All Chapters of Liars Go To Bed: Chapter 11 - Chapter 20
39 Chapters
Chapter 10
Lola's POVI didn't quite like my memories when I was still at the orphanage. Sa tuwing naaalala ko ang lugar na iyon o kahit ang mga alaala na naroon, pakiramdam ko ay hindi ako nababagay sa mundo na pinaghirapan kong buuin sa mahabang panahon ngayon.Pero sa lahat ng mga alaala na iyon, ang kay Kuya Jaja lang ang hindi ko makakalimutan.He was my savior whenever there are kids who'd want to bully me. Sa kanya ko natutuhan na lumaban. Sa kanya ko natutuhan ang ngumiti kahit na maraming dahilan para umiyak at masaktan. Natutuhan ko ang lumaban at hindi hayaan ang iba na saktan ako o alipustahin.I realized it just now. Kaya pala hindi ako lumalaban noon kay Mama ay dahil sa iyon ang itinuro niya sa akin. Na wala akong karapatan na magreklamo dahil isa akong tao na hindi inaasahan at pagsasayangan niya ng kanyang buhay. Para sa kay Mama, hindi ako importante. Isa akong latak ng kahapon na pilit nagbabalik sa kanya sa masalimuot na nakaraan. Sa buon
Read more
Chapter 11
Lola's POVI hated men for provoking me into something that I didn't like to do. What I said about JD was very uncalled for. Hindi ko sinasadya na gantihan siya kaagad. I'm best at recoiling after being left damaged by someone. For me, JD's words really sting. Nakakamatay. Sa tanang buhay ko, hindi pa ako nakatikim ng insulto mula sa mga lalaki na nakarelasyon or nakatrabaho ko. Hindi ko kailanman naranasan ang ipahiya sa harap ng publiko na ganito kalala.At some point, natatakot ako sa kung anong gawin ng mga fan niya sa akin. I already read some of the comments earlier. Ang bilis pa sa alas kwatro na kumalat sa social media ang video namin sa pool habang binabasted ako ni JD."Ang kapal naman ng babaeng 'yan na saktan si Gaia!""What? Sinabunutan niya si Gaia sa ilalim ng pool?""How dare she shame my BB JD in public? Ang kapal! 'Kala mo kung sinong maganda. Kinginuh!""Sana nilunod ka na lang ni Gaia! Bitch!""Such a
Read more
Chapter 12
Lola's POVTita Jet, my manager, couldn't stop shaking her head nang bumisita ako sa kanya na may dalang delubyo na balita. Well, alam naman na niya ang headline. Ilang beses na rin niya akong tinawagan noong araw na iyon pero hindi ko masagot dahil sa dami ng iniyak ko kanina. Idagdag pa ang pagiging paasa ni JD! Akala ko pa naman totoo 'yung kiss niya. Bwisit! I hate to admit na apektado pa rin ako hanggang ngayon. Hindi mawala-wala sa sistema ko ang ginawa niya."Balak mo ba talaga akong patayin nang maaga, ha bruha ka?!" asik sa akin ni Tita Jet. Nasa loob kami ng opisina niya sa kanyang bahay.Ako naman ay nakaupo lang sa isahang sofa at nakapanghalukipkip. I just rolled my eyes and looked away. Here goes this drama again..."Ilang beses ko bang sinabi sa'yo na layuan mo na siya dahil sa ginawa mong pang-eeskandalo sa birthday party niya?" pagpapatuloy niya. "I knew this would happen at heto na at nagkakatotoo na ang sinasabi ng mga netizens na mag-aaway talaga kayo ni Gaia! Ilan
Read more
Chapter 13
