Share

2: ASAWA KO NGA BA?

Nagising ako dahil sa ingay na narinig. Iminulat ko ang aking mga mata at hubad na likod ang aking unang nakita.

"I'm sorry, did I wake you up?" Nagkusot ako ng aking mga mata sa narinig at mabilis na umiling bilang sagot.

Ngayon ay nakasuot na siya ng sando at malamlam ang mga mata na nakatingin sa akin. Nilingon ko pa ng bahagya ang orasan na medyo nahaharangan niya at alas dyes na ng gabi.

"Kararating mo lang?" Agap ko na tanong ngunit ang malamlam niyang mga mata ngayo'y naging malamig na ulit kung makatingin. Tumalikod siya sa akin at hindi umimik. "K-kumain kana ba?" Pagkuway tanong ko pa.

Nagbabaka sakali na may makukuha na sagot mula sa kanya ngunit wala. Hanggang sa tuluyan siyang makalabas ng pintuan ng hindi man lang ako nililingon.

Napabuntong hininga ako at nahigang muli.

Kung ayaw niya akong kausapin pwede naman niya sabihin para alam ko ang gagawin ko. Pero ewan, parang kanina lang pagkamulat ng aking mata ang lamlam niya makatingin tapos bigla na lang magbabago.

Moody? Baka nireregla din siya?

Dahil sa kakaisip ng kung anu-ano ay hindi ko na magawa ang makatulog pa. Bumalikwas ako ng tayo at bumaba ng hagdan upang kumuha ng tubig.

Naabutan ko naman si Thunder na nakaupo at nakatalikod sa gawi ko. Mayroon kasing mini-bar dito sa kusina at lahat ng mamahalin na alak ay nandito na yata.

Diri diretso lamang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa tapat ng ref kumuha ako ng isang basong tubig at iniinom iyon. Pinag sa walang bahala ko ang bawat titig na nakukuha ko mula kay Thunder.

Alam ko naman kasi na ayaw niya akong kausapin kaya bakit ko pa nga ba siya kakausapin diba?

"Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong niya sa akin tiningnan ko lang siya sa kanyang mga mata bago sya nilagpasan.

"Hindi mo ba ako narinig?" May himig ng pagkainis na tanong niya sakin.

Tumigil ako sa paglalakad at ini isang lingon ko siya. "Kailangan ko bang sagutin ang tanong mo?" tanong ko na may panunuya sa kanya at binigyan niya naman ako ng isang nakakapanindig balahibo na titig kaya mabilis akong tumalikod bago nagmamadala na umakyat muli sa hagdan bago mabilis na nahiga sa kama.

May mali ba akong nasabi? Napiling nalang ako at nag talukbong ng kumot bago pinilit ang sarili na makatulog.

Hindi naman kasi pwede na sya lamang palagi ang magiging masungit sa akin siempre maalam din naman ako maging mataray at hindi sya pansinin, pero kaya ko nga ba na hindi sya pansinin?

Ilang minuto pa ang lumipas at naka rinig ako ng pag bukas ng pintuan pilit ako na pumikit ng mariin at hindi iniinda ang paglundo ng kama, tanda na si Thunder ay nahiga na sa aking tabi.

"I know that you're still awake." Basag niya sa katahimikan. "We were going to palawan tomorrow nandun din sila mommy at daddy, gusto kanilang makita." Dugtong pa nya.

Inalis ko ang pagkaka talukbong ng kumot sa aking mukha, bahagyang sinilip ng aking mga mata si Thunder na ngayon ay nakatingin lamang sa kisame na tila may malalim na iniisip.

"Bukas na agad?" Mahina ko na tanong sapat lang upang marinig niya at isang tango lang naman ang naging sagot niya.

Umayos ako ng pagkakahiga at tumalikod sa kanyang gawi. Hindi na ako nag abala na magsalita pa o magtanong ng kahit na ano sa kanya. Pilit ko na ipinikit ang aking mga mata at hindi ko naman inasahan na maramdaman ang isang mainit na palad na syang humahaplos sa aking tiyan at hindi maiwasan ang mapasinghap ng higitin niya ako palapit sa kanya.

Mabilis namang nangisay ang kulisap na naglalagi sa aking dibdib at parang may kung anong daga ang gustong kumawala doon.

"T-thunder." Nausal ko sa hindi malaman na dahilan. Nakakailang at hindi ako sanay.

Ano na namang palabas ito? Lasing ba siya? Tama. May inom siya kaya niya ito ginawa.

Ayokong umasa.

"Hmm." Himig na sagot niya.

"M-mabanas." Pagdadahilan ko at hinawakan ang kamay na siyang nakapatong sa aking tiyan at marahan na iniangat.

Halos mahigit ko ang aking hininga ng tabigin niya ang kamay ko at mas hinigit pa ako palapit sa kanya at niyakap ng may katamtamang higpit.

