Share

A Dream With You (You Series #1)
A Dream With You (You Series #1)
Author: Charmzeix

Chapter 1

KYLIE'S POV

"Anong ingay yun?!" Iritadong tanong ko. At NAGISING AKO dahil dun!! Pati pinggan dinadamay!

'Nakakainiiiiis!!!'

Sumilip ako sa bintana para tignan ang nangyayari sa baba at dun ko nakitang nagkakagulo na naman. How come those guards didn't even bother to stop the fight?! Are they even paid to watch?! What kind of village is this?!

'Tsk! Rats!'

Wala akong magawa kundi gumising dahil hindi na ako makatulog!!

'Wala bang mga anak ang mag asawang yun?!?! Panay ang away akala mo naman may ari ang buong mundo! Tsk!'

I streched my body and headed straight to my bathroom. I did my morning routine at Tinignan ko ang mukha ko sa salamin tsaka dumiretcho pababa.

"Good morning" bati ko sa lahat. Nilingon nila ako at nginitian. "Manang" inikot ko ang paningin ko sa buong bahay. "Na saan si Mommy?" Tanong ko kay manang dahil 'di ko mahanap si mommy.

"Ahh, pumunta sa mga amiga niya't maglalaro daw. Hindi raw siya magtatagal, babalik bago mag hapunan."

"Ah sige po... salamat" dismayadong sagot ko.

hindi ko na inantay ang sagot niya at bumalik nalang ako sa kwarto ko. Bakit ba mas gusto niya yung mga kaibigan niya kesa saming mga anak niya?! Anak niya ba yung mga yun?! Wala nalang ibang ginawa kundi mag casino ng mag casino. Kahapon lang nandoon din siya at sabi niya hindi siya mag tatagal pero umuwi ng madaling araw!!.

'Kung maka asta siya parang hindi ina...'

Pero... wala rin naman akong masabi sa kanya pagdating sa pag alaga sa amin, hindi naman siya nag kulang kaso palaging problema sa amin yang pag kacasino niya at nagiging dahilan ng away nila papa. Sayang kase ang pera eh, porke mayaman kame eh magsasayang na sya, alam naman niya siguro kung anong paghihirap namin bago kami nakarating sa estado namin ngayon.

'Sana lang talaga tumigil na siya... baka umabot pa doon sa punto'ng maubos lahat ng pera namin dahil na naman sakanya...'

Kinuha ko ang phone ko sa ibabaw ng drawer ko. When i opened it i recieved a message from an unsaved number. I have no idea who's this 'cause i'm not expecting messages today.

One message received

07:43 AM

From: 09123456789

"Hi kyle, how are you?"

I hesitated to respond 'cause i don't even this person, but, i want to know who's this.

From: Me

"May i know you?"

Message sent!

07:43 AM

Sa mga naaalala ko wala akong ka text bukod sa parents ko at friends ko.

One message received

07:44 AM

From: 09123456789

"It's me, micheal! Can i call you? 'Cause I'm not used to textes."

'Kuloooot!!!'

Napangiti ako nung nalaman ko kung sino yung nag text, it's my bestfriend since birth! Matagal rin kaming walang communication eh, kaya i miss him.

From: Me

"Ofcourse you can call"

Message sent!

07:44 AM

I didn't expect him to text me kasi akala ko nakalimutan na niya ako, but he still remember me!

'Mahal talaga ako nito...'

Nakangiti kong sinagot ang tawag niya.

"Hi kyle!" Bungad niya sakin.

"Hello!"

"How are you? It's been 4 years"

"I'm good! Ikaw ba? Kala ko nakalimutan mo na ako hahaha!"

"I'm fine! Actually, ikaw agad tinext ko pagkarating ko dito hehehe"

Nagulat ako sa sagot niya dahil akala ko talaga nakalimutan na niya ako.

'A-ako?? Bakit ako? Bakit hindi yung relatives niya muna? Tss!"

"A-aahh, Why don't you call your parents muna? Anong oras ka pala nakarating?"

"I-i'm here at the a-airport, kakaland lang ng plane ko."

"What?! Bakit ako tinawagan mo eh hindi naman ako ang susundo sayo?? Tss!" Singhal ko.

"I know, but i-i don't have th-their number."

'Pano yun?! May number siya sakin pero sa parents niya wala?! San naman kasi nagpupupunta ang isip nito?!"

"Anong kailangan kong gawin?"

"C-can you them for m-me??"

"O-ofcourse! Wait i'll hung this up"

"O-okay, thank you"

dali dali kong tinawagan ko si tita dahil baka kanina pa nag-aantay yun doon.

Agad naman nitong sinagot ang tawag.

"Hello, tita!"

"Oh, hija napatawag ka?"

"Si micheal po kasi nasa airport kakarating lang po niya eh nagpapasundo"

"Abay bakit ikaw ang tumawag?!"

"E-eh wala raw po kasi siyang number sa inyo kaya tumawag siya sakin... nagpapasundo daw"

"Ano?! Itong batang ito, oo. sabihin mo nalang na papunta na kami"

"Okay po"

Binaba ko agad ito tsaka tinext si micheal.

'How did he get my number?'

'May number siya sakin pero wala sa parents niya?! Tch.'

Bumaba ako dