Share

3: WHAT'S THE REASON RAINY?

Umabot pa rin ako ng mahigit sampung minuto sa pagbibihis bago nag-apply narin ako ng simple at kaunting make-up sa aking mukha.

Nang maka baba naman ako ay hindi na rin nagreklamo si Thunder at wala naman siyang sinabi na kahit ano, sumakay lang kami sa kanyang lamborghini at nagtungo na sa airport syempre hindi mawawala ang kanyang mga taga sunod na armadong lalaki na laging nasa likod lang namin pero ang mas nakakasura naman eh wala kaming ticket or wala siyang ticket na binili. Hindi ko man lang naisip na mayaman nga pala ang aking asawa kaya naka-private plain pa kami papunta sa palawan.

"Kung sinabi mo agad kanina na naka-private plane pala tayo edi sana maayos ko man lang na nailagay at natiklop yung gamit natin, hindi yung gusot gusot na nakalagay lamang sa maleta." Medyo mahaba ko na reklamo kay Thunder na ngayon siyang maayos na nakaupo at nanonood lamang ng kung ano sa kanyang cellphone.

Hindi ko rin alam sa aking sarili kung bakit nagkakaroon ako ng lakas ng loob na siya ay sagot sagutin. Pero kung tutuusin naman talaga ay sa loob ng dalawang taon ngayon lamang ako nag kaboses ng ganito dahil na rin siguro sa kanyang mga ipinapakita na kaunting kabaitan or kabaitan nga ba na masasabi iyon.

"Hindi naman siguro multo yung nakausap ko diba, nakausap na nga kita about sa pag alis natin, pero anong ginawa mo? Natulog ka parin. Kung inayos mo yung gamit natin at hindi pagtulog ang inuuna mo edi sana maayos iyon kaya huwag ka ng magreklamo." Sinamaan ko lang siya ng tingin sa kanyang naging sagot.

Pabagsak ako na naupo sa kanyang tabi at hindi naman sinasadya na masagi ang aking siko sa patungan ng upuan.

"Ouch!" D***g ko.

Hindi ko rin naman inaasahan ang biglaang pagdalo ni Thunder at hinawakan ang aking siko upang pispisin yun nang hindi makaramdam ng sakit doon.

"A-ayos na." Pag iwas ko sa kanya. Bakit ba kapag siya ang kaharap ko lagi na lamang ako ng nauutal.

"Are you sure?" Paninigurado pa niya.

"I'm okay, malayo sa bituka." Imik ko pa at inirapan na naman niya kaya napabuntong hininga na lang ako.

"Maarte ka kasi, yan tuloy ang napapala mo." Kulang na lamang ay umusok ang aking ilong sa narinig mula sa kanya, ako pa talaga yung maarte?

Nagmartya ako patayo at lumipat ng ibang upuan sa lawak ba naman ng eroplano na ito kayang-kaya kung hindi siya makatabi sa buong biyahe.

'Oo, promise. Kayang-kaya ko talaga.'

Nakakainis! Bakit pa kasi ako nakikipag-usap sa lalaking katulad niya! Ayos na kasi sa akin ang tahimik lamang siya pero ngayon? Lumipas lamang ang dalawang taon kinakausap niya na ako at sasabihin pa niya ako ng maarte, close ba kami? Biruin mo ha, sa dalawang taon na halos hindi kami madapuan ng langaw ngayon naman kung kausapin niya akala mo kabati ko siya!

Hindi ko talaga siya kakausapin itaga niya pa sa bato!!!

-----

Hindi ko man lang namalayan na nakatulog na pala ako at hindi ko rin naman natatandaan na ang mga paa ko ay nakataas at nakapag kumot pa ako. Lumingon ako sa paligid at ang iba naman na tauhan ni Thunder ay nakatulog na rin.

Ang mas hindi ko naman inaasahan ay ang makita si Thunder sa aking tabi, hawak ang aking kamay at pareho pa kami naka kumot.

'Ano ba talaga ang pakulo niya, ano ba talaga ang plano niya?' Tanong nang aking isip.

Muli naman akong na pahiga ng maramdaman at makita ang paggalaw ni Thunder, ipinikit ko ang aking mga mata at nagpanggap na tulog. Naramdaman ko na inaayos niya ang kumot namin at hinaplos ng bahagya ang aking pisngi bago hinawakan ang aking kamay.

