Lahat ng Kabanata ng Dealing With The Arrogant CEO: Kabanata 11 - Kabanata 20
64 Kabanata
Chapter 11
MARAHAS na binawi ni Cassandra ang kaniyang kamay na hawak ni Stefan. Nauna na itong pumasok sa kotse at binuhay ang makina. “Get in, Cass!” may gigil nitong utos sa kaniya. “Bakit ganyan ka? HIndi mo man lang binigyan ng chance na makausap ang babae,” aniya. Nakasilip lang siya sa pintuan. “Wala na kaming pag-uusapan. Sakay na,” anito sa mababang tinig. Hindi pa siya kumilos. Mamaya’y bumusina nang malakas si Stefan. Napalundag pa siya sa pagkagulat. “Ano ba!” asik niya. “I said, get in!” pasigaw rin nitong sabi. Tumalima na lamang siya. Kauupo pa lamang niya ay nagmaniobra na ito. Nang makarating sila sa kalsada ay pinaharurot nito ang sasakyan. Pagdating sa condo ay nagmadali si Stefan sa pagligpit ng gamit at gustong uuwi na sila sa mansiyon. Nabitin tuloy ang kain ni Cassandra. Masasarap pa naman ang pagkain at noon lamang niya natikman sa buong buhay niya. Hindi na niya kinausap si Stefan kahit lulan ulit sila ng kotse pauwi sa mansiyon. Pagdating nila ay diretso ito s
Magbasa pa
Chapter 12
ALAS kuwatro ng hapon natapos ang meeting ni Lola Isabela sa abogado nito. Ginawa naman ni Cassandra ang habilin ni Stefan na alamin niya ang mga detalye ng usapan sa meeting. Kaso hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na makunan ng picture ang mga papeles. Engles speaking ang abogado at malalalim ang ibang salita kaya hindi niya naintindihan lahat. Ang alam lang niya ay pinaasikaso na ni Lola Isabela ang papeles ng kumpanya. Malinaw na para sa paglipat ng rights ng kumpanya sa pangalan ni Stefan ang paksa. Pero may narinig siyang usapan tungkol sa papeles umano na temporary aggreement. Hindi niya alam kung para saan iyon. Nahihiya naman siyang usisain pa iyon sa ginang. “May gusto ka bang bilhin sa labas, Cassandra?” tanong ng ginang nang paalis na sila ng opisina. “Ah, wala naman po pero baka puwedeng makakuha ng isang box ng chocolate? Kailangan ko rin kasi ng stock ng matatamis kasi minsan biglang bumabagsak ang glucose ko,” aniya. “Walang problema. Hihingi tayo sa production ar
Magbasa pa
Chapter 13
NAHIRAPANG matulog si Cassandra dahil sa kakaibang ambiance ng study room. Pakiramdam niya ay maraming matang nakatingin sa kaniya. Naroon pa ang malalaking painting ng kung sinong musician. Mag-uumaga na’y gising pa ang kaniyang diwa. Kung hindi pa siya nagdasal ulit ay hindi siya makatulog. Sumisikat na ang araw nang magising siya. Hindi pala niya nahawi ang kurtina sa glass window kaya lumusot ang sinag ng araw at tinamaan siya sa mukha. Tinatamad pa siyang bumangon at tila ba may isang kabang bigas na nakadagan sa kaniyang katawan. Mamaya ay narinig niya ang tinig ni Stefan, may kausap. Akala niya’y sa cellphone lang ang kausap nito pero umalingawngaw na rin ang tinig ni Lola Isabela. Ginupo na siya ng kaba. “Nasaan si Cassandra?” tanong ng ginang kay Stefan. “Uh…. n-nandito lang siya kanina. Wala po ba sa labas?” tugon naman ni Stefan, bakas sa tinig ang pagkabalisa. “Wala siya sa labas. At bakit mag-isa lang ang unan mo? Saan natulog si Cassandra?” Napilitan nang bumangon
Magbasa pa
Chapter 14