"Sinungaling." Sagot niya sa akin at isinubsob pa ang mukha sa aking leeg at pinaulanan ng ilang magagaan na halik.

Gusto kong matawa dahil sa nararamdaman na kiliti ngunit pinigilan ko ang aking sarili upang hindi ipahalata na naapektuhan ako sa bawat small gesture na ginagawa niya.

Small na ba?

Nagising ako dahil sa tunog na aking narinig mula sa cellphone na nakapatong lamang sa sidetable dito sa loob ng aming kwarto. Nagkusot ako ng aking mga mata at kinapa ang cellphone at ng mahawakan ko ito ay agad kung sinagot ang tawag.

"Hello?" Bungad na sagot ko.

"It's already 8 in the morning, get up and get dress. Tatlong araw tayo sa Palawan at pang tatlong araw lang din na mga gamit ang dadalahin mo." Mahabang sabi ng nasa kabilang linya at agad ding namatay ang tawag.

Pabagsak ko na inilagay ang cellphone sa kama at muling nag talukbong ng kumot bago ipinikit ang mga mata dahil sa antok na nararamdaman, hindi ko na namalayan na nakaidlip akong muli.

"Tulog pa rin siya hijo, may problema ba?" Napabalikwas ako ng tayo ng marinig ang boses ni Aling Nena.

Napahawak pa ako sa aking noo ng makaramdam ng pagkaliyo dahil sa biglaang pagtayo.

"Nothing, she's not answering her phone." Rinig ko naman na boses ni Thunder.

Napa kurap ako ng ilang beses ng mag bukas ang pintuan at iluwa noon si Thunder na nakakunot ang mukha at may masamang tingin na pinupukol sa akin.

"Don't say a word. Make it fast Rainy, baka mamissed natin ang flight." Napakagat ako sa aking labi dahil sa kanyang sinabi.

Hindi na ako nag abala na makipag bangayan sa kanya o sumagot dahil alam ko naman na may mali ako kaya mabilis akong tumayo sa kama at pumasok sa banyo upang gawin ang aking routine.

Alam ko rin na nagpipigil lamang si Thunder ng kanyang galit at inis sa akin dahil sa paghihintay kaya ang aking ginawa nalang ay mas binilisan pa ang pagkilos upang hindi na madagdagan ang kanyang galit o inis na nararamdaman sa akin.

Hindi na rin ako nag abala na tiklupin pa ng maayos ang aming mga damit at basta na lamang ito isinuksok sa maleta. Hindi na rin ako nag abala na magsuklay o mag pulbo man lang basta ang ginawa ko nalang ay nilagay ang dapat ilagay sa maleta at ang aking iba pang gamit na alam kung aking magagamit sa pupuntahan namin.

"Let's go." Nakangiti ko na sambit.

Tiningnan naman ako ni Thunder mula ulo hanggang paa at parang hindi maipinta ang kanyang mukha dahil hindi siya makapaniwala sa akin itsura. Nakasuot lang naman kasi ako ng simpleng panjama at white t-shirt, hindi na ako nag abala na mag maganda pa dahil sasakay lang din naman kami sa sasakyan at eroplano tapos pagdating doon ay magpapahinga din.

Pero hindi pa naman ako sigurado kung ganun talaga ang mangyayari siguro sadyang advance lamang mag isip ang aking utak.

"Nay Nena, may suklay ba tayo?" Na pataas naman ang aking kilay sa naging tanong ni Thunder sa matanda.

"Ay, oo naman hijo. Madami dyan sa kabinet sa harap ng malaking salamin." Sagot ng matanda kay Thunder.

Sinundan ko naman ng tingin si Thunder habang naglalakad papunta sa malawak na salamin at hinila ang isa sa mga drawer ng kabinet doon bago kinuha ang suklay.

"Baka sabihin nila na pinapabayaan ka dito kaya ganyan ang itsura mo." Nahiya naman ako sa kanyang sinabi.

Bahagya pa akong napaigtad ng hawakan niya ang aking buhok at agad na sinuklay.

"I will give you five minutes to change your clothes." Mabilis akong tumakbo dahil sa narinig hindi na ako nag aksaya ng segundo at mabilis na umakyat sa aming kwarto upang maghanap ng desente at maayos na damit kahit na pakiramdam ko ay may ilang hibla ng buhok ang nadala dahil nga sa hawak ito ni Thunder upang suklayan.

Ano ba kasi ito ng nasa isip ko? Hindi man lang ako nakapag isip ng maayos at basta na lamang nagsuot ng simpleng damit kahit alam ko naman na yayamanin ang aking asawa, nakakahiya tuloy!!

Ilang segundo akong napatigil at napaisip.

Pero asawa ko nga ba?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status