Share

The Rejected Son-In-Law
The Rejected Son-In-Law
Author: snowflower

DIVORCE

“Hindi ba’t birthday mo na bukas? Anong gusto mong regalo?” nakangiting tanong ni Luke sa asawa niyang si Hannah na magc-celebrate ng birthday niya kinabukasan. Kasalukuyan nitong sinusuklay ang itim na buhok sa harapan ng salamin.

Imbes na matuwa, sumimangot pa si Hannah. “Regalo? Ano naman kaya ang ireregalo mo sa akin? Cheap bag? O hindi naman kaya iyong sapatos na nabibili sa tabi-tabi? Hindi na, Luke. Hindi bale nang huwag mo ako regaluhan.”

“Cellphone ba ang gusto mo? Bibigyan kita niyon, sabihin mo lang sa akin.”

Sarkastikong napatawa ang asawa niyang si Hannah. “Pwede ba, Luke? Huwag ka na ngang magpanggap na kaya mong bilhin ang isang ‘yon. Ni hindi mo nga mabilhan ang sarili mo ng magagandang damit tapos bibili ka pa ng cellphone? Pinagloloko mo ba ako?”

“Hannah naman..”

“Alam mo Luke, sawang-sawa na ako sa ganitong set up, e. Sawang-sawa na akong magtiis sa ganitong klaseng buhay. Ni hindi ko nga alam kung bakit pa ako nagtitiis na makasama ka. Ni hindi mo nga maibigay sa akin ang mga bagay na gusto ko.”

Hindi naka-imik si Luke. Noon pa man ay parati na talagang nagrereklamo ang asawa niya dahil sa hirap na dinaranas nila. Hindi naman sila sobrang mahirap, sadyang maluho lamang talaga si Hannah.

“Alam mong mas maganda nating gawin? Divorce. I want a divorce, Luke.” Tumayo ito at tuluyang humarap sa kanya. Wala ni kaunting bahid ng pagbibiro sa tono ng boses nito.

“Hannah, h-hindi biro ang sinasabi mo.”

“Dahil hindi talaga ako nagbibiro, Luke. I said I want a divorce. Simula una pa lang naman hindi na ako naging masaya sa relasyon na ito. Alam mo ba kung gaano ko kinaaawaan ang sarili ko sa tuwing nakikita ko ang mga kaibigan ko na may bagong biling mamahaling mga kagamitan? Kung paano nila ako pagtawanan kapag nalalaman nilang ang asawa ko ay isang hamak na office staff at delivery man lang?! Sawang-sawa na ako sa buhay na ‘to, Luke! Hindi ito ang buhay na pinangarap ko!” bulalas nito sa kanya.

Kaagad na naglakad si Luke palapit sa asawa upang pa-kalmahin ito. “Pero Hannah, kaya naman kitang buhayin, e. Hindi ba’t masaya naman tayong dalawa? Pangako, gagawin ko ang lahat, mapasaya lang kita. Kahit na ano pa mang gusto mo, pangako, ibibigay ko sa’yo.”

“Talaga? Anong gagawin mo para mabili ang bag na gusto ko? Mamamalimos? O hindi naman kaya mangutang ka na naman sa mga kaibigan mong mayayaman? Pwede ba, Luke? Sawang-sawa na ako sa mga pangako mong ganyan. Ang Mabuti pa, mag-divorce nalang tayo. Mas sasaya pa ako roon.” Tugon nito saka iniwan siyang mag-isa sa loob ng kwarto nila.

Naupo na lamang si Luke sa kama nang lisanin siya ng kanyang asawang si Hannah. Hindi niya lubos akalain na nanaisin siyang iwanan ng asawa dahil hindi niya maibigay ang gusto nito.

Kinabukasan, nang magpunta si Hannah sa kwarto nilang mag-asawa ay mayroon siyang nakitang isang box. Marahil iyon ang regalo ni Luke sa kanya, ngunit imbes na buksan iyon at maging masaya ay mas lalo lamang nag-init ang ulo niya. For sure fake na naman, nasa isip niya.

Sa kabilang banda, buong akala ni Luke ay tatawagan siya ng kanyang asawa at magbabago ang isip nito kapag nakita na ang cellphone na iniregalo niya, ngunit wala siyang natanggap na tawag o text mula rito. Malamang sa malamang ay buo na talaga ang isip nito na makipag-hiwalay sa kanya.

Nang tatayo na sana siya ay bigla na lamang nag-ring ang phone niya. Sa pag-aakalang iyon ang asawa niya ay kaagad niyang sinagot ang tawag.

“Hannah?”

“It’s me, kuya. It’s Amber.”

Bahagya siyang nalungkot nang malamang hindi si Hannah ang tumawag. “Amber, ikaw pala. Bakit ka napatawag?”

“Huh? Did you forget about it already?”

“Forget about what?”

“You’re already 24, kuya! That only means you can already get money from our family. And aside from that, you will receive a 10 million dollar cash gift and a luxury bank card. Hindi ba’t kumuha ka na rin ng phone para i-regalo sa wife mong si Hannah? Speaking of Hannah, how is she?”

Si Amber ang nakababatang kapatid ni Luke. Eighteen years old pa lamang ito, pero talaga namang kung makapag-salita ay tila mas matanda pa sa kanya. Close na close silang dalawa noon pa man, pero kinailangan niya ring iwan ang pamilya niya nang magpakasal siya kay Hannah. Bukod pa roon, may patakaran ang kanilang pamilya kung saan hindi sila maaaring kumuha ng pera galing sa pamilya hangga’t hindi pa sila tumutuntong ng 24 years old.

Hindi naiwasan ni Luke na malungkot sa tanong ng kapatid. “Ayaw na niya sa akin, Amber. She said she wants to file a divorce. Sawa na raw siya sa buhay namin.”

“I knew it. Simula palang naman kasi ay napakaluho na ng babaeng iyon. Panigurado akong kaya gusto niya nang makipag-hiwalay sa’yo ngayon ay dahil hindi mo maibigay ang mga luho niya. That woman is really a social climber and ambitious! She never really loved you from the start! You know what? I think it’s better for you to divorce her. She doesn’t deserve you, kuya. Just let her regret doing this to you kapag nalaman niya kung gaano kayaman ang pamilya natin.”

Hindi na nakapag-salita pa si Luke. Simula palang naman talaga ay alam na niyang hindi tatagal ang relasyon nilang dalawa dahil sa pagiging materialistic ng asawa. Pero nagawa niya pa ring mahalin ito. Buong akala niya ay magiging kuntento ito sa kung anong kaya niyang ibigay, pero hindi pala. Hindi pala sapat ang pagmamahal lang.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status