NANATILING nakayuko si Cassandra at hirap makatayo dahil bahagyang kumirot ang kaniyang paa na natapilok. Nagulat na lang siya nang may malalakas na kamay na umakay sa kaniya patayo.“What happened?” tinig ni Stefan. Katabi na niya ito at nakaakbay sa kaniya.Kung nasa labas lamang sila ng hotel ay gagantian niya si Laura pero nirerespeto niya ang events.“That woman was a gold-digger! She does not belong here!” sabi ni Laura.“And who are you saying that to my wife?” ani Stefan.“W-Wife?” gilalas na untag ni Laura. Tigagal na tumingala si Laura kay Stefan.Umapela naman si Lourdes na kilala pala si Laura. “Ms. Marcelo, huwag po kayong mag-eskandalo rito,” awat nito kay Laura.“Who is she, Lourdes?” tanong naman ni Stefan.“Uh, siya po si Ms. Marcelo, manager ng CNG marketing. Isa rin po siya sa prospect investors para sa Asian contribution ng product natin. Bale sila ang naunang nagpasa ng proposal,” paliwanag naman ni Lourdes.“I don’t need that attitude in my company. Refuse her pr
Magbasa pa
Chapter 15
IT’S odd when Stefan ride Cassandra’s stupid joke. Tatakutin lang sana niya ito para tumigil pero hindi niya maintindihan bakit nauwi sa halik. And while kissing her tinder lips, a violent heat rose from his innermost. He can’t stop himself from kissing Cassandra, and it’s also aroused his lust; his d*ck instantly stiffened. May control pa siyang nalalabi ngunit biglang tumugon sa halik niya si Cassandra, which is widen the fire of lust within him. He backed off, yet, his manliness madly wanted to proceed with what he had started. Iginiit niya na nagsimula na ring maghanap ng sex ang katawan niya since he started it from Cassandra. And yes, Cassandra was the first who claimed his virginity. Hindi niya alam kung tama ang pinaggagawa niya. Nawala ang pagiging conservative niya simula noong natukso siyang gumalaw ng babae to cure his depression. At mukhang si Cassandra ang lunas talaga. He once tempted to have sex with Janica when the woman asked to do such thing, yet he chose to resp
Magbasa pa
Chapter 16
DAHIL hindi sigurado sa sinabi ni Stefan, pinuntahan pa ni Cassandra sa kuwarto nito si Lola Isabela para lang tanungin kung ano talaga ang apelyido ni Stefan. Noong nagpirmahan kasi sila ng marriage contract, diretso pirma siya at hindi na binasa. Kanya-kaniyang asikaso naman kasi sila ng papeles, minadali at inipon na lang pagdating ng US. Akala niya naman ay may second name si Stefan at pareho sa apelyido ni Lola Isabela ang dala nito. Late na niyang natanto na si Lola Isabela ay nanay ng namayapang ina ni Stefan. At ang apelyidong dala nito ay sa American-German nitong ama. “Hindi mo pala alam ang apelyido ni Stefan, hija?” amuse na gagad ni Lola Isabela. Naputol na ang tawag ni Dr. Guellera kaya nag-text na lamang siya rito ng mga impormasyong kailangan nito. Napakamot siya ng batok. “Hindi ko po kasi natuunan ng pansin,” aniya. Nakaupo lamang siya sa gilid ng kama ng ginang. Totoo palang may second name pa si Stefan, at ang buong pangalan nito ay Stefan Greg Harden. Pero ay
Magbasa pa
Chapter 17
KALMADONG hinarap ni Cassandra si Janica at hinintay itong makalapit nang tuluyan sa kaniya. “You’re Cassandra, right?” anito nang huminto sa kaniyang harapan may tatlong talampakan ang pagitan. “Uh, y-yes?” aniya. “I’m Janica, Stefan’s girlfriend,” pakilala nito, inalok sa kaniya ang kanang kamay. Mukhang hindi pa nito tanggap na ex-girlfriend na ito ni Stefan. Gayunpaman, kinamayan niya ito. “Hi! Nice to meet you,” kaswal niyang tugon. “Pasensiya na sa abala. Gusto lang sana kitang makausap kung pahihintulutan mo ako,” magalang nitong wika. Wala naman siyang problema sa babae kaya pumayag siya. “Walang problema,” nakangiting sabi niya. “Can we talk over lunch?” “Sure,” mabilis niyang sagot. Pagkuwan ay niyaya siya nitong sumakay sa kotse nito. Pumayag naman ito na sa gusto niyang restaurant sila kakain. “How’s Stefan?” tanong ni Janica nang kumakain na sila. “Hm, okay naman siya. Busy lang sa trabaho,” tugon niya. “Paano kayo nagkakilala? Sabi ni Donie, sa isang bar kay
