Share

KABANATA 3

“Andrei, anak! Nakita mo ba ang kapatid mo?”

Lumapit ako sa anak kong lalaki sa sala. Huminto siya sa pagbabasa ng kaniyang paboritong comics at tumingin sa akin.

“H-Hindi po, mommy. But I think she’s playing outside,” magalang na sagot nito. “Wait, I’ll call her.”

Pinagmasdan ko na lamang ang pagtakbo nito palabas. Ang bilis ng panahon at mag-a-apat na taon na sila sa taong ito.

“I hate you, Drei!” Rinig na ring ko mula rito ang sigaw ng isa ko pang anak na babae bigla naman siyang tumakbo papunta sa akin nang makita ako.

Agad ko naman siyang binuhat. “Mommy, I s-still want to play.”

“You can continue playing later with Andrei but for now the both of you should listen first to mommy, okay?”

Sabay silang tumango. Umupo ako sa sofa sa harapan ni Andrei at sinabak naman sa legs ko si Andrea. Kambal ang naging anak ko. Lalaki at babae. Sa tuwing mas lumalaki sila ay mas nagiging proud ako sa sarili ko. Kailan man ay hindi ako nagsisi sa naging desisyon ko noon.

Pinaliwanag ko sa kanilang dalawa na kailangan kong umalis para sa trabaho ko at para sa kanila.

Ngumiti ako ng maintindihan nila ang ibig kong sabihin.

“I love y–” Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng sabay nila akong yakapin ng mahigpit.

“We love you too, Mommy,” sabay nilang sabi.

“Mom, I don’t want to see you crying.” Napa-ngiti na lang ako sa sinabi ni Andrei.

 Ginulo ko ang buhok niya at tumawa na lamang. “Sorry, nakalimutan ni mommy.” Pinigilan ko tuloy ang mga luha ko at huminga ng malalim.

Kumunot naman ang noo niya nang mapansin ang kapatid niyang si Andi na naiiyak rin. “What’s wrong with you, Andi? Stop crying.”

“I still hate you, Drei! Stop talking to me!” ang tanging sagot ni Andrea.

Pinatahan ko na si Andi at paniguradong hindi matatapos ang pagtatalo nilang dalawa. Madalas man silang mag-away pero wala akong problema ro’n dahil mabilis naman silang magkabati at never silang nagka-pisikilan ng away. Pero pareho naman silang may pagka-tampuhin.

Sa tuwing sumosobra na sila at nagagalit ako ay sila na mismo dalawa ang nag-so-sorry sa isa’t isa.

Mabilis niligpit ni Andrei ang mga coloring materials nila ni Andi sa mesa nang dumating si mama.

“Bukas ka ba aalis?” panimulang tanong nito at dumeretso sa kusina. “Ako, Sien, sinasabi ko sa’yo iyang mga anak mo, papano ‘yan.”

Binaba ko si Andi at inutusang tulungan ang kapatid niya sa pagliligpit ng kanilang mga kalat. Sumunod ako kay mama.

“Ma, pangako ko sa inyo. Kung magiging maayos ang simula ko sa trabaho ‘ron ay kukunin ko ang kambal dito. At isa pa, malapit na rin ang pasukan at mag-aaral na sila.”

Wala na siya iba pang sinabi kundi ang tumango. Gusto ko man siyang yakapin ay hindi ko magawa. Sobra-sobra rin ang problemang binigay ko sa kanya lalo ng umuwi akong buntis dito.

Maagang nawala si papa pero kahit papaano ay hindi niya rin ako iniwan kahit man halos ipagtabuyan ako ng mga nakakatanda kong kapatid.

Malapit na rin umuwi si Ate kasama ang kaniyang pamilya galing abroad. Dapat kaya ko ng buhayin at alagaan mag-isa ang mga anak ko.

*******

“Mommy, hahanapin niyo rin po ba si Daddy?”

