Lahat ng Kabanata ng Dealing With The Arrogant CEO: Kabanata 41 - Kabanata 50
64 Kabanata
Chapter 41
BUSY sa office work si Stefan at hindi ito nagpapa-distract kahit anong daldal ni Cassandra. Kinakausap niya ito tungkol kina Sasha at Donie pero wala man lang ni isang komento. Magkatabi lang ang table nila at may isang dipa ang pagitan ngunit tila hindi nito nararamdaman ang kaniyang presensiya. “Nagugutom na ako. Puwede na ba ako magpabili ng lunch?” mamaya ay sabi niya. Nakatutok pa rin ito sa monitor ng laptop. “Bahala ka,” anito. Hindi man lang siya nito sinipat. Tinawagan na lamang niya ang driver ni Stefan at pinapunta roon sa opisina. Mabilis naman itong nakarating. Kulang ang perang dala niya kaya kinalabit niya sa braso si Stefan. “Baka may cash ka r’yan,” aniya. “Tingnan mo sa wallet ko.” Ayaw nitong magpaabala. Tumayo siya at binukatkat ang bag nito na nasa bakanteng silya katabi ng divider. Naroon ang wallet nito at maswerte siyang nakakuha ng dalawang libo. Kaagad niya itong binigay sa driver kasabay ng listahan ng pagkain na bibilhin nito. Hawak pa niya ang walle
Magbasa pa
Chapter 42
MALINAW na sa pandinig ni Cassandra ang mga tinig ng dalawang lalaking kasama niya. Namulatan ng mga mata niya si Stefan na siyang may kalong sa kaniya. Akala niya’y nagkamali lang siya ng naisip na naroon si Tobi, talaga ngang naroon ito. Nang bumuti ang kaniyang pakiramdam ay tumayo siya. Nakaalalay pa rin sa kaniya si Stefan, na hindi niya alam kung paano nakarating doon. Hinarap niya si Tobi at hindi rin makapaniwalang naroon ito. “Salamat, Doc. Kung wala ka, baka dito na ako malagutan ng hininga,” sabi niya. Tipid itong ngumiti. “No worries. Maybe there is a reason why I came here. My fashion designer friend invited me to the fashion event, so I dropped by here until I saw you,” anito. “Utang ko po sa ‘yo ang buhay ko. Salamat talaga.” “Just take care next time.” Nabaling ang tingin nito kay Stefan. “Is he your husband?” pagkuwan ay tanong nito. “Ah, yes. Si Stefan. Busy kasi siya kanina at hindi ko malapitan sa dami ng tao,” aniya. Nabaling ang atensiyon ni Tobi kay Stefa
Magbasa pa
Chapter 43
BAGO umalis ng bahay ay tiniyak ni Cassandra na nasa kondisyon ang kaniyang katawan. Mahirap na baka atakehin na naman siya sa lakad nila ni Stefan. Sa isang five star hotel at casino sila pumunta sa may Pasay City. Bago sumabak sa laro, nag-lunch muna sila. Iyon ang unang pagkakataon na makapanood siya ng laro sa casino. Mga bilyonaryong businessman ang makakalaro ni Stefan, at malamang ay ito ang pinakabata. Ang may-ari pala ng hotel na iyon ay ang matandang Korean national na investor ni Stefan. Dati rin umanong kalaro nito si Lola Isabela, kaso tumigil na ang ginang. “Bilisan mong kumain baka hinihintay na tayo,” ani Stefan. Nauna na itong natapos kumain. “Marunong ka bang maglaro?” aniya. “Oo naman. Ilang beses na rin akong nanalo noon. Matatanda pa ‘yong kalaban ko pero taob lahat,” pagyayabang nito. “Sugarol ka pala, eh. Libre mo pala ako once nanalo ka.” Humirit pa siya sabay ngisi. “Naglalaro lang ako kung may magyayaya at basta may benefits akong nakukuha para sa negos
Magbasa pa
Chapter 44
