Share

1: FAKE WIFE

Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang nilalanghap ko ang sariwang hangin.

Hindi ko na rin inalintana ang buhok ko na siyang pinapayid nang malakas na hangin at ang iilan na siyang tumatabing sa aking mukha.

'Ang sarap lang sa pakiramdam nang ganito.'

"Rainy." Tawag sa akin, ngunit hindi na ako nag-abala na lumingon.

'Nasaan ka na ba kasi?' Hindi ko mapigilan na itanong sa aking isip.

'Hanggang kailan ba ako magpapanggap?' Tanong ko pang muli, ngunit ako lang din naman ang makakasagot kahit magtanong ako nang paulit-ulit.

Kung pinanindigan ko lang sana ang totoo baka iba ang takbo nang aking buhay ngayon. Tahimik at hindi namumroblema sa kahit na anong bagay. Walang iniisip na kahit ano.

"Pagod kana ba hija?" Muling tanong sa akin nang matanda, si Aling Nena. Isa sa mga kasamabahay sa Hacienda ni Thunder na bukod tanging pinagkakatiwalaan niya sa lahat.

"Hindi pa po, pero may kailangan pa po bang pitasin?" Tanong ko at nilingon siya ng bahagya."Gusto ko po kasi mamitas nang strawberry." Nakangiti pa na ani ko sa matanda.

Nginitian ako ni Aling Nena bago mahina na tumawa.

"Sa isang linggo pa tayo pwedeng mamitas noon hija." Sagot niya sa akin.

Napasibangot ako sa narinig ngunit ngumiti pa rin ako sa matanda.

"Kung ganon po, ay tutulungan ko na lang kayo dito." Sagot ko at mabilis na binuhat ang hindi kabigatan na basket na naglalaman nang ilang prutas na siyang napamitas namin.

Habang papalapit kami sa mansyon ay natanaw naman namin ang isa sa magara na sasakyan ni Thunder.

Nakakatiyak rin ako na si Thunder ang lulan nang sasakyan at hindi nga ako nagkamali nang bumaba ito mula doon. Tindig pa lang ay nakakakilabot na, kasunod naman ng kanyang sasakyan ang isa pa na kakaparada lang kasunod ng pagbaba nang ilan sa kanyang mga tauhan na armado at daig pang hindi pwedeng kausapin.

Tiningnan ako nito nang wala man lang kaemo-emosyon ang mukha, kaya mabilis akong nag iwas nang tingin kay Thunder.

Magmumukhang feeling close ba ako

kung "asawa" ang aking itatawag sa kanya?

Naiiling na lang ako sa aking naisip.

Naramdaman ko ang papalapit na yabag ni Thunder kaya muli akong tumunghay at hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa.

Isang magaan na halik ang lumapat sa gilid nang aking labi na siyang aking ikinatigil.

Nilingon ko si Aling Nena na may nakakalokong ngiti ngayon sa akin.

'Bakit nga ba siya humantong sa ganito?'

"Hijo, andyan kana pala. Halika at ipaghahanda ko kayo nang umagahan. Sakto kasi na kakatapos lamang namin mamitas nang mga prutas. Halika at sabay na kayo mag agahan nang iyong asawa." Mahaba na sabi nang matanda kay Thunder.

Napayuko naman ako nang bahagya at iniwasan ang bawat titig ni Thunder. Sumunod ako kay Aling Nena papasok sa loob nang mansyon at ipinatong ang bitbit na basket na siyang naglalaman nang ilang uri nang prutas na aming pinitas kanina sa malawak na hardin.

"Aling Nena, sumabay na po kayo sa amin." Pagyayaya ko sa matanda.

"Naku hija, busog pa ako. Kayo na lang muna ang kumain." Sagot niya sa akin.

Lihim naman akong napangiwi dahil sa pagkailang na nararamdaman.

Naiilang naman ako sa presensya nang aking asawa na nasa aking harapan habang sumasandok nang pagkain. Nilingon ko si Thunder nang ibigay niya sa akin ang plato kung saan andoon ang mga sinandok nitong pagkain.

"Eat." Simple na utos niya sa akin na mas lalo kong ikinailang. Para tuloy sinisilihan ang aking puwet dahil sa nangyayari.

Marahan ko naman na kinuha ang kubyertos na nasa gilid lang nang aking plato at maingat na kumilos.

"How's your day? Kamusta ang iyong naging araw habang wala ako?" He asked me.

