Share

Chapter 2

Chapter 2

"Huwag niyong i-cancel," paalala ng binata sa kapwa manager. Nakaturo siya sa monitor habang nanlalaki ang mga mata ng kasama.

"No. Ikansela n'yo," utos ni Blee, ang kasama niyang product manager rin.

"Don't," he said.

Nagpabalik-balik ang tingin ng apat na kasama sa dalawang senior officers nila. Mga litong-lito kung sino ang susundin sa kanilang dalawa. Ang babaeng nakahalukipkip sa tapat nila o ang lalaki na pinapanuod ang ginagawa ng kasama nila sa desktop computer.

"That's definitely unethical!" histera ng babae. "Bawal na bawal tayong mga empleyado na maging guys o girls ng Lovefinity. Alam na alam mo 'yan, Nigel!"

Halos kalahating oras na silang nagsasalitan ng sagot kung ikakansela ba ang order ng kanilang bagong customer. Mag-iisang oras namang namumula sa inis si Blee dahil sa mga katrabaho. Ang mas lalo pang nagpainit sa ulo niya ay ang lalaking kapareha niya sa posisyong Product Manager.

Ipinunas ni Blee ang hawak na panyo sa noo kahit hindi naman siya pinagpapawisan. Ganito ang kanyang mannerism kapag umiikli na ang pasensya niya sa mga katrabaho. Pang-ilang beses na niya itong ginagawa. Ang mga may alam tungkol rito ay nangangatog na sa takot. Subalit, ang kasama niyang nakatayo rin ay parang walang pakialam sa kanya.

"We can keep it, Blee! No one will find out," Nigel insisted.

Paulit-ulit na umiling si Blee. Alam niyang malilintikan ang team niya at ang grupo ng lalaki kung sakaling papayag siyang ilihim ang lahat.

"Mahal ko ang trabaho ko, Nigel. Hindi isang tao ang mawawalan ng trabaho dahil sa paglabag sa protocol. Isang buong pamilya. Tandaan mo 'yan," ika ni Blee bago lumakad papalapit sa pintuan. Hahakbang na sana siya palabas nang linungin niya ang binatang katrabaho.

"Kung sa'yo ayos ang ganyang set up. Go lang. Wala naman kaming magagawa. After all, sino ba naman kami kumpara sa isang anak ng Laxamana?" mataray nitong saad bago tuluyang maglaho sa room nila.

Nakagat na lang ni Nigel ang loob ng pisngi. Ikinuyom pa niya ang kamao bago pa niya maibagsak ang mga iyon sa kalapit na mesa. Hindi niya naiwasang mainis. Lalo na kapag ginagamit sa kanya ang "you're a Laxamana" card. Akala naman ng lahat maganda iyon sa tainga niya.

Dahil ang pagiging Laxamana ay insulto sa pagkatao niya.

Hindi maikakailang sariwang sugat pa rin sa puso niya kapag naaalala kung paano siya naging kaisa ng pamilyang buhat ng pangalan niya. Anak siya ng kasambahay ng mga ito. Dahil walang kakayahan na buhayin siya, ibinigay na lang siya sa pamilyang nag-aakalang hindi na magkakaanak.

Ang dating Nigel Panganiban, ngayon ay Laxamana na.

Akala ng lahat madaling mapabilang sa isang mayamang pamilya.

Ang hindi alam ng madla, buong buhay siyang naging out-of-place sa mga iyon lalo na nang magkaroon ng isang anak. Ngayong yumao na ang foster father nya, lahat ng mana ay napunta roon. Ang anak na rin ng nga ito ang dapat magdesisyon kung babahagian pa siya ng mana.

Subalit, limang taon na, wala pa.

Tanggap na niya iyon. Malaki na rin ang pasasalamat niya nang makakuha ng entry level job sa Lovefinity. Dahil rito, nakatanggap siya ng iba't ibang promotion. Nasa pagiging product manager na siya ngayon. Malapit na muling maging kandidato para maging Digital Marketing Director.

May mga ilan na lang siyang dapat maipasa subalit nakagawa naman siya ng pagkakamali kahapon.

Hindi kinaya ng kasamahan na trainer ang migraine nito kaya siya ang sumalo ng task bilang Training Agent. Nasa product listing na ang kanilang pinag-uusapan nang ibigay ng kasama ang responsibilidad nito. Siya ang nagturo kung paano ito ginagawa sa kanilang website.

Isang malaking pagkakamali talaga na nai-tap niya ang submit button. Pinanuod tuloy niya ang sarili na nasa "under review section". Wala rin sa ayos ang nag-check man lang sa pangalan ng i-aapruba. Hindi nito nakilala ang pangalan ng senior officer nila.

Mistulang may kumilos para mapabilang si Nigel sa mga premium husband. Wala sa planong naging kaisa siya ng mga Lovefinity Guys.

Ngayon, kailangan nang harapin ni Nigel ang gawaing naibaba sa kanya.

Binabasa niya ang kontratang inihain sa kanya ni Blee. Pinansin na siya nito matapos ang dalawang oras kanina na nag-iiwasan sila. Nakasimangot ito habang hinihintay siya na makatapos sa ginagawa.

"Three months?" tanong ni Nigel. Tumango lang ang kausap.

Ipinatong ni Nigel ang siko sa mesa ng babae. Pinitik naman nito ang braso.

"Ayokong dadampi ang balat mo sa kahit na anong gamit ko rito sa office," masungit na saad ni Blee. "Dahil mawawala ka sa loob ng tatlong buwan, malamang sa akin ibabagsak ang workloads mo. Bwisit."

"Papasok pa rin naman ako rito. Ako pa nga ang may dalawang trabaho."

"Wala akong pakialam. Basta, basahin mo nang mabuti 'yan."