DAHIL sa malaking halagang napanalunan ni Stefan sa laro, may pagkakataon silang gumala sa kung saan nila gusto. Nagbukas si Cassandra ng bagong bank account at doon naideposito ni Stefan ang pangakong tatlong milyon, para lang sa property. Iba pa iyong sinabi nito na isang milyon once divorce na sila. Hindi na niya nagagalaw ang kaniyang suweldo dahil monthly allowance pa lang ay sobra na. Libre naman lahat ng kailangan niya sa araw-araw. Mahigit isang daang libo na ang naipon niya sa lumang account. Dahil sa pag-extra niya noon sa fruit store nila Stefan sa New York, binigyan siya ni Aunt Celina ng two thousand dollars. Naibangko rin niya iyon. Sulit na sulit na ang benefits niya sa deal nila in Stefan. Hindi na siya talo kahit hindi sila umabot ng isang taon. Pero patuloy pa rin ang protesta ng kaniyang puso, inuusig siya at iginigiit na hindi sapat ang karangyaang natatamasa niya upang maging maligaya. Iba ang gusto ng puso niya, pagmamahal. Martes ng umaga sila umalis papuntan
Magbasa pa
Chapter 45
HINDI sapat ang isang araw upang matapos ni Stefan ang paperwork. Nalipasan na siya ng lunch kaya isinabay niya ito habang nagtatrabaho. But later on, he felt guilt after refusing Cassandra’s effort to give him some food or feed him while working. Hindi na bumalik si Cassandra at nalibang na sa opisina ng lola niya. At habang nagpapahinga, natanto niya na iisa lang si Cassandra. Grabe rin ang pag-alala nito noong nasa Baguio sila at sinipon siya, nagka-LBM dahil sa peanut butter. Halos walang tulog si Cassandra matiyak lang na okay siya. Maaring may iba pang caring na babaeng katulad nito pero hindi as in katulad. Janica once showed her care before when he got the flu. Inalagaan siya nito sa apartment niya, pero ramdam niya na pahapyaw dahil matimbang pa rin ang trabaho nito. It’s a different situation with Cassandra, maybe because of the job nature. Cassandra was always there by his side, while Janica has multiple careers as a freelance model and endorser. So, Janica’s time was co
Magbasa pa
Chapter 46
NAKAIDLIP si Cassandra sa sofa sa may study room. Alas diyes na ng gabi pero wala pa rin si Stefan. Mabuti nag-text ito at sinabing sa condo matutulog. Lumipat na lamang siya sa kuwarto kaso hirap na siyang makatulog. Hindi maalis ang pag-aalala niya kay Stefan. Alam niyang pagod na ito kaya hindi na nakayanang mag-drive pauwi. Mayamaya ang bangon niya dahil naiihi, hanggang sa nalipasan na siya ng antok. Mag-uumaga na’y dilat pa ang kaniyang mga mata. Kahit late nang nakatulog, maaga pa ring nagising si Cassandra. Nanghihina siya at panaka-nakang nahihilo. Paglabas niya ng kuwarto ay sumalubong si Lola Isabela. “Hindi ba umuwi si Stefan?” balisang tanong nito. “Hindi po, Lola. Sa condo raw siya natulog,” walang sigla niyang tugon. Bumaba na sila at dumiretso sa kusina. Wala rin siyang ganang kumain at tinapay lang ang nilantakan. “Nako, kawawa naman ang apo ko. Napagod malamang ‘yon. Puntahan mo na lang siya mamaya at magdala ka ng food,” anang ginang. “Sige po. Maliligo lang
Magbasa pa
Chapter 47
HINDI umuwi ng bahay si Stefan kaya mag-isang naghapunan si Cassandra. Late na ring umuwi si Lola Isabela at hindi na sila nakapag-usap dahil kaagad siyang nagkulong sa kuwarto. Hindi rin naman siya nakatulog dahil sa kung anu-anong pumapasok sa kaniyang isipan. Pinakialaman niya ang gitara ni Stefan at tumugtog kahit wala sa tono. Hindi na siya komportable sa nangyayari. Kung magtatagal pa siya sa sitwasyong iyon baka lamunin na siya ng stress. Kailangan niyang magdesisyon. Humiga siya sa kama at nagbabad sa cellphone. May chat sa kaniya si Janica, humingi ng paumanhin. Hindi na sana niya ito papansinin pero nagpadala ito ng picture sa kaniya. Picture nito at ni Stefan na magkatabi sa kama. Hubad-baro si Stefan at underwear lang ang suot ni Janica. Nakahalik pa ang babae sa pisngi ni Stefan at nakayakap. Ang background ay sa isang kuwarto sa condo ni Stefan. Janica: I know Stefan lied to you. Of course, he doesn’t want to ruin the deal. Baka kasi magsumbong ka kay Lola Isabela. Bu
