Share

HIS SISTER

Nang huminto ang sinasakyang taxi ni Luke ay kaagad na rin siyang bumaba matapos magbayad sa driver. Kaagad niyang nakita si Hannah na nakangisi sa kanya. Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.

“Tignan mo ang sarili mo, ni hindi mo nga kayang bumili ng sarili mong kotse papunta rito. Nakakaawa ka talaga.” Iiling-iling pa nitong sabi.

Hindi na lamang kumibo pa si Luke. Tahimik na lamang silang pumasok sa Local Civil Registry Office upang mag-file ng divorce. Kahit na kailan ay hindi pumasok sa isip ni Luke na makipag-hiwalay sa kanyang asawa. Ngunit marahil, ito na lamang din ang tanging paraan upang hindi na siya maghirap pa.

Nang matapos na silang mag-file ng divorce ay kaagad na rin silang lumabas. Huminto sa paglalakad si Luke saka tumingin kay Hannah. Pilit siyang ngumiti saka inilahad ang kamay niya. “Alam kong hindi ako naging perpektong asawa sa’yo, hindi ko naibigay ang lahat ng gusto mo, pero gusto kong malaman mo na minahal kita. At dahil din sa pagmamahal na iyon, kaya kita pakakawalan.”

Buong akala niya ay aabutin ni Hannah ang kamay niya, ngunit imbes na gawin iyon ay tinapik niya lamang ito saka sarkastikong tumawa. “You know what, Luke? Marrying you is a nightmare. Pinagsisihan kong pinatulan ko ang isang lalaking gaya mo. Napakababa mo, ni hindi ko nga alam kung paano ka nakukuntento sa pagiging isang hamak na pobre lang. Mabuti na lamang talaga at natauhan din ako at na-realize ko na wala akong magandang future sa’yo.”

Walang anu-ano’y bigla na lamang may humintong magarang sasakyan sa harapan nila. Sakay nito ang isang lalaking kulay pula ang buhok at may mga nagkikintabang alahas sa katawan. Kaagad itong bumaba ng sasakyan saka lumapit kina Luke habang nakangisi. Laking-gulat din ni Luke nang mapagtanto ni Luke na iyon pala ang anak ng vice manager ng kompanyang pinagt-trabahuhan niya.

“Ah, I’m so glad you’re already here, babe.” Ani Hannah habang nakayapos sa lalaki.

“Of course, babe. Ikaw pa ba?”

Muling tumingin si Hannah kay Luke saka nagsalita. “Oo nga pala. Luke, this is Max, my boyfriend. Max, he is Luke.”

“Oh, right. He is one of our staffs. Right, Luke?” sabi pa ng lalaki kay Luke.

Napakuyom siya ng kamao. Ngayon niya lamang nalaman na may relasyon pala ang anak ng vice-manager ng kompanyang pinagtatrabahuhan niya at ang asawa niya.

“Kailan pa kayong dalawa?” halos mautal niyang tanong sa kanila.

Nagtinginan naman ang dalawa saka nagtawanan. “Oh, bakit parang nagagalit ka? Siya ang bago kong boyfriend, Luke. Gwapo, mayaman, at kayang ibigay sa akin ang lahat ng gusto ko. E ikaw, anong kaya mong ibigay sa akin? Mga utang? Mga damit na galing sa ukay-ukay? Pwe! Ni hindi ka nga makabili ng magandang damit para sa sarili mo. Nakakahiya ka.”

Nanatili lamang siyang nakatayo roon habang pinakikinggan ang pang-aalipusta sa kanya ng kanyang ex-wife pati na rin ng bagong kasintahan nito. Hindi niya gustong gumawa ng gulo, kahit pa gustung-gusto na niyang magwala at suntukin ang lalaki. Hindi niya iyon ugali.

“Paano ba ‘yan, Luke? Aalis na kami ha? Titira na kami sa isang exclusive village sakay ng napakaganda niyang kotse. Good luck nalang sa’yo.” Pang-aasar ni Hannah.

Naglakad naman ang bago nitong boyfriend palapit kay Luke saka inayos ang kuwelyo niya habang nakangisi. “Nice meeting you here, Luke. Magkita nalang tayo sa office bukas, ha? Huwag kang mag-alala, pwede ko namang sabihin sa kompanya na bigyan ka man lang ng bonus para may kainin ka naman sa pasko.”

Matapos niyon ay maglalakad na sana ang magkasintahan palapit sa kotse ni Max, pero isang Malaki, at magarang SUV ang bigla na lamang dire-diretsong umandar patungo sa kinaroroonan ng sasakyan nito. Dahil doon ay nagkadurog-durog ang kotse ni Max na kanina lamang ay pinagmamayabang niya.

Nang magbukas ang pinto ng SUV ay isang maganda at petite na babae ang bumaba. Tinanggal niya ang suot niyang sunglasses saka tumingin sa durog-durog nang kotse ni Max. “Oh my god! I’m so sorry! Hindi ko kasi nakita ang kotse ninyo! Ang liit kasi..”

Kaagad na nanlaki ang mga mata nina Hannah at ni Max dahil sa inasta ng babae. Ngunit hindi iyon pinansin nito, sa halip ay kaagad itong tumakbo palapit kay Luke. “Kuya Luke! I’m sorry na-late ako! Si Daddy kasi, hindi pa ako pinapayagan noong una.”

“K-Kuya? Kapatid mo—

“Oo, kapatid ako ni Kuya Luke. Bakit, may problema ka ron?” mataray na tanong ni Amber kay Hannah na gulat na gulat. “Ikaw ang ex-wife ng kuya ko, hindi ba? Hindi ka naman pala talaga maganda. Mabuti na lamang at hiniwalayan ka na niya. Mahirap na at baka magkaroon pa ng pangit sa pamilya namin.”

“A-Anong sinabi mo?!”

Bumaling naman siya sa lalaking kasama nito. Pinasadahan niya ito ng tingin bago nagsalita. “Ano bang klaseng fashion ‘yan? Nahugot mo pa yata iyan sa mga ninuno mo e. Mas maganda pang pumorma sa’yo iyong namamalimos sa kanto.”

“H-Hoy, bata. Baka gusto mong---

“Tara na, Amber. Umalis na tayo rito.” Sabi ni Luke sa kapatid saka ito hihilain na sana papunta sa SUV nila, pero bigla na lamang nagsalita ang boyfriend ng ex-wife niya.

“Teka, paano iyong kotse namin?! Iiwanan niyo nalang nang ganun-ganon matapos niyong sirain?!”

Huminto si Amber sa paglalakad saka naglakad palapit kina Max at Hannah. Nang tuluyan na siyang makalapit ay naglabas siya ng tseke saka iyon ibinato sa harapan nila. “Hayan. Sobra-sobra pa iyan sa presyo ng kotse ninyo. Try ninyo bumili ng mas mahal para hindi naman ganoon kadali masira gaya ng kotse ninyo kanina.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status