Tiningnan lang ni Nigel si Blee at ibinalik ang tingin sa isang kumpol ng mga papel.

"Bawal ang 'ano'?" tanong ni Nigel.

"Anong 'ano'?"

Mas lalong lumukot ang mukha ni Blee. Itinaas-baba naman ni Nigel ang dalawang kilay. Hindi na nakapagpigil ang babae na damputin ang makapal na libro at inihampas sa balikat ng kasama.

Napatayo si Nigel. "Grabe ka naman, Blee!"

"Pati ba naman sex life mo, problema ko pa?!"

"Three months akong walang ano?!"

"Ikaw na bahala kung paano mo palulusutin ang nota mo sa iba. Basta hindi sa kliyente natin. Bawal na bawal 'yon!"

"Pero pwede akong ma-inlove sa kanya?" pagbibiro ni Nigel kahit alam niyang ipinagbabawal iyon sa kontrata bilang Lovefinity Guy.

"Kung wala tayo sa opisina, matagal na kitang nasuntok!" pagbabanta ni Blee sa kanya. Tumayo naman ito at tinulak na ang lalaki papalabas sa opisina nito. "Umalis ka na nga! Ayoko nang makita ang pagmumukha mo!"

Nangingisi na lang si Nigel habang papalabas sa opisina ng babae. Sanay na siya sa mga sita at pasaring nito. Kasabayan niya itong pumasok sa kompanya at na-promote silang dalawa sa pwestong kinabibilangan nang halos magkasabay rin.

Ito rin ang tanging nakakausap niya sa trabaho. Marami pang nag-aakala na silang dalawa ang magkakatuluyan pero dalawang buwan na ang nakalipas nang dumalo siya sa kasal ng babae. Naiintindihan naman niya ang kasungitan nito dahil anim na linggo na itong nagdadalang-tao.

Si Blee rin ang nakakaalam ng mga nangyayari sa buhay niya. Katulad na lang ngayon, hindi naman siya matutuloy bilang premium husband ng kliyente kung walang dahilan.

"Nigel," tawag sa kanya ni Blee bago tuluyang mapihit ang doorknob. "If it wasn't for you, I won't keep that in secret."

"Thank you, Blee."

Nakaraang linggo lang nang maging mainit ang pangalan niya sa kumpanya. Naging usap-usapan kasi ang naging kaarawan ng kinikilalang kapatid. Ito ay sa dahilang pagpapaulan ni Nigel nang mga suntok rito matapos maaktuhan na may kababalaghan kasama ang girlfriend niya na si Jillian.

Kinabukasan rin matapos ang gabi ng alitan nila ng kapatid, kumalat ang balita sa lahat na ang girlfriend ni Nigel at ang kapatid ay may relasyon na.

Hindi man lang nakatanggap si Nigel ng opisyal na break up mula kay Jilian. Habang naglalakad siya sa pasilyo ng ika-siyam na palapag, nararamdaman niya ang pagsunod ng ilang mga mata ng mga kapwa-katrabaho. May samu't saring bulungan rin tungkol sa kanya.

Nang maupo siya sa sariling opisina, agad niyang pinirmahan ang kontrata nang hindi binabasa ng buo.

Itinatak niya sa isip na gagamitin niya ang tatlong buwan upang makalimot sa sinapit sa kamay ng kapatid at ng ngayo'y ex-girlfriend.

Malakas siyang huminga nang malalim bago i-transfer ang kontrata sa kasunod na proseso ng pagiging premium husband. Bukas na bukas rin ay maipapadala na siya sa kliyente. Tatlong buwan siyang mananatili sa piling ni Mallory Reynolds.

Nang matapos muling pakatitigan ang mga papel, nagdesisyon siyang magpunta sa pantry. Isang malamig na kape ang pampagising niya sa katanghaliang oras.

"Hey..."

Sandaling natigilan si Nigel nang marinig ang pamilyar na boses. Gusto niyang mangulila rito pero nang maalala ang ginawa nito sa kanya, mas nangibabaw sa isip niya ang galit.

"Jill," tawag niya sa nickname nito. "I mean, Miss Ortega. Good afternoon."

Pinipigilan niyang titigan ito. Baka mahuli na naman siya ng ganda ni Jillian. Hindi naman maipagkakaila iyon. Suki ng mga beauty pageant ang babae. Habulin pa ng mga samu't saring manliligaw.

Walang pinagbago sa itsura nito. Katulad ng parati nitong ayos, nakakulot sa dulo ang kayumangging buhok, makinis ang balat at laging nakasilip ang naka-brace na mga ngipin. Gusto man niyang hilain papalapit ang babae, hindi na pwede. Hindi na siya ang gusto nito.

"Just wanna say thank you."

Hindi na napigilan pa ni Nigel na mapatingin kay Jillian.

"Uhm, for the times? I enjoyed your company. But I really like him. He's way more... you know, a legitimate Laxamana," walang pasintabi nitong sabi. "I know you're longing for an explanation and like.. uh.. official breakup?"

Masikip ang dibdib na napakurap si Nigel. Mabuti na lamang at kakaunti ang mga tao sa pantry. Baka mamaya, maging laman na naman sila ng tsismisan.

Lumapit si Nigel kay Jillian. "I hope that my legitimate Laxamana brother would not regret having you as his girl. Kasi alam mo, nanghihinayang ako para sa aming dalawa. We both love a cheater but this cheater has her love with our money. Good luck in finding our vaults."

He left her dumbfounded but he's way more dumb for loving her as he walk away.

Sana maging sapat ang panahon niya para makapagmove on. Kapag nandito siya, parang binubuhusan ng alcohol ang binulatlat niyang sugat.

Kailangan na niyang maghanda para sa pagkikita nila ni Mallory Reynolds bukas.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status