Magbasa pa
Chapter 48
PINAGLIBAN na muna ni Cassandra ang paghahanap ng puwesto para sa business na bubuksan niya. May naisip na rin siyang negosyo na kayang-kaya niya at related sa kursong kaniyang tinapos. Kung kailan paalis na siya ay dumating si Sasha, nagmamadali. “Besh, saan ka pupunta?” tanong nito. “Sa ospital, bibisitahin ko si Lola Isabela,” aniya. “Pumunta pala si Donie sa bahay kanina, may pinabigay si Stefan. Ito, oh.” Inabot nito sa kaniya ang brown envelope. May ideya na siya kung ano ang laman ng envelope. Nang mabuksan ay ito hindi nga siya nagkamali, may kinalaman ito sa divorce nila ni Stefan pero wala pa ang pipirmahan, meaning, hindi pa official divorce paper. May kasama pa itong sulat mula kay Stefan. Stefan: As you wish, I rushed the divorce, but it’s not the final decision of the court. They are asking for your psychiatric report to prove that you are mentally unstable. Pinagbasehan ko lang ang sinabi mo sa chat kung ano ang puwedeng dahilan para ma-approve ng korte ang nai-fi
Magbasa pa
Chapter 49
DALAWANG linggo ang nakalipas bago nakarating kay Cassandra ang balita na approved na ang divorce niya kay Stefan. Akala niya’y mapapanatag na siya ngunit inusig na naman siya ng kaniyang puso. Huling kita nila ni Lola Isabela sa ospital, iniyakan na naman siya nito. Pabalik-balik ang ginang sa ospital dahil sa hindi stable na kalusugan. Kuwento pa nito, hindi na umano umuuwi sa bahay si Stefan at sa condo naglalagi, minsan sa opisina natutulog. Samantalang natuloy ang opening ng kaniyang cafe sa tulong ni Tobi at Sasha. Ang problema, hindi siya makapag-focus dahil sa madalas niyang pagkahilo at hindi maintindihang cravings niya. Madalas din siyang magsuka. Kinailangan pa ni Sasha ng mag-leave sa trabaho upang matutukan ang business niya. Pinayagan naman ito ni Donie. Hindi na normal ang kaniyang hilo at sakit ng ulo. Lunes ng umaga ay hindi na naman siya nakaalis ng bahay dahil sa matinding kirot ng kaniyang ulo. Sa sobrang busy ay hindi na siya nakapakonsulta ulit sa doktor. Busy
Magbasa pa
Chapter 50
GABI na nakauwi ng bahay si Cassandra at hinatid siya ni Tobi. Umuwi na ang papa niya pero tiniyak muna na okay siya. Sumugod din si Sasha sa bahay niya at hindi pa alam ang dahilan bakit siya hinimatay. “Salamat, Doc. Mabuti to the rescue ka palagi sa beshy ko,” sabi ni Sasha kay Tobi. “I need to monitor Cassandra’s health, so I kept on asking an update from her. Lalo na ngayon na dalawang buhay na ang aalagaan ko,” ani Tobi. “Ho? Paanong dalawang buhay?” Napamulagat si Sasha. Tahimik lang na nakaupo sa sofa si Cassandra at hinayaang si Tobi ang magpaliwanag kay Sasha. Pagod na pagod na siya at gusto nang mahiga. “Cassandra was pregnant,” walang gatol na bunyag ni Tobi. “What? Seriously?” Windang na windang si Sasha, lumapit pa kay Cassandra. Kinalabit siya nito sa kanang braso. “Uy, beshy, totoo ba? Buntis ka?” kumpirma nito. Tumango lamang siya. “Baka may kilala kang puwedeng makasama rito ni Cassandra, Sasha. Hindi puwedeng mag-isa lang siya rito,” sabad naman ni Tobi. “A
Magbasa pa
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status