Lola's POV"H-ha?" iyon lang talaga ang kaya kong sabihin pagkatapos kong marinig ang mga sinabi ni JD mula sa kabilang linya. Sa totoo lang, hindi pa nagpoproseso sa utak ko ang mga sinabi niya. Wala rin sa loob na napabangon ako mula sa aking pagkakalublob sa tub matapos kong marinig ang mga sinabi niya. Nagririgodon na naman itong puso ko."Where are you?" bigla ay pag-iiba niya ng usapan.Napalunok ako ng laway at napahawak sa dibdib. "N-nasa bahay. Bakit mo natanong?""Liar. Wala ka rito sa condo mo. Nasaan ka?" mabilis na sagot nito na ikinalaglag ng panga ko."A-ano? Teka, paano mo nalaman? N-nasa condo ka ba ngayon?" Teka saglit. Paano niya natunton ang address ko? Wala naman akong natatandaan na may binigay akong address sa kanya. Come to think of it, hinatid niya ako dati sa tapat ng condominium building pero dahil sa preoccupied ang isip ko ay hindi ko na iyon tinanong pa. Bakit parang ang bilis naman yata ng lahat ng pangyayari? Bakit biglang nagkakaganito ang kumag na 'to
Read more
Chapter 14
Lola's POVCall me crazy but I am desperately wanting the whole ground to swallow me at this very moment. Ang mga salita na narinig ko mula sa bibig ni JD ang lalong nagpapalala ng kaba ko sa dibdib. Nagkakamali lang ba ako ng pandinig? Talaga bang sinabi niya iyon sa akin?He's inviting me either to kiss or love him!I saw how his eyebrows arched at me, waiting for my reply. "Ano na, Lola Lee? Tatahimik ka na lang ba? O gusto mo na ako na lang ang unang gagawa no'n para sa'yo?" he asked further in an inviting low tone, brushing his breath against my chin and cheeks. Nakakaliyo ang amoy niya; minty aftershave and a sweet candy that reminds me of raspberries. Kaunti na lang ay masusuway ko na kaagad ang kontrata namin. Shuta naman! Bakit kailangang lumandi ka at ngayon pa, JD?!Pero alin nga ba ang susuwayin ko? Teka, binibigyan niya ba ako ng free pass para pagbigyan ang karupukan ko? Or is this one of his traps?I shook my head internally. No. 'Wag kang bibigay, Lola. Hindi ito ang p
Read more
Chapter 15
Lola's POVMarahas akong napabangon mula sa aking higaan at muli na namang nagpapadyak habang nagmamaktol na parang bata.3 AM na pero hindi pa rin ako makatulog. Punyeta! Ano bang ginawa mo sa akin, JD?!11 PM na ako nakauwi kagabi dahil hirap na hirap kaming ilagan lahat ng mga fan niya. At dahil siya naman ang may kasalanan kung bakit ako na-stuck sa lugar na iyon, pinilit ko siya na ihatid ako sa bahay nila Mommy at Daddy. Wala na akong pakialam pagkatapos niyon. Gusto ko lang kasi talagang makawala mula sa kanya.I scoffed when I recalled the things he said to me. "Ang kapal ng mukha niya na halikan ako kahit na nakapirma rin siya sa contract. Ano bang akala niya sa akin, super rupok na magpapahalik lang sa kanya?" Pinalo-palo ko pa ang sarili ko nang maalala ko iyon. "Ang landi mo rin kasing babae ka, e! Bakit hindi ka kasi umilag kagabi?!" I frustratedly scolded myself. Pinukpok ko pa ang ulo ko sa sobrang inis.*****Kinabukasan, another set of taping na naman ang gagawin nami
Read more
Chapter 16
Lola's POVThe next day, the doorbell rang at my unit. And yes, literal na gusto kong magsisi na pinagbuksan ko ang taong iyon.Ang nakakalokong ngiti ni JD kaagad ang nabungaran ko. Nakasuot siya ng cotton black shirt at pants habang nakapamulsa na natingin sa akin. He also wears dark sunglasses and a mask. Sa wakas naman at nag-disguise!"J-JD? Anong ginagawa mo rito?" naalarmang tanong ko. Palinga-linga naman ako sa labas at sinipat kung may mga tao na makakapansin sa kanya. Para sa akin ay obvious pa rin ang disguise ni JD at isang tingin ko pa lang ay halata ko nang siya ang nasa harapan ko. How could he be so dumb? Bumaling ako sa kanya at walang kaabog-abog na hinila siya papasok ng unit ko.I slammed the door behind him and I turned to him afterward. Nakapamaywang pa ako sa kanya."Bakit ka nagpunta rito nang hindi man lang ako sinasabihan?!" asik ko sa kanya. "Akala ko ba nakasaad 'to sa terms natin sa kontrata? Walang sinuman sa ating dalawa ang gagawa ng hakbang nang hindi k