Napatigil ako sa tanong ni Andrea. Ngumiti na lamang ako ng pilit, hanggang ngayon ay wala akong ibang sinasabi tungkol sa Daddy nila kundi ay ang nagta-trabaho sa malayong lugar.

Nagpaalam ako sa aking anak na tatawag na lamang ulit mamaya. In-end ko ang video call at pumasok na sa malaking building. Pansin na pansin ko ang malaking pangalan ng kumpanya. ‘Villamor’s Finance Company.’

Kompleto ang ginawang kong research tungkol sa kumpanya na ito at kailangan kong masiguradong hindi kami magkikita kahit man alam kong imposible iyon. Dapat hindi niya ako makilala at sana wala na siyang matandaan pa sa nangyari.

“Yes, sir.” Sabay kami ng mga ka-team kong sumang-ayon sa gaganaping meeting mamaya.

Inayos ko ang mga documents na hinanda ko para sa business proposal ng aming team. Isa ako sa mga importanteng tao para sa project na ito kaya kahit man ayoko sa mismong kumpanya na ito ay wala akong nagawa.

“Ano ba yan ma’am Legazpi. Sobra naman ata ang make-up mo, paniguradong imbes na ma-approve ang proposal natin sure ball ligwak agad.”

Napairap ako sa biro ng ka-trabaho kong si Mei. Napahinto ako sa ginagawa ko at tiningnan ang itsura sa salamin, sobra nga. Baka assumera lang talaga ako, hindi naman siguro niya ako makikilala. Mag-apat na taon na ang nakalipas, imposible naman atang maalala niya ako saka for sure kasal at may pamilya na siya nga’yon.

“Okay na, buburahin ko na lang ito,” sagot ko sa kanya.

“Mas mabuti ‘yon para ako lang ang mas maganda mamaya. ‘Di ba hindi pa married si Mr. Ace Villamor? Oh my G, sana makasama natin siya palagi and what if isa sa atin ang magiging asawa niya. I’m excited.”

Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at kunwaring ibabato sa kanya. “Pinagsasabi mo d’yan, bumalik ka na nga sa trabaho mo.”

“Oo, na! Ito naman hindi mabiro.” Bigla na siyang umalis at napaisip tuloy ako sa sinabi niya.

Tama naman, base sa ni-research ko ay hindi siya married. Mas na-curious tuloy ako sa kung ano ang nangyari noon at kung bakit hindi natuloy ang kasal nila.

“Everyone, please introduce yourself to Mr. Hidalgo. He’s the most trusted secretary of Villamor’s company.”

Pamilyar man sa akin ang pangalan na sinabi ng secretary ng kumpanyang pinag-ta-trabahuan ko ay hindi ko na lang iyon pinansin.

Sunod-sunod ang paglapit namin sa lalaking nakatayo sa dulo ng upuan ng malaking mesa. Nasa limang ka-tao lang kami kasama na ang aming secretary kaya nang ako na ang sumunod ay napatitig ako sa itsura nito.

Mabilis akong nakipag-shake hands. Natatandaan ko, siya ang lalaking pilit na pinapabukas ang pintuan noon. Mabilis akong naghanap ng mauupuan ko at pilit na lamang ngumiti rito.

Hindi pa rin ako mapakali at kanina pa ako kinakabahan. Ilang beses na ako nag-represent ng mga business projects at ayaw kong pumalya nga’yon.

“Can I see your presentation?”

Mas lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko nang marinig ang boses na iyon.

“Yes, sir. We’re also prepare some proof and documents.”

Hindi ko tuloy mabilang kung ilang beses ako kumurap nang maramdaman kong nasa akin lahat ang tingin nila. Pero nananatili paring deretso ang tingin ko sa labas ng building.

Kinalabit naman ako ni sir Lance, ang aming secretary.