Kulang na lang ay mabaliw at mag wala ang aking puso dahil sa kanyang ginawa. Mabait lang ba talaga siya kapag tulog ako? Pero kapag gising naman kulang na lang ay lamunin niya ako ng buo o itapon sa malayo.

Napagpasyahan ko na magpanggap parin na tulog at gumalaw ng may pag iingat. Minulat ko ang aking mata at ang unang bumungad sa akin ay ang kulay berdeng mata ni Thunder.

Ramdam ko na natigilan sya at hindi agad naka kilos ng makabawi ay mabilis siyang tumayo at binitawan ang aking mga kamay.

"Malapit na ba tayo?" Tanong ko upang mabawasan ang tensyon sa paligid.

Kahit alam ko na kanina lamang ay kakasabi ko lang hindi ko siya kakausapin.

"Yes." Maikli at simple na sagot niya sa akin.

Bumalik na ulit ang kanyang matapang, masungit at malamig na katauhan.

Lumipas ang ilang minuto ng may babaeng tumigil sa aking harapan at inabot ang pagkain na dala na siyang nakalagay sa tray. Tinanggap ko naman iyon at hindi na nag atubili na kumain.

Tahimik lamang kami na kumakain ni Thunder, walang gustong umimik kaya pakiramdam ko pati ang hangin nahiya ng dumaan sa aming paligid. Ito yung pinaka ayaw ko sa lahat yung magkalapit kaming dalawa pero parang ang layo layo namin sa isa't isa, na parang wala lang, na magkatapat lang kami sa upuan at hindi magkakilala.

Hanggang sa lumapag na ang eroplano, binuhat ng kanyang mga tauhan ang aming gamit pero gentlemen parin naman pala si Thunder dahil inalalayan niya akong maka baba sa eroplano. Yun nga lang sabay bitaw sa aking kamay ng makatuntong na ako sa semento.

Habang papalapit sa isang malaki at malawak na bahay o bahay nga ba ito kung tatawagin ay natanaw ko agad si Mr.&Mrs. Revamante na kumakaway hindi kalayuan sa amin.

"Oh my god Rainy you look good and beautiful." Bungad na bati sa akin ng ina ni Thunder.

"You to mom." Balik na sagot ko sa kanya habang naka ngiti.

"Nambola ka pa talagang bata ka." Sagot ng ginang at tinapik ng mahina ang aking braso. "Wala pa bang laman ito?" Sunod nito na tanong at hindi naman maiwasan ang pamumula ng aking pisngi sa naging tanong niya at itinuro ang bandang puson ko.

"Soon mom wag kang magmadali. Isang araw mababalitaan mo na lamang na magkaka apo na kayo." Kulang na lang ay takasan na ako ng loob sa naging sagot ni Thunder sa kanyang ina.

Kung makapagsalita siya akala mo naman pati hibla ng buhok ko nahahawakan niya. Pwede na siyang maging actor dahil sa galing niya mag acting sa harap ng kanyang mga magulang. Dahil pati sila ay napapaniwala nito pero sabagay lahat naman ng nakakakita sa amin mula sa labas ng aming bahay they think that were perfect couple. Ganun naman sadya talaga iisipin ng iba na masaya at maayos kami na nagsasama pero doon sila nagkakamali.

Sa loob ng dalawang taon simula ng makilala ko si Thunder hindi ko man lang naramdaman ang pagmamahal na gusto kong maramdaman mula sa kanya.

Pero hindi ko naman kailangan mag assume na magugustuhan niya ako. Dahil kahit saang banda tanungin may kasalanan din naman ako sa kanya at yun ay ang pagpapanggap na ako si Rainy.

Ito na rin siguro yung karma na tinatawag nila. Hindi naman kasi dapat na mag assume pa ako na magugustuhan niya, hindi naman kasi ako ang tunay na asawa at simula pa lang wala dapat ako sa kinakatayuan ko ngayon, ako lang ang nakikinabang nang isang sagana at magandang buhay.

'Ano ba ang dahilan? Bakit mas pinili ni Rainy ang umalis sa puder ni Thunder gayong kaya naman niyang matamasa lahat yaman at karangyaan na hindi niya kayang makuha sa iba.'

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status