Lahat ng Kabanata ng HER SUFFER RING: Kabanata 11 - Kabanata 20
71 Kabanata
CHAPTER 11
Kung magkaka-stiff neck siya bukas, kasalanan ng lalaking katabi niya ngayon sa magarang kotse. Paano’y panay ang sulyap niya rito. Nagtataka kasi siya dahil simula pinasakay siya sa sasakyan nito ay hindi na ito nagsalita. Napapanis na ang kanyang laway. “Ehem…” Tumikhim siya. Hindi na siya nakatiis. Mag-i-initiate na siya ng conversation, ng kahit anong topic. “Don’t say anything,” subalit ay mabilis na pigil sa kanya ng binata. Ang sasabihin niya ay nilunok nga niya. Ay, ambot! Sa kanyang inis ay pinigilan na niya ang kanyang leeg. Hindi na talaga niya nilinga o sinulyapan si Reedz. Nilibang na lamang niya ang kanyang sarili sa pagtanaw sa kanilang nadadaanan. Buti na lang at nasa bandang Makati na sila; maganda sa mata ang mga nagtataasang mga building at ibang mga establisyemento. Naisip niya na mas maganda ang music habang nagmumuni siya. Tiningnan niya ang stereo ng magarang sasakyan, at may pipindutin sana siya. “Don’t touch that,” subalit ay pigil na naman sa kanya ni Re
Magbasa pa
CHAPTER 12
“Salamat sa libre, prend,” may payakap pang nalalaman na pasasalamat ni Calynn sa kaibigan. Nagsabay sila ng break time ni Yeyet at nilibre siya nito sa isang fast food chain kaya busog-lusog na naman siya. “Basta kapag naikasal ka sa CEO ay huwag mo akong kakalimutan, ah? Dapat kasali ako sa entourage, okay?” Umasim ang kanyang mukha. Ayown, iyon pala ang dahilan kaya may palibre bigla ang gaga. “Aray,” nakatawang angal ni Yeyet nang bigla niya itong itinulak sa braso. “Akala ko pa naman bukal sa loob ang panlilibre mo, may hidden agenda ka palang gaga ka,” ingos niya rito. Mas nagtatawa si Yeyet. “Hindi naman, oy. Biro lang ‘yon.” “Asa ka. Hindi ko pakakasalan ‘yon. Ayoko ng guwapo na asawa, sakit lang ‘yon sa ulo dahil tiyak madaming babae. Ayoko rin ng mayaman na asawa, sigurado wala ‘yon magiging oras sa akin kasi lagi na lang pagpapayaman ang gagawin. At ayoko ng sikat—” mga chariz niya lang sana, pero anong gulat niya nang pagpasok nila sa Golden Pawn ay tatlong bulto ng l
Magbasa pa
CHAPTER 13
Pakiramdam ni Calynn ay natatae at naiihi siya habang nasa loob sila sa isang bridal shop at isinusukat niya ang wedding gown na pinili mismo ni Reedz. Sinundo na naman siya nito kanina para lang asikasuhin ang kanilang nalalapit na pagpapakasal. “Napakaganda mo po, Ma’am,” papuri sa kanya ng bridal consultant na nag-a-assist sa kanya. “Thank you.” Napangiti siya at nag-init ang kanyang mga mata habang patuloy na pinagmamasdan ang kanyang sarili sa malawak na salamin. Kahit na hindi dahil sa pagmamahal kaya siya ikakasal next week, hindi pa rin niya napigilan ang maging emosyonal. Sobrang natutuwa pa rin siya para sa kanyang sarili dahil napakaganda niya sa kanyang wedding gown. Sino ang mag-aakala na ang katulad niyang ordinaryong mamamayan lamang ng Pilipinas ay makakapagsuot ng wedding gown na may milyong price tag? A European bridal wedding gown, off-the-shoulder, which flows into a full-body skirt adorned with a long veil. Wala.Mayamaya lamang ay binuksan na ang nakaharang na
Magbasa pa
CHAPTER 14
“I'm asking you, why are you wearing the engagement ring Reedz gave me?" pamalditang ulit ni Avy sa tanong nito. “Ah, eh…” Hindi malaman ni Calynn ang sasabihin. “Tanga ka ba para magsuot ng singsing nang may singsing?! Wala ka bang hiya sa sarili mo?!” Halos umakyat na ang lahat ng dugo ni Calynn sa kanyang ulo. Pakiramdam niya, umuusok na ang mga tainga niya. Seryoso? Tinawag siyang tanga? Aba’t! Napasinghap siya. Kung hindi lang niya iniisip ang kapakanan ng kanyang suot-suot ngayon na wedding gown at masira ang beauty niya ay papatulan niya ang babaeng ito. She knew from the beginning that Avy was a bitch. Naramdaman na niya kanina sa madilim nitong awra. Hindi lang niya inasahang ganito kalala ang babae. Sayang lang pala ang pagnanais niya noon na maibalik dito ang singsing. Hindi naman pala ito karapat-dapat. “Ate Avy, what do you mean?” naintriga na tanong na rin ni Meredith. “The ring she's wearing is the ring that Reedz gave me when he proposed to me, Dith,” ani Avy.