“Y-yes sir? Ah, the presentation? O-Okay.” Hindi ko alam ang gagawin ko at hindi ako makapag-concentrate lalo na nang magtama ang tingin namin.

Parang kanina pa ako wala sa wisyo ko dahil hindi ko man lang naramdaman kung kailan siya dumating. Mabilis akong tumayo pero dahil sa natataranta ako ay hindi inaasahan ay may natabig akong baso.

Nagulat man ang lahat sa nalikha kong ingay pero nanatili siyang walang emosyon at hindi pa rin pinuputol ang tingin sa akin. Mabuti na rin at mabilis ang kilos ng mga kamay ko at hindi tuluyang natapon ang kape.

“S-Sorry. H-Hindi ko po sinasadya,” paumanhin ko.

Halos lahat naman sa amin ay may mga tasa sa gilid at hindi ko alam kung kaninong tasa ng kape ang nasagi ng braso ko kaya tiningnan ko na lang kung sino ang katabi ko.

“It’s alright. Are you okay? Please be comfortable and present our presentation.”

Sunod-sunod ang ginawa kong pag-tango sa sinabi ni Sir. Sinubukan kong mag-concentrate at sinimulan ang presentation sa harapan ng lahat.

“Uhmm…any questions or clarifications? W-What do you think, Sir V-Villamor?” Tanong ko at tiningnan siya.

Naka-itim siya na polo at naka-dekwatro ang upo. Nasa labi niya rin ang kaniyang hintuturo at parang pinipisil ang kaniyang labi na sa tingin ko ay isa sa senyales na boring ang presentation ko.

Napayuko na lamang ako nang wala itong sinabi at nanatili lang ang tingin sa folder na hawak niya. Tumayo naman ang kaniyang kasamang lalaki na si Secretary George Hidalgo.

“Oh, sorry to tell you everyone but I think we should talk about this future projects maybe at the right time so this will be our first and last–”

“No!” mabilis na sabi niya na ikana-tigil ng kaniyang secretary. Binaling niya ang kaniyang tingin sa akin.

“As the CEO and the future owner of this company, I accept and I-Im w-willing to work–”

Hindi niya naman natapos din ang kaniyang sasabihin ng sumabat ulit ang kaniyang secretary. Sa mismong harapan pa namin sila nagtalo sa kung ano ang nararapat na desisyon. Para tuloy silang magkaibigan lang.

Napansin ko ang pagkunot ng kaniyang noo at hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako. Naalala ko ang itsura niya noon parang walang pinagbago. Medyo lumaki lang ng husto ang kaniyang braso. Sumagi rin sa isip ko ang itsura niya noon habang walang saplot.

 Pero imbes na matuwa ay naisip kong p’wede kong gamitin ang pagkakataon na ito para hindi matuloy ang projects.

“Uhmm.. excuse me, actually it’s not a big deal for us if you’ll not gonna accept sir. O, what I m-mean is taos puso po naming tatanggapin kung sakaling ano man po ang magiging desisyon niyo,” magalang na sabi ko at ngumiti ng pilit.

Pinagsisisihan ko naman ang ginawa ko dahil nag-iba ang kaniyang itsura at masama akong tiningnan.

“Okay, then meeting is done and my decision will not change. Everything is now settled.”

Hindi ko inasahan ang sinabi nito. Mabilis siyang tumayo at biglang umalis ng meeting office.

Tanging ang kaniyang secretary na lang ang nagpaalam ng maayos sa aming team. Inayos ko na rin ang mga gamit ko. Masaya akong parang normal lang ang nangyari at mukhang hindi niya ako naalala at mukhang wala rin siyang pake kung sino ako.

Napangiti ako dahil masaya si sir Lance sa naging resulta nang pagpunta namin dito. Nauna na akong umalis at nagtungo sa office ng finance team namin pero sumunod si Sir Hidalgo.

“Excuse me, Miss Legaspi. Ace Villamor, the CEO of this company wants to talk to you privately.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status