Share

8

"Kaya pala nag-o-over practice si Kuya Lake, dito pala gaganapin ang game nila," Via said while eating bubble gum ice pop. Kulay blue na ang dila niya. Nakaupo lang siya sa bleacher habang kami naman ni Canary ay abala sa pagsalansan ng towel at bottled water.

Ito ang kapalit ng mga nagawa naming problema sa university. Mas okay nga ito dahil mula nang ipatawag kami sa guidance one week na ang nakakalipas, ay ito ang unang duty namin. Dalawang oras pa naman bago ang game. Mabuti na lang at hanggang alas tres lang ang klase namin.

Tahimik lang si Canary habang binibilang ang boteng kailangan namin mailagay. Ito lang ang gagawin namin. Ang sumunod ay pagtapos na ng game.

"Alam mo bang nagmamakaawa si Kuya Lake na ibigay ko sa kanya ang number mo, Cana?" ani Via. "Literal siyang nauulol sa 'yo."

Natawa ako, kami nga ay hanggang ngayon walang phone number ni Canary. Mailap pa rin siya sa amin pero mula nang ma-guidance kami, mukhang tinanggap na niya nang kaunti na parte na kami ng buhay niya. At dahil sa pagsunod namin sa kanya noong araw na iyon, mas lalo naming naintindihan ni Via kung bakit siya ganoon.

Halos pahararutin ni Via ang kotse niya noong araw na iyon para lang masundan namin agad si Canary. Noong una ay balak namin siyang ihatid kung saan man siya pupunta pero mabilis siyang nakasakay ng jeep. Hindi ko alam kung alam niyang sinusundan namin siya pero tila wala siya sa sarili. Nagtuloy siya sa isang kilalang pribadong ospital. Sinundan namin siya hanggang loob.

Ang sabi ko kay Via ay huwag na kaming sumunod dahil hindi na naman kami papapasukin. Pero tila biyaya ng langit ang pamilya nina Via, nagawa niya pang makahingi ng impormasyon tungkol sa pinuntahan ni Canary.

Her Mom has been in the hospital for almost three years dahil sa lung cancer. Ayon sa nurse, si Canary lang ang tanging dumadalaw dito. And she is the only responsible for her Mom's bills. Ang tanging nakakapagpabawas ng bayarin nila ay ang mga tulong galing sa gobyerno na ang mabait na nurse na mismo ang nag-aasikaso dahil naaawa siya dito. We don't know how Canary carries the burden herself.

Kahit papaano, nagkaroon kami ng idea sa buhay niya. I was just wondering bakit hindi niya masabing rason na kinailangan niyang magbantay sa ospital noong mga nakaraang araw para bantayan ang Mommy niya. Naging kritikal daw ang kondisyon nito ng mga sunod-sunod na araw kaya andoon si Canary.

I just could not imagine how brave this girl is. Kahit papaano, mas masuwerte ako kaysa sa kanya. Mom said Dad died before I was born. Si Mommy lang ang mayroon ako kaya nagpapasalamat ako na malakas pa siya, at nasusuportahan pa niya ako.

Via hates her the most but she envies how strong Canary is. Nagpapagawa na ulit siya ng assignment dito at mas malaki na ang ibinabayad niya. Mukhang hindi naman nakakahalata si Canary.

"Speaking of the devil," Via said. Natanaw kong palapit si Lake sa amin. Sa kanilang bench ang kasalukuyan naming inaayos. Kasama niya ang ilang kakampi niya pero doon ito kay Via lumapit. Malamang ay nakilala nila ang magandang babaeng 'yon.

"Uhm. . ." ani Lake habang hawak-hawak ang batok niya. "Uhm. . ."

"Uhm uhm?" natatawa kong tanong. Tinapunan niya ako nang masamang tingin bago tumingin ulit kay Canary na busy sa mga towel.

"I actually wanted to thank you personally for saving me back then kaya lang, kinailangan kong mag-practice. Baka kasi sakaling manood ka. Mabuti na lang, nag-practice ako mabuti."

Canary turned to me. "Tapos na 'to, kulang lang ng isa. Kukuha lang ako and I have to go. Marami pa akong gagawin. Babalik ako pagkatapos ng game." Ni hindi niya man lang tiningnan ang gwapong lalakeng kanina pa nakatingin sa kanya.

"A-ako na ang kukuha!" Lake offered. "Saan ba kukuha ng towel? Atsaka, kailan ang free time mo?"

Finally, Canary looked at him. "Wala akong libreng oras. May bayad lahat ng ginagawa ko."

"I'll pay," mabilis na sagot ni Lake. "Gusto ko lang magpasalamat."

"I don't need it and you don't have to," ani Canary. "Alice, babalik na lang ako."

Tumango ako. Isinukbit ni Canary ang maliit na black backpack niya at mabilis na umalis. Hindi na ako nagtanong. Bumalik siya o hindi ay okay lang. Baka marami siyang kliyente ngayon.

"Just that?" inis na tanong ni Lake. "She dumped me again just like that?"

Natawa na lang ako. Nanghihinayang ako sa free pass na ibibigay sana sa akin ni Lake kung nakuha ko ang number ni Canary. Makakapasok na sana ako sa unibersidad na iyon.

Nilapitan ako ni Lake at inakbayan. "Bestfriend, long time no see!" masaya niyang bati. Parang kanina lang ay sinamaan niya ako ng tingin. "Ano'ng favorite food ni Canary?"

Napairap ako. "Alamin mo na lang. Wala ka nang mapapala sa akin mula ngayon."

"Hindi ba talaga siya manonood? Nag-practice ako para sa kanya," himutok ni Lake. Itinuro niya ang grupo ng kababaihan na nasa 'di kalayuang bleacher. "Kita mo 'yon? Nakikita mo? Sinundan pa ako ng fan's club ng team namin hanggang dito. Tapos, hindi manonood ang prinsesa ko?"

Muntik na akong masamid. "Kasalanan ko ba 'yon? Busy siyang tao kaya huwag mo na siyang gambalain."

"Bakit parang ang bilis mong magbago? Just the other week, kakampi kita. Ayaw mo na ba ng free pass sa university namin? Forget Canary's number. Nakaisip na ako ng paraan para diyan. Just give me tips. Okay? Bestfriend?" ani Lake at nginitian ako nang malapad.

Bago pa ako makasagot ay nilapitan siya ng isa niyang ka-team. "Kanina ka pa namin tinatawag. May magpapa-picture."

Agad sumimangot si Lake. "I'm not interested. At least not here. Baka makita ng prinsesa."

Binatukan siya nito. "Prinsesa ka nang prinsesa. Mukha ka nang prinsesa. Baliw." Umalis ito na naiiling. Natatawa lang si Lake na sinundan ito ng tingin, papunta sa grupo ng mga manonood.

"I thought you're not going to play. Okay ka na ba?"

I almost tripped when I heard that voice. Eksaktong tatalikuran ko na si Lake. Bumungad sa harapan ko si Leif. Naka-sports uniform din siya. Agad akong napatungo nang magtama ang paningin namin. Hindi ko magawang umiwas, ganoon din naman siya. Tila tatlong hakbang lang ang agwat namin.

Maglalaro rin ba siya ngayon?

"Last time I checked, mas malakas pa ako sa karabaw," sagot ni Lake.

"Kalabaw," pag-correct ni Leif. "I told Via she can't go home unless the game is over."

"I told you I'm okay. Naka-recover na ako."

I could smell Leif's perfume. His earthy masculine scent smells heaven it reminded me of the afternoon he let me rode his car.

"No, you're not. Better not overplay," nag-aalala pero seryosong pahayag ni Leif.

Nagulat ako nang biglang may humawak sa kanang balikat ko. I almost cursed.

"Hindi ka ba nangangalay, bestfriend?" natatawang tanong ni Lake habang nakangiti ng nakakaloko. "Kanina ka pa nakatungo. Are you sleepy?"

Inalis ko ang kamay niya at nilingon siya. "Naghahanap ako ng langgam," pairap kong dahilan at naglakad na ako palayo. Hiyang hiya ako dahil hindi ko alam kung anong hitsura ko at bakit iyon ang naisagot ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status