Share

BULLIED

Kaagad na ipinatawag ng boss nila si Luke sa office nito upang doon sila mag-usap na dalawa.

“Pasensiya ka na talaga, Luke. Sa susunod na makita kong nilalait ka nila, hindi na talaga ako mag-aatubiling alisin sila sa trabaho nila.” pag-hingi nito ng paumanhin sa binata.

Umiling-iling na lamang si Luke. “Ayos lang po iyon, ma’am.”

Ang boss niyang ito ang bukod-tangi sa office nila na nagt-trato sa kanya nang mabuti. Halos lahat kasi ng trabaho niya at iba pang mga staff sa kompanya nila ay outsider ang tingin sa kanya dahil lang sa katotohanang dalawa ang trabaho niya.

“Oo nga pala, bakit hindi ka naka-uniform? Hindi ka ba makapapasok sa trabaho ngayong araw?” tanong ng dalaga nang mapansin ang suot ni Luke. Malimit kasi itong mahuli sa tuwing pumapasok ito sa trabaho. Sa katotohanan nga ay isa ito sa mga outstanding employees kada taon.

Huminga na muna siya nang malalim bago muling nag-salita. Maging siya ay hindi alam kung paano sasabihin ang desisyon niya sa boss niya dahil alam niyang labis itong mabibigla.

“Magr-resign na po ako, ma’am.”

Kaagad na nanlaki ang mga mata ng dalaga sa sinabi ni Luke. “A-Ano?! Magr-resign ka? Pero bakit? May hindi ka ba nagustuhan? Binubully ka ba parati ng mga ka-trabaho mo?”

“Hindi naman po, ma’am. Pero sa tingin ko ay hindi ko na rin po kayang mag-stay pa sa kompanyang ito.”

Napakunot ng noo ang dalaga. Hindi niya malaman kung saan nakakuha ng dahilan ang binata upang mag-resign gayong sa pagkakatanda niya ay ito lamang ang hanap-buhay nito. Bukod sa pagiging isang delivery man sa gabi. “Luke, you don’t have to resign if you don’t like something in the company. Alam mo namang isa ka sa mga pinakamagagaling na empleyado ng kompanyang ito. Ano bang gusto mo? Promotion? I’ll gladly do it for you. Just tell me. Actually, matagal-tagal na rin naming pinagi-isipan na itaas ang position mo rito sa company since you are such a versatile employee."

Panandaliang hindi kumibo si Luke sa sinabi ng dalaga. Buong akala ng dalaga ay mapapapayag niya ito dahil sa alok na sinabi niya, ngunit laking gulat niya nang muling magsalita si Luke. “Pasensiya na po talaga kayo, Ma’am. Pero buo na po kasi talaga ang isip ko na mag-resign na sa kompanyang ito. Hindi na po magbabago pa iyon. Maraming salamat din po sa mga naitulong ninyo sa akin. Maraming salamat dahil kayo lang ang bukod-tangi sa kompanyang ito na tumrato sa akin nang tama kahit pa ganito lang ako.”

“Oo naman. Pero—

Bago pa man niya maituloy ang sasabihin niya ay bigla na lamang nag-ring ang phone niya, dahilan upang mapunta ang atensiyon niya sa telepono. Tumingin muna siyang muli kay Luke bago kunin ang phone mula sa bulsa ng suot niyang coat. Nang malamang isa ito sa pinaka-mataas nilang investor ay kaagad siyang napatayo at humingi ng paumanhin kay Luke upang sagutin ang tawag.

"H-Hello? Mr.Roberts?"

"I would just like to inform you that I already want to suspend my partnership with you."

"W-What?! Pero Mr. Roberts! What is the reason?! Did we do something wrong? Do you want some changes regarding our policies? Please, tell me, Mr. Roberts!"

"We just—

"Let's meet, sir. We need to talk this out."

Hindi alam ni Luke kung ano ang pinag-uusapan ng kanyang boss at ng tumawag mula sa kabilang linya, ngunit bakas sa mukha nito ang pagkagulat at pagkabahala. Maya-maya ay bigla na lamang itong lumabas ng office nang tila ba nagmamadali.

Sumunod naman si Luke. At sa paglabas niya ng office na iyon ay siyang pagsugod sa kanya ng mga ka-trabaho niyang napagalitan kanina lamang.

“Hoy, Luke! Bakit umalis si Miss Lauren, huh?! Malamang may isinumbong ka sa kanya, ano?! Anong sinabi mo?!” sigaw sa kanya ni Greg, isa sa mga ka-trabaho niya na palagi na lamang mainit ang ulo sa kanya kahit na wala naman siyang ginagawa.

“Malamang gumawa na naman siya ng kwento para siya na naman ang magmukhang mabango sa mata ng boss natin. Diyan naman magaling ang pobreng lalaking iyan.” dagdag naman ni Ruffa, isang babaeng puno ng kolorete ang mukha. Madalas itong makita ng mga trabaho na nakikipaglandian sa boyfriend niyang nagtatrabaho bilang marketing assistant sa kompanya nila kahit na oras ng trabaho.

“Dahil sa’yo, napagalitan tuloy kami ni Ma’am Lauren kanina! Tingin mo ba ganoon ka kagaling?!”

"Wala akong sinabi sa kanya. Ang totoo nga niyan, magr-resign na ako." kalmadong tugon ni Luke sa mga katrabaho.

Kaagad naman silang tumawa dahil sinabi niya.

"Resign?! Magr-resign kana?! Aba mabuti naman kung ganoon! Akala mo ba kawalan ka ng kompanyang ito?! Dapat nga matagal ka nang umalis dito!"

"Tama! Dahil magmula nang dumating ka rito, puros kamalasan nalang ang nangyari sa'min!"

Maya-maya ay bigla na lamang itinulak ni Greg si Luke na naging sanhi upang ito ay matumba sa sahig. "Ano? Lalaban ka?! Kaya mo na ang sarili mo?! Ano?!"

"Siyempre, hindi lalaban ang patay-gutom na iyan."

Sinubukang tumayong muli ni Luke, ngunit bago pa man niya magawa iyon ay muli siyang itinulak ng isa pa niyang ka-trabaho.

"Ano bang ginawa ko sa inyo para ganituhin ninyo ako? Wala naman akong ginawang masama sa inyo, a! Ni hindi ko nga kayo pinakikielaman sa mga trabaho ninyo pero kayo itong lapit nang lapit sa akin at sisisihin ako sa mga kapalpakan ninyo!"

Saktong pagkasabi ni Luke niyon ay siyang pagdapi ng kamao ni Greg sa mukha niya. "Gag* ka pala, e! Kapalpakan, ha?! E ikaw lang naman ang parating palpak dito! Palibhasa s****p ka sa boss natin!"

Halos mabingi na si Luke sa mga paratang at pangmamaliit sa kanya ng mga ka-trabaho niya. Mabuti na lamang at sanay na rin siya sa mga ginagawa nito sa kanya. Pero kung minsan ay hindi niya rin maiwasan ang mapuno sa mga ito

Kung tutuusin, kayang-kaya niya namang tanggalin ang mga ito sa trabaho kung nanaisin niya dahil sa taglay na yaman ng pamilya nila, pero hindi niya lamang ito magawa dahil kahit na parati siya nitong binubully ay may awa pa rin siyang nararamdaman..

‘Bibilhin ko ang kompanyang ito.’ ani sa isip niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status