Magbasa pa
CHAPTER 15
Sa ayaw at sa gusto ni Calynn ay nangyayari na ang seremonyo ng kasal sa pagitan nila ni Reedz. Maganda ang naging kalabasan ng paglalakad niya sa aisle. Hangang-hanga ang tingin sa kanya ng mga bisita.Isa lang ang tumitirik ang mga mata, ang tita ni Reedz na si Angela. Sino pa ba?Gayunman, hindi niya ito pinapansin. Ang buong atensyon niya ay nakasentro sa mga nakangiti sa kanya, lalo na sa napaguwapong groom na naghihintay sa kanya sa dulo ng aisle.Nakapagtataka na sa kanyang pakiramdam ay nalulugod na siyang tanggapin na maging asawa si Reedz Rovalez. Iyong feeling na dapat sinasakal siya dahil pinilit lamang siyang pakasal dito ay hindi niya naramdaman kahit kaunti. Katunayan para pa nga siyang nakatuntong sa ulap nang nasa harapan na sila ng judge na magkakasal sa kanila.Kinilig pa nga siya nang salitan silang magsuotan ni Reedz ng wedding ring. Wedding ring na alam niyang mas mahal pa sa suot-suot niyang engagement ring.Ang muntik na siyang umangal ay nang sabihin na ng jud
Magbasa pa
CHAPTER 16
Pagkatapos ng kasal, tulad ng inasahan ni Calynn, sa penthouse ng five-star hotel na Gazzer Palace pala ang pangalan sila huling napadpad ng kanyang bagong asawa. Na kung hindi sa pa-trivia ulit ni Yeyet kanina ay hindi niya malalaman na ang hotel ay pag-aari rin mismo nina Reedz. Nalula ulit siya sa kayamanang meron ng kanyang naging asawa. Mukhang kailangan na niyang masanay agad. “Let's stay here temporarily for now,” sabi ni Reedz nang makapasok sila sa loob ng penthouse. “Kapag nagkaroon ako ng oras—” “Hindi, okay lang. Ang ganda nga rito, eh,” pamumutol niya sa sasabihin nito. Hindi na nito kailangang magpaliwanag dahil para sa kanya’y sobra-sobra na ang penthouse na tirahan para sa kanya. “Kahit saan ay okay lang.” Pinakatitigan na naman siya ni Reedz.Napangiwi naman siya. Habit ba talaga ng tipaklong na ito ang tumitig? Minsan nakakailang na, eh. “Okay, pero lilipat din tayo. May ipinapaayos lang ako konti sa bahay na talagang titirhan natin,” sabi pa rin ni Reedz. Tuman
Magbasa pa
CHAPTER 17
Panay ang tingin ni Calynn sa suot na wristwatch. Ang usapan nila ni Gela ay magkikita sila bandang alas nueve ng umaga, ngunit wala pa rin ang kapatid. Nasa may pabarito nilang café siya at naghihintay pa rin.Bumuntong-hininga siya at nagpasyang umpisahan na ang paglamon. Nasa harapan niya ang paborito nilang magkapatid na spicy chicken wings, chickpea salad sandwich, at buddha bowl. Sa drink ay matcha latte kay Gella at brewed coffee naman sa kanya ang in-order niya, ngunit wala siyang gana. She felt like poking the chicken wings, imagining it was Reedz arms.“Tss!” Maasim ang mukhang ibinaba niya iyon sa nasa harapang plato at sumimsim ng kape. Pagkatapos ay natulala habang ngumingiwi-ngiwi. Naalala niya ang matinding kahihiyan na nagawa niya kagabi kay Reedz.…“Wait, are you nervous dahil virgin ka pa?” naniningkit ang mga matang tanong sa kanya ni Reedz.Wala sa sarili na tumango lang siya. Dagling sumeryoso ang mukha ni Reedz. Unti-unting umawang ang mga labi nito. Hindi makapa
Magbasa pa
CHAPTER 18
Habang sakay ng taxi patungo sa Le Bernadez na restaurant, kung saan doon na lang daw sila magkikota ni Reedz, ay yakap na yakap ni Calynn sa kanyang dibdib ang cellphone. Hindi pa rin siya makapaniwala na may isang milyon na laman ang kanyang bangko. Alam niya, kahit kumayod siya na parang kalabaw buong buhay niya ay hindi niya magagawang lagyan ng milyon ang kanyang bank account. Apat na zero pa nga lang hirap na siya, ni hindi pa nga niya naranasan dahil napupunta agad sa bayarin ang kanyang mga sahod, anim na zero pa kaya? Hindi talaga siya masisisi kung parang tanga siya ngayon. May suot-suot na nga siyang mga singsing na mga milyon ang halaga tapos may pera pa siyang isang milyon. Hindi kaya nanganganib na ang kanyang buhay ngayon nito? Matatakot na naman ba siya? “Kuya, sa tingin mo? Mukha ba akong mayaman? Kakidnap-kidnap ba ako?” katangahan man ay hindi niya napigilang usisa sa mamang driver. Mula sa rearview mirror ay kinilatis naman siya ng lalaki na may edad na. “Hindi
Magbasa pa
CHAPTER 19
“Salamat, Calex…” kiming pasasalamat ni Calynn sa naghatid sa kanya na bodyguard ni Reedz.“Welcome, Ma’am,” tugon nito.Ngumiti siya rito. Kung siguro dalaga pa lang siya ay magka-crush siya kay Calex. He was super handsome bodyguard, indeed. Matangos ang ilong nito at mapupula ang mga labi. Lalaking-lalaki ang guhit ng panga. Maputi rin ang balat nito. Kung tutuusin mas bagay rito ang mag-modelo kaysa ang maging bodyguard dahil matangkad ito at maganda ang tindig.“Sige po, Ma’am. Pasok na po kayo. Nandito lang po ako sa tabi-tabi kapag may kailangan kayo.” He smiled at her reassuringly.“Okay,” aniya’t pumasok na nga. Madaling isinara ang pinto at baka saan pa mapunta ang paghanga niya kay Calex.Hindi siya taksil na babae. Marunong lang talaga siyang mag-appreciate ng tao. Isa pa ay ang gentleman kasi ni Calex, hindi katulad ng amo nitong tipaklong.Napaingos siya nang maalala niya ang asawa.Imagine iniwan na lang siya sa may restaurant? Ano naman kung ihatid siya saglit dito sa p
Magbasa pa
CHAPTER 20
Hindi pa sumisikat ang haring araw, gising na si Calynn. Sandaling nagtaka pa siya nang parang may mabigat sa dibdib niya, iyon pala ay ang nakayakap na braso sa kanya ni Reedz. Ang aga-aga ay kinikilig na naman siya. Kung hindi nga lang niya kailangan na magbawas sa pantog ay hindi niya aalisin ang kamay nito, at lalong hindi siya aalis ng kama. Ang kaso kailangan niyang bumangon at baka mag-amoy panghi silang dalawa. Ew! May ngiti siya sa labi na nagtungo sa banyo. At wala sana siyang balak na maligo agad, pero may magandang pumasok na ideya sa isip niya kasi. Iyon ay ang ipagluto niya ang asawa niya ng almusal. Hindi niya tiyak kung nag-aalmusal ba ang asawa, pero wala naman siguro masama kung susubukan niyang gampanan na ang pagiging mabuting misis.Masigla siyang nagbihis. Medyo natigilan pa siya nang makita niya na wala pa pala ang mga damit at mahahalagang gamit niya sa penthouse. Mukhang kailangan niyang kunin iyon sa apartment dahil kahit nami-miss na niya ang kuwarto niya
Magbasa pa
PREV
123456
...
8
DMCA.com Protection Status