Read more
Chapter 17
Lola's POVNakahalukipkip ako at nakaiwas ng tingin kay Gaia. We are inside a restaurant. Niyaya niya kasi ako na makipag-usap. Kahit na hanggang ngayon ay nakakainis pa rin siya sa buhay ko, pinagbigyan ko siya. Nakaismid ako.I heard her sigh before she looked at me with her serious face. "I'll just cut to the chase..." pag-uumpisa niya. "Iwasan mo na si JD. You're staining his reputation already. 'Di mo ba alam na ilang taon niyang iningatan ang career niya kahit na maraming issues ang lumalabas? You even had the nerve na ipahiya siya. Wala ka ba talagang ibang makapitan na sikat? Masyado kang social climber!"I rolled my eyes. "Ano bang pinag-ugatan nito? Kung hindi ka gumawa-gawa ng eksena sa pool, hindi naman magkakaganito, 'di ba? So, basically, ikaw ang may kasalanan niyan!" sagot ko naman. "Ako? Social climber? Paano kung gano'n nga ako? Ano namang pruweba mo? Alam mo ba magkano ang networth ko? Sure ka na gano'n talaga akong tao?" Napatawa ako. "Check your facts, Gaia. Hindi
Read more
Chapter 18
Lola's POV"Hindi ka ba natu-turn off sa anak ko, Lola?" Tito Ronald suddenly asked.Narito pa rin kami sa restaurant kung saan kami nag-dinner ni JD kasama ang papa niya. Hanggang ngayon ay natatakot pa rin ako. Kahit na ang kanyang ama ay isang LGBTQ+ member, hindi ko magawang mag-relax. Nakakakaba ang bawat sandali. Gusto ko na lang na lamunin ako ng lupa para matapos na ang kahibangan na ito pero tila nananadya ang oras at mas lalong binabagalan ang pag-andar nito.Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang harapan. "P-po?""He dated a lot of women. May isa pa ngang nadala sa ospital dahil sa vhajayna lock! This man is fooling around 24/7. Halos mabingi na ako sa kaliwa't kanan na sumbong sa akin ng assistant ko—""Dad!" JD butted in. He seemed too embarrassed in front of his dad. This is the first time I saw a James Dean Ferrer too embarrassed in flesh. Lagi niyang ipinapakita sa akin ang masungit at confident niyang mukha kapag kaming dalawa na lang. O 'di naman kaya ay ngingitian niya
Read more
Chapter 19
Lola's POVIsa na namang madugong araw dahil araw na ng taping. I really wanted to go to work. Sa totoo lang, mas gusto ko pang maging abala sa pagtatrabaho kaysa ang atupagin ang pinagagawa sa akin ni JD.Chariz!Nagpapakipot lang ako pero ang totoo, grabe ang kilig ko. Para akong sinilihan sa pwet no'ng makita ko ang text message niya sa akin kagabi. Literal na pagulong-gulong ako sa kama no'n. Kahit sobrang sakit na ng panga ko sa kangingiti sa harap ng papa niya sa restaurant ay hindi ko mapigilan ang mapangiti. Sino ba naman ang hindi kikiligin?By the way, I didn't get to say this earlier but you look so beautiful tonight.Shuta! Kahit sinong babae, masisilihan ang pwet sa sobrang saya kapag may nabasang ganyan. Hay nako! Alam na alam talaga ni JD ang kahinaan ko. Nyeta! Bakit ba ang rupok ko lately?I just shook my head. Pilit kong tinatanggal sa isipan ko ang naturang bagay.Stop it, Lola. Hindi ka pwedeng masanay na kiligin dahil lang sa simpleng text message. Kahit ano pa an
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status