Tumikhim naman ako bago nagsalita.  "Maayos naman, masaya, pero nakakabagot." Tapat ko na sagot at nakita ko pa ang bahagyang pagtango nito.

"Saan mo gustong magbakasyon?" Napatulala ako sa kanyang naging tanong.

Hindi agad ako nakasagot dahil sa kanyang biglaang tanong. 'For real?' Si Thunder ba talaga itong kaharap ko?

Kung kanina kasi pagkarating niya ay ginawaran niya ako nang halik sa harap nang mga trabahador dito sa Hacienda, ngayon naman ay ang sabay kaming kumain na ngayon lang nangyari sa loob ng dalawang taon na maikasal kami.

Oo nagpakasal kami na isa sa ipinagkataka ko, ang buong akala ko talaga ay naikasal na sila ni Rainy pero hindi ko akalain na uulitin muli ang kasal.

Ewan ang gulo.

"Rainy." Nabalik ako sa katinuan nang marinig ang pangalan na hindi naman talaga sa akin.

Na hindi ko naman pag mamay-ari.

"A-ah, ikaw na ang bahala. Ayos lang sa akin kahit saan." Sagot ko bago nagsimula nang kumain at hindi na nag abala na lingunin si Thunder dahil sa nakakakilabot na tingin na ibinabato niya sa akin.

Hindi ko rin maintindihan ang aking sarili kung

bakit halos gustong magwala ng aking kaluluwa

kapag malapit sa akin ang aking asawa.

Parang anytime ay pwede akong mabuko

na hindi talaga ako ang totoo na Rainy.

Sa loob nang dalawang taon, hindi ko na rin namamalayan kung bakit nga ba ako nagtitiis sa puder ni Thunder.

"Okay, then." He simply answered.

Pagkatapos nang aming pag uusap na yun ay mabilis na natapos si Thunder na kumain kesa sa akin. Sinundan ko pa ang papalayo na bulto ni Thunder paakyat sa may hagdan na natitiyak ko na papunta sa siya sa aming kwarto.

"Ako na ang bahala diyan hija. Sundan mo na ang asawa mo, tiyak na napagod yun sa kanyang trabaho." Nakangiti na sabi sa akin ni Aling Nena.

Imbis na mapangiti ako ay nauwi sa ngiwi ang nangyari, sa totoo lang kasi ay hindi kami masyadong nag uusap ni Thunder at kanina lang talaga ang pinakamahaba na nagkausap silang dalawa.

Walang naman akong nagawa kundi ang umakyat sa taas. Napansin ko pa na nakaawang ang pintuan nang aming kwarto at narinig ang boses ni Thunder.

"Yes. Of course Christine." Rinig ko mula sa loob.

Hindi ko naman maintindihan ang biglaang pagsikdo at pagsikip nang aking dibdib nang marinig ang pamilyar na pangalan.

Pangalan ng isang babae.  Babae na hindi ko gustong marinig ang pangalan kahit kailan.

'Sinasaktan mo na naman ang sarili mo Summer.' bulong ko sa kawalan at sumandal sa may gilid. Hinawakan ko ang parte ng aking dibdib at dinama ang malakas at nagwawala na tibok ng aking puso.

'Maling-mali na talaga ito.'

"What are you doing?" Napaayos ako ng tayo ng marinig ang baritono niyang tinig.

Nanlamig agad ang aking mga kamay at naging balisa, nagiisip nang maisasagot.

"A-ah, ano kasi. Hindi muna ako pumasok k-kasi pakinig ko na may kausap ka pa." Pagdadahilan ko at irap lamang ang natamo ko mula sa kanya.

Nakahinga ako ng maluwag nang lagpasan niya ako.  "P-paalis ka?" Hindi ko naman mapigilan na tanong habang pababa siya ng hagdan.

Nilingon niya ako ngunit muli siyang tumalikod at naglakad papalayo ng wala man lang binibitawan na salita.

Wala akong magagawa dahil siya din naman ang masusunod at hindi ako.

Napagpasyahan ko na lang ang pumasok sa loob ng kwarto at nilanghap ang amoy na naiwan ni Thunder sa kabuuan ng kwarto. Kung may makakakita man sa akin iisipin nila na nababaliw na ako pero kung si Thunder ang makakakita baka ang isipin niya ay manyakis ako.

Pero masisisi niyo ba ako? Tao lang, naghahanap din ng kalinga niya. Kaso deserve ko ba yun?

Sa tingin ko hindi, dahil hanggang ngayon ay pinapaniwala ko ang lahat ng tao na nakapaligid sa akin na ako si Rainy.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status