Magbasa pa
Chapter 18
HINDI kinibo ni Cassandra si Stefan hanggang sa makauwi sila sa mansiyon. Dumiretso siya sa kuwarto at nagbihis. Alas siyete na ng gabi at nagyaya na si Lola Isabela na maghapunan. Pagbaba niya sa hapag ay naroon na ang maglola. Hindi pa nagbihis si Stefan at tumuloy na roon. “Kumusta ang launching ng bagong product natin? Maganda naman ba ang sales?” usisa ng ginang. Nanatili siyang tahimik kahit siya ang nakaaalam sa tanong ng ginang. Mamaya’y kumislot siya nang bungguin ng paa ni Stefan ang kaniyang binti. Magkatapat lang kasi sila nito, at siya ang katabi ni Lola Isabela. Naibaling naman niya ang atensiyon sa ginang. “Uh, okay naman po ang sales ng bagong product ayon sa marketing department report. Pero next month pa malalaman kung papasok ba sa target sales. Nauna kasi ang distribution ng product kaysa marketing,” paliwanag niya. “Mabuti kung gano’n. Wala namang problema kung nauna ang distribution. At least nasa market na ang product bago maglabas ng advertisement. Our comp
Magbasa pa
Chapter 19
LINGGO ng umaga ay nagyaya si Lola Isabela na mag-beach sila. Kahit kulang pa ang tulog ay pumayag si Cassandra. Hindi rin naman nakatanggi si Stefan at gusto ring mag-unwind. Sa Batangas sila nagpunta dahil may beach house roon ang pamilya, nakapangalan na rin kay Stefan. Kung tutuusin ay puwede nang gawing beach resort ang lupain dahil sa lawak nito at tabing dagat, kaso ayaw ni Stefan. Ayaw nitong may ibang taong nakapapasok sa property nito. Isang pamilya ang caretaker doon at naglilinis sa paligid ng lighthouse sa itaas ng burol. Kahit tirik ang araw ay naligo sila sa dagat at doon na rin nananghalian. Meron namang cottage roon na yare sa native material. Hindi siya makapag-focus sa pagkain dahil tinatawanan ni Stefan ang balat niya na mabilis nagbago at naging kayumanggi. Hindi kasi siya nagpahid ng lotion. “Tawa pa, mabulunan ka!” angil niya rito. Malayo sila kay Lola Isabela kaya parang aso’t pusa na naman sila. Sa may pampang ang ginang kumain at naglagay lang ng payong.
Magbasa pa
Chapter 20
NAKATULOG si Stefan pagkatapos umiyak kaya nakalabas ng kuwarto si Cassandra. Madilim na sa labas at naghahanda na ng hapunan si Lola Isabela. Wala silang kasamang kawaksi kaya sila na ang nagluto. Naghatid naman ng ulam ang caretaker pero gusto ng ginang ng ibang putahe.Tinulungan niya ito sa pagluluto ng native na gulay. Mayamaya naman ang sipat nito sa kaniyang mukha, marahil ay napansin ang mugto niyang mga mata.“Bakit ganyan ang mga mata mo, hija? Umiyak ka, ano?” anito. Naghihimay ito ng dahon ng malunggay.“Opo,” tipid niyang tugon. Naghiwa naman siya ng patola.“Ay, bakit? Inaway ka na naman ba ni Stefan?” Tumaas ang timbre ng boses nito.“Hindi po. Nadala kasi ako sa emosyon niya nang magkuwento tungkol sa nangyari sa pamilya niya noon.”Mulagat na tumitig sa kaniya ang ginang. “Seryoso ka ba riyan, hija?”“Opo, Lola. Ang lungkot pala ni Stefan.”“Himalang nagkuwento siya,” komento nito.“Bakit po? Ayaw ko pa niyang pinag-uusapan ang pamilya niya?”Umupo sa silya ang ginang
Magbasa pa
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status