Share

Chapter 10

This is it, pansit— ang pangunahing handa sa kasal ni Mallory at Nigel. Wala nang prenuptial photoshoot o kung ano pa mang keme pero bumawi naman sa sahog ang paboritong pagkain ni Mallory. Mayaman sa gulay kahit ang venue ay may mga pink na garden roses, gypsophila at eden roses sa aisle kadikit ang simpleng mga bentwood thonet chairs na kinabitan ng mga ribbon. Sa dulo ay nakaporma ang pabilog na floral installations na sinamahan pa ng mga kandila.

Ang pinakabonggga sa araw na ito, ay ang pansit na talagang pinaghandaan. May atay ng manok, laman ng baboy, repolyo, Baguio beans at carrots. May canton din na gustong-gusto nang kurutin ng ilang bisita.

Inaayos pa lang ni Mallory ang puff sleeve white dress nang sumilip si Blee sa kanyang kwarto. Panay hingi ng pasensya. Sobrang simple lang talaga ng magiging kasal. Garden wedding ang peg. Subalit, hindi niya malaman kung bakit sorry nang sorry ang babae. Maganda naman sa mga mata niya ang ayos ng bakuran. Malinis at maayos. Kapayapaa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status