Share

THE NEW CEO

"Narinig niyo na ba ang balita?!"

"Anong balita?"

"Ngayon na raw ipapakilala ang bago nating CEO!!"

Ang mga empleyado sa loob ng kompanya ay hindi magkumayaw dahil sa narinig na balita. Hindi lingid sa kanilang kaalaman na ngayong araw na nila makikilala ang bagong magm-may-ari ng kompanya nila.

"New CEO? Sino naman kaya iyon? Ni hindi nga ako na-inform tungkol doon." sambit ni Max habang nakaupo sa swivel chair niya.

"Malamang sobrang yaman ng lalaking iyon. Biruin niya ba namang bilhin ang buong kompanya ninyo." dagdag pa ni Hannah habang inaayos ang sarili niya sa harap ng salaming bintana.

Sa kabilang banda naman ay nakasakay na si Luke sa isang magarang itim na limousine. Sa tabi niya ay ang nakababata niyang kapatid na si Amber.

"I can't believe you really bought that company, kuya. May balak ka bang gawin, huh?"

"I will just make everyone see na nagkamali sila ng kinalaban. Sa tagal kong nagt-trabaho sa kompanyang iyon, ni hindi nila ako tinratong tao. Lalo na ang Max na iyon, araw-araw niya akong minamaliit. Tapos malalaman ko nalang na sila na pala ni Hannah."

Umiling-iling si Amber. "Una palang naman hindi ko na gusto ang babaeng 'yon. Halata naman kasing hindi siya marunong makuntento. That's right, kuya. Make them regret the things that they did to you."

Hindi na lamang umimik si Luke. Hindi niya na natiis ang mga pangmamaliit na natamo niya sa mga katrabaho niya noong nakaraan kaya sa sobrang galit ay nasabi niya sa kanilang president na bibilhin na niya ang kompanya. Noong una ay nagulat ang kanyang boss sa sinabi niya at inakalang nagbibiro lamang siya, pero nang mapatunayan niyang marami siyang pera at nagmula siya sa isang napakayamang pamilya ay halos hindi ito makapaniwala. 

Nang makapasok na si Luke sa kompanya ay ni hindi man lang siya binati ng mga empleyado. Sanay na kasi ito sa kanya at buong akala nila ay isa pa rin siyang hamak na empleyado lamang.

"Oh my God, Look who's here! Is that you, Luke?" 

Bigla bigla na lamang sumulpot sina Hannah at ang nobyo nitong si Max nang makarating na si Luke sa main lobby ng kompanya. 

"Nagpunta ka pa rito? Akala ko ba nagq-quit ka na? Ano? Nagbago na ba ang isip mo? Na-realized mong wala ka palang pera at hindi mo afford na mawala ang trabaho mo?" natatawa-tawa pang sabi ni Max sa kanya.

Maya-maya ay nagsisulputan na rin ang mga katrabaho niyang mahilig mangmaliit sa kanya. 

"Sinungaling ka talaga. May pa-resign resign ka pang nalalaman, babalik ka rin naman pala."

"Sabi ko na nga ba, e. Drama mo lang ang resignation na sinasabi mo. Ang totoo kasi, gusto mo lang na makuha na naman ang simpatya ng boss natin."

Handa na silang paulanin muli ng pangungutya si Luke, pero bigla na lamang dumating ang maganda nilang boss saka lumapit kay Luke at yumuko. "Good morning, Mr. CEO."

Lahat ay napakurap nang makita ang boss nila na bumati kay Luke. Nagtinginan silang lahat, nagtataka kung bakit bigla na lamang naging ganoong kagalang ang babae sa isang hamak na empleyado lamang. 

Maya-maya ay humarap ito sa kanila nang nakakunot ang noo. "Ano ang tinatayo-tayo niyo riyan? Battin niyo ang CEO natin!"

Halos lumuwa ang mga mata nila dahil sa narinig. Hinintay nilang sabihin ng boss na biro lamang ang sinabi niya, pero hindi niya ito ginawa. Sa huli ay wala silang ibang nagawa kundi ang yumuko kay Luke. "G-Good morning, Mr. CEO."

"C-CEO? Ang lalaking iyan? How come I was not informed about this? Paano naman magiging CEO ang pulubing iyan?" ani Max na nanlalaki na ang mga mata. 

"Max, huwag kang magsalita ng ganyan sa bago nating CEO! Binili niya na ang kompanyang ito kahapon lamang. Kaya kung ayaw mong matanggal sa puwesto mo ngayon ay magbigay-galang ka sa kanya!"

Ngumiti naman si Luke. Hindi niya maiwasang makaramdam ng tuwa dahil sa naging reaksiyon ni Max. Lumapit siya rito habang magkakrus ang mga braso at ang ngiti sa kanyang mga labi ay hindi nawala. "Are you surprised? Nagulat ka dahil ang lalaking minamaliit niyo lamang ay binili ang kompanyang ito?"

"T-This can't be... A beggar like you can never afford this company!"

"But I did. Ano pa bang gusto mong pruweba para maniwala sa akin? Anyway, hindi mo naman kailangan pang maniwala sa akin, at lalong hindi mo na kailangan pang magbigay-galang sa akin."

"L-Luke, is this true? Nabili mo ang kompanyang ito?" bigla namang lumapit sa kanya si Hannah na hindi rin makapaniwala sa mga narinig. 

Tinapunan ito ni Luke ng tingin. "Oo, tama ang narinig mo. Binili ko nga ang kompanyang ito. Kaya magmula ngayon, ayaw ko nang makita pa kayong dalawa sa loob nito. At kayong lahat, bumalik na kayo sa trabaho ninyo kung ayaw ninyong tanggalin ko kayo."

Dali-daling nagsikilos ang mga empleyado na kanina lamang ay minamaliit si Luke. Hindi pa rin sila makapaniwala sa nangyari, pero wala rin naman silang choice kundi ang sumunod dahil ngayon ay wala na silang karapatan pang umangal dahil ito na ang may hawak sa kanila at kaya silang tanggalin kahit na kailan pa nito gustuhin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status