei but for now the both of you should listen first to mommy, okay?”Sabay silang tumango. Umupo ako sa sofa sa harapan ni Andrei at sinabak naman sa legs ko si Andrea. Kambal ang naging anak ko. Lalaki at babae. Sa tuwing mas lumalaki sila ay mas nagiging proud ako sa sarili ko. Kailan man ay hindi ako nagsisi sa naging desisyon ko noon.Pinaliwanag ko sa kanilang
“S-Sir, pasensya na po talaga pero w-wala po akong alam sa mga s-sinasabi ninyo." Hindi ko alam kung ilang beses kong kailangang sabihin sa lalaking ito na wala akong alam sa kanyang mga sinasabi. Ginulo niya ang kaniyang buhok at malakas na nilapag sa harapan ko ang isang folder. “Don't you dare to deny!” madiin niyang sabi. “I also have the copy of CCTV footage in my condo before.” Napahigpit ang hawak ko sa aking bag. Hindi ko inaasahan ang mga sasabihin at ipapakita niya. Dapat hanggang ala-singko lang kami sa trabaho, ready na rin akong umuwi at hindi ko inaasahan na kakausapin niya na naman ako tungkol sa bagay na iyon. Tinapunan ko siya ng tingin bago buksan ang lumang white folder sa harapan ko. Masama ang tingin niya sa akin na para bang isang deny ko pa ay sasabog na siya sa inis. Dati kong resume form ang nasa folder. Sa pagkakatanda ko ay ito ang folder na naiwan at hindi ko na nakuha pa doon sa bar. Hindi ko rin p'wedeng sabihin na hindi ako iyon dahil nasa kanila ri
“Huy, ma'am. May problema po kayo? Anyare? Kanina pa kayo tulala.” Umayos ako ng upo nang sumulpot si Mei sa tabi ko. “Ayos lang ako, ano ka ba kung ano-ano sinasabi mo. Medyo pagod lang ako." “Naku, kanina pa kayo hinahanap at tinatawagan ni Sir Lance. Yong cellphone niyo po oh nandyan lang." Tinuro niya ang cellphone ko gamit ang nguso niya. Mukhang namimilosopo pa nga siya. Nang buksan ko ang phone ko ay 5 missed call kaya agad na akong tumayo. “Una na ako, salamat Mei." Iniwan ko siya at mabilis na umalis. Naabutan ko si sir Lance kasama ang lalaking ayaw kong makita muli. Pumasok na ako sa meeting office at umupo sa tabi ni sir Lance. “Good morning, sorry I'm late. Hindi ko po napansin ang tawag niyo sir," aniya ko. Nginitian niya ako. “Don't worry everything is good—” “No!" Pareho naman kaming napatingin ni Sir sa kaniya. ”Mr. Lance, I don't like your employers behavior. It's look that the both of you lacks the important qualities we look for in our business partners."
It's been 3 days nang umuwi ako sa amin para makuha ang mga anak ko. Hindi ko rin inaasahan na mas pinili ni mama na sumama sa akin kaya mas lalong lumaki ang galit ni Ate sa akin. Hindi ko siya masisi sa kung ano ang gusto niyang isipin at paniwalaan. Pero maipapangako ko sa kanya na aalagaan ko rin ng mabuti si mama. Sa tatlong araw na ibinigay ng CEO para sa ni-request kong leave ay nakalipat kami agad ng maayos sa isang maliit na apartment at napa-enroll ko na rin ang dalawa kong anak sa malapit na kindergarten school. Napahikab ako habang nag-ta-type ng documents sa computer. I was worried kung matatapos ko ba ngayong araw ang pinapagawa ng CEO dahil bukas na bukas ay isasama ako ng company para sa gaganaping meeting event. Nang mapansin kong natapos ko na ang kalahating documents na kakailanganin bukas ay mabilis na akong tumayo. “Ma'am, Sien. Sa inyo ba ito?" Napahinto ako sa pagbukas ng pintuan ng kausapin ako ni Mei. Medyo na-shock pa ako ng kaunti nang makita