Share

KABANATA 4

“S-Sir, pasensya na po talaga pero w-wala po akong alam sa mga s-sinasabi ninyo."

Hindi ko alam kung ilang beses kong kailangang sabihin sa lalaking ito na wala akong alam sa kanyang mga sinasabi.

Ginulo niya ang kaniyang buhok at malakas na nilapag sa harapan ko ang isang folder.

“Don't you dare to deny!” madiin niyang sabi. “I also have the copy of CCTV footage in my condo before.”

Napahigpit ang hawak ko sa aking bag. Hindi ko inaasahan ang mga sasabihin at ipapakita niya. Dapat hanggang ala-singko lang kami sa trabaho, ready na rin akong umuwi at hindi ko inaasahan na kakausapin niya na naman ako tungkol sa bagay na iyon.

Tinapunan ko siya ng tingin bago buksan ang lumang white folder sa harapan ko. Masama ang tingin niya sa akin na para bang isang deny ko pa ay sasabog na siya sa inis.

Dati kong resume form ang nasa folder. Sa pagkakatanda ko ay ito ang folder na naiwan at hindi ko na nakuha pa doon sa bar. Hindi ko rin p'wedeng sabihin na hindi ako iyon dahil nasa kanila rin ang mga personal documents ko.

“W-Wala akong maalala S-sir. S-Saan niyo po nakuha ang dati kong resume?” pagkukunwari kong tanong.

“Stop! I said don't you dare–”

“P-Pero s-sir. Wala po talaga akong alam, wala po akong matandaan sa mga pinagsasabi niyo.”

Umaasa ako sa pagkakataon na ito ay titigilan niya na ako pero ramdam na ramdam ko ang inis niya. Sunod-sunod ang pagmumura niya. Tumigil naman siya ng pumasok si Sir Hidalgo.

“Mr. Ace. Huminahon kayo. Huwag niyo nang pilitin pa si Ms. Legazpi."

Napa-iwas na lamang ako ng tingin sa kaniyang secretary na si George Hidalgo.

“Gaya ng sabi niya. B-Baka hindi siya ang babaeng matagal niyong pinapahanap," dugtong nito.

Lumapit ito sa akin at tiningnan ako ng maigi. Tiningnan ko naman siyang na may halong pakikiusap na hindi ko gusto ang mga nangyayari nga'yon.

Umakto siyang nag-iisip. “Mukhang hindi talaga siya ang babaeng iyon kaya Mr. Ace—”

Pareho kaming napatigil sa biglang pagtayo niya. “Get out!" mahinahong niyang sabi.

Napayuko ako at tumalikod.

“Not you!” Napatigil ako at bumalik ulit ang kabog ng aking dibdib. Ang akala ko ay makakahinga na ako ng maayos.

“Mr. Villamor, huminahon kayo. Kailangan ng umalis ni—”

Isang malakas na ingay ang ginawa niya sa kaniyang paghampas sa kaniyang office table na ikinatahimik ng buong silid.

“I am the CEO of this damn company! And I want to remind your position, secretary George Hidalgo. I'll show to this woman kung ano ang kaya kong gawin,” seryoso at madiin niyang sabi.

Napa-awang ang bibig ko at biglang napaharap sa kaniya.

Yumuko si Sir George bilang respeto sa gusto niyang mangyari at nang lumabas ito sa office ay mas lalo akong kinalibutan.

Napa-atras ako ng unti-unti siyang lumapit sa akin habang hindi binibitawan ang titig niya sa mga mata ko.

“S-Sir—” kinakabahan kong aniya.

Nakita ko lamang ang pag-smirk nito at bago ko pa mabuksan ang pintuan ay mabilis niya akong hinawakan sa pulsuhan ko. Ang isa niya namang kamay ay nakahawak sa bewang ko.

“Look at me in the eyes. Nga'yon mo ulit sabihin na hindi ikaw ang babaeng iyon at makikita mo."

Ramdam ko ang pagbabanta sa boses niya. Sinubukan kong tingnan siya at mas lalo akong nanghina sa malalim na titig niya. Mas lumapit siya sa akin kaya mabilis akong napapikit.

“Alam mo bang hanggang nga'yon ay engaged pa rin ako dahil sa'yo. Hindi ka nagpakita kaya mas lalong sumira ang buhay ko. So, you owe me. Pagbabayaran mo ang lahat na nangyari.”

Nang marinig ko ang sinabi niya ay nagkaroon ako ng lakas ng loob upang harapin siya. Wala akong alam kung ano ang nangyari sa kaniya matapos ang nangyari pero hindi naman siguro tama na magiging one sided ang kwento.

“B-Bitawan niyo po ako Sir," matapang kong sagot sa kaniya.

Gusto ko siyang sampalin at saktan. Kasalanan ko pa nga'yon ang nangyaring one night stand sa amin, eh pareho naman naming hindi ginusto iyon. Kung hindi man natuloy ang kasal niya dahil sa issue na iyon ay malala din naman ang pinagdaanan ko.

Ang pagpapalaki ng mag-isa sa kambal niyang anak ay sobra-sobra na ang nagawa ko. Kung sana alam niya lang ang pinagdaanan ko. Pero h-hindi p'wede. Hindi ako papayag na makilala niya ang mga bata lalo na sa ugali at estado niya sa buhay.

“All right. Ayaw mo pa ring umamin? What do you want, I'll file a case to you or you stop denying and do what I say?” Ngumiti siya na parang bang pinaghandaan niya ng husto ang lahat na p'wedeng mangyari.

File a case? Bina-black mail niya ba ako? Gano'n na ba ang nagagawa ng estado niya sa buhay at ako pa ang kakasuhan niya.

Napakuyom ko ang aking mga palad at ramdam niya iyon pero mas lalo siyang ngumiti nang mapansin ang reaksyon ko.

Mabilis niya naman akong pinigilan nang akmang magsasalita ako. Mas lumapit siya sa mukha ko at nilapit ang kaniyang bibig sa leeg ko papunta sa aking tainga. Nakaramdam ako ng kakaiba sa ginagawa niya.

“Tsk. But I prefer you to follow my orders without hesitations,” bulong niya.

Pumalag ako at nilayo ang sarili sa kaniya pero parang mas sumasaya siya sa ginagawa ko.

“Excuse me, Sir. H-habang may respeto pa akong natitira sa inyo, please stop. Maayos na trabaho ang pakay ko rito—”

“So, does that mean it's you? Madali naman akong kausap—”

“No, sir! Wala akong sinasabi na ako ang tinutukoy niyo. Gaya nang sabi ko ay wala akong matandaan kaya please po tigilan niyo ako."

Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at tumalikod na para lumabas ng opisina. Pero hindi pa rin niya ako tinigilan.

Mabilis niya akong hinawakan sa braso at pagsabay no'n ang pagpatak ng luha ko. Naiinis ako at wala akong magawa para makalayo sa lalaking ito. Kung noon ay nagawa kong magtago habang pinapahanap niya ako pero nga'yon ay ako pa mismo ang lumapit sa kanya.

Pwersahan niya akong hinatak at sinandal sa pintuan. Kung kanina ay nagagawa niya pang ngumisi pero ngayon ay matalim ang titig niya sa akin.

Balewala at wala siyang naging reaksyon nang makitang naluluha ako. Hindi ko inaasahan ang sunod na ginawa niya.

Madiin niya akong hinalikan. Sinubukan ko mang igalaw ang katawan ko ay hindi ko nagawa. Sunod-sunod ang hikbi ko nang pinutol niya ang halik sa akin.

Mas hinigpitan niya ang hawak sa akin. “I'm the CEO of this company at isa lang ang ibig-sabihin, nagta-trabaho ka sa akin. Gagawin ko kung ano ang gusto ko, umamin ka man o hindi.”

Nang bitawan niya ako ay saka lang ako nakahinga ng maayos. Ramdam kong parang hawak niya ako sa leeg na kung subukan ko mang kalabanin siya ay iba ang kaya niyang gawin.

Nanatili siyang nakatayo sa harapan ko at nang tiningnan ko siya ay iba na ang tingin niya. Naalala ko ang tingin na iyon.

Wala pa ring bahid nang pagsisisi ang itsura niya at hindi ko inaasahan na makita ulit ang mukha niyang malungkot tulad nang hindi ko pagpansin sa paulit-ulit niyang binibitawang salitang 'wait'.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status