Pababa ako ng hagdan nang tumunog ang aking phone, agad ko iyong kinuha sa loob ng aking hand bag at sinagot, "May nangyari ba? Si Wred, kumusta siya?" "Everything is fine. Maagang hiniram ni Luca at Carnation si Wred, busy ka ba? Pwede ba tayong magkita ngayon?" "That's good to hear. Ah, actually, lalabas ako ngayon kasama si Enver. Nagpasama kasi siya sa akin bumili ng—" Kusa akong natigilan nang marinig ang sunod-sunod na beeping sound. Inilayo ko ang phone sa aking tainga at chinek iyon. "What the f*ck? Did he just hang-up on me?" hindi makapaniwalang sabi ko sa sarili. "Ma'am, hinihintay na po kayo ni Sir Enver sa labas," sabi ng katulong na lumapit sa akin, galing siya sa labas ng bahay. "Alright," tugon ko at ngumiti sa kanya. Inis kong ipinasok sa loob ng bag ang aking phone. Bigla na lang nasira ang mood ko dahil sa lalaking iyon, namumuro na siya sa akin, tatawag tapos bigla na lang akong bababaan ng telepono? What a jerk! Ilang araw na kaming hindi nag-uusap ng matino
Tahimik akong nakaupo buong byahe, si Enver ay hindi rin ako kinausap, tuluyan na akong nawala sa mood matapos niyang ipabasa sa akin ang article na iyon. Sa huli, wala kaming napala sa lakad namin ngayong hapon, pinilit niya akong tanggapin ang wedding gown na napili niya, ngunit mariin din akong tumanggi, marahil ayaw niyang magalit ako at mag-walk-out sa boutique, kaya sumuko na lang siya. Sa condominium ni Wregan ako nagpahatid at hindi naman tumutol si Enver, tahimik siyang nagmaneho, napag-isip-isip niya marahil na hindi magandang ideya na ipinabasa niya sa akin ang article tungkol sa ama ng aking anak. "Salamat sa paghatid. Pasensya ka na ulit kung napahiya kita sa mga staff ng boutique. Alam mo naman na hindi ko talaga 'yon tatanggapin, may pa-surprise ka pang nalalaman," paninisi ko sa kanya sa huli. Nagbuntong-hininga si Enver. "My fault. H'wag mo ng isipin iyon, pero hindi pa rin ako sumusuko, Tilaine. I will continue to ask for your hand in marriage." I rolled my eyes
“Pakulo lang ng management ko ang article na iyon, at hindi totoong nagpa-prescon ako.” Malalim siyang nagbuntong-hininga. “Hindi lang tagapagmana ng LNox corp. ang babaeng iyon, isa rin siyang rising actress sa showbiz industry at management ko ang nagha-handle sa kanya, kaya hindi na katakataka na gamitin nila ang pangalan ko para mas i-angat ang pangalan ng bagong talent nila,” mahabang paliwanag niya.Hindi ako nagsalita at nanatili lamang nakayuko, nilalaro ang aking mga daliri. Sa totoo lang ay nakahinga ako ng maluwag dahil sa ginawa niyang pagpapaliwanag. Pero mas naguluhan ako sa sarili kong nararamdaman, nagselos nga ba ako dahil sa babaeng iyon? At kung selos nga ito, ang ibig sabihin ba ay may nararamdaman ako para kay Wregan Leath?“Hindi ka na nagsalita. Ano hindi ka na ba galit sa ‘kin?” Umangat ang tingin ko sa kanya na nakatayo sa aking harapan. Gulo-gulo ang buhok at hindi man lang na zipper ng maayos ang kanyang pants. Napatitig ako roon, init na init pa rin siya. “
"What's happening?" Natataranta kong tanong habang pababa ng grand staircase. Kagigising ko lang at nagkakagulo ang mga tao sa bahay. "I'm asking you! Anong nangyayari?" inis kong sigaw at hinablot ang braso ng dumaan na katulong nang tuluyan akong makababa ng hagdan. "May lalaki po kasing bumisita dito, Ma'am. Maayos naman silang nag-uusapan ng ama mo nung una, pero bigla na lang siyang pinagulpi ni Sir sa mga bodyguard niya." "What!" Bigla akong kinabahan sa ibinalita ng katulong. Hindi naman siguro ang lalaking ‘yon ang tinutukoy niya. "Nasaan sila?" "Nasa pavilion po—" Hindi ko pinatapos magsalita ang katulong, mabilis akong tumakbo sa labas ng bahay at nagtungo sa pavilion, at doon nakompirma ko ang aking hinala. "Wregan!" Sigaw kong halos maputol na ang ugat sa aking leeg. Tatlong bodyguard ni daddy ang nagtutulungan na bugbugin siya sa harap ng aking mga magulang. "What the f*ck is happening here!" Mabibigat ang mga hakbang na lumapit ako sa kanila. Ang mga tauhan ni d
"May problema ba?” tanong ni Kara nang huminto ako sa paglalakad. Kunot ang noo niya na tumingin sa akin, labis na nagtataka sa aking ikinilos.Umiling ako. Bumaba ang tingin kay Wred na karga ko sa aking bisig. “Malaki ang utang na loob ko kina Carnation at Luca dahil palagi silang nariyan para alagaan si Wred.” Malalim akong na pa buntonghininga. “Sana maging maayos ang lahat.”“Come on. Cheer up, na!” Bumaba si Kara mula sa mataas na baitang ng concrete stair ng main door ng aming mansion at lumapit sa akin. Hinuli niya ang magkabilang pisngi ko at sinalubong ang aking tingin. “H’wag kang susuko. Trust me! Tito will approve your relationship with my best friend. Hindi ka matitiis ng daddy mo. Ipaglaban niyo ni Wregan ang pag-iibigan niyo, patunayan niyo sa lahat na tunay ang nararamdaman niyo,” mahaba at seryosong payo niya sa akin.Pinakawalan ni Kara ang mukha ko.“Salamat, gumaan ang loob ko dahil sa mga sinabi mo.”“Ikaw pa ba? Isa ka sa mga palaban at matapang na babaeng n
"Hindi ko alam na may ikakasal ngayon." Papalit-palit ang tingin ko sa kanilang lahat. Wait, ako lang ba ang hindi aware na may kasalan? "Sino ang ikakasal?" tanong kong muli."Sino pa ba? Edi,—" Tinakpan ni Areum ang bibig ni Venom at pinanlakihan ng mata ang nakababata naming kapatid."Walang ikakasal," singit ni Hyacinth. "H'wag mo na lang pansinin ang sinabi ni Venom. Alam mo naman ang isang 'yan lakas ng trip," dagdag pa niya.Tinitigan ko sa mukha si Hyacinth. Hindi ko alam kong totoo ba ang mga sinabi niya, masyadong magaling ang nakatatanda naming kapatid pagdating sa pagtatago ng emosyon niya. "Narinig mo si Hyacinth, tara na sa loob," ani Kuya Peter at hinatak ako papasok sa loob ng bahay. Sa loob ng mansion nag-agawan ang mga tita ko sa pagkarga kay Wred, ngunit sa huli ay si mommy pa rin ang nakakuha sa anak ko. Paano kasi ay umiiyak ito sa kanila at tumigil lang nang si mommy na ang kumarga. Nakilala marahil ni Wred ang sariling lola, panay ang tawa nito kay mommy at a
Hawak ang Negroni, a cocktail drink, walang emosyon sa mga matang pinanood ni Petunia ang couple na nakangiti sa isa't-isa habang romantikong nagsasayaw sa gitna ng piging. Petunia took a sip from her drink, nalasahan agad niya ang pinaghalong sarap ng vermouth rosso, campari at gin. Ito ang pinaka masayang araw para sa bagong kasal. Ngunit para kay Petunia, ito ang araw kung kailan ililibig niya ang luhaan at talunang puso. Kaibigan niya ang groom— ang lalaking unang nagpatibok ng kanyang puso at siya ring nagpatigil ng pagtibok niyon. Napakasakit na makita itong masaya sa piling ng ibang babae, ngunit hindi maatim ni Petunia na pilitin itong piliin siya. Nagpalakpakan ang mga bisitang dumalo sa kasal nang masayang nagtapos ang sayaw ng groom at bride. Isa-isang pumalit sa dance floor ang magkakapares nang bisita para mag-sayaw. Tumalikod si Petunia upang bigyang daan ang ibang bisita na nais sumali sa sayawan, ngunit nabungo siya ng isang matipunong katawan. "I'm sorry, hindi k
"WHAT'S the matter? Hindi kita nakita the whole event. Saan ka ba nagsuot?" tanong ng nakatatanda kong kapatid nang nasa byahe na kami pauwi ng villa galing ng wedding reception. "Casa de Lujuria," tipid na sagot ko. Ang tingin ay nasa labas lang ng sasakyan. "You look worried," puna niya. Magkatabi kami ni Hyacinth sa backseat ng sasakyan, ang driver niya ang nagmamaneho para sa amin. "Tell me, did something bad happened to you back there? May nambastos ba sayo sa nightclub na iyon?" Umiling ako. "Wala. I'm just tired and sleepy. Marami akong nainom," pagod na sagot ko. Ang totoo kanina pa ako balisa at kinakabahan. Umalis ako sa party at nakipagtalik sa lalaki na kanina ko lang nakilala sa personal. Yes, Wregan is hot at talagang magaling ito sa kama. He pleasured me well to the point, na 'di ko na gugustuhin na makipagtalik pa sa iba dahil gustong-gusto ko ang ginawa niya sa katawan ko. Hindi ko makakalimutan kahit kailan ang nangyari kanina, but I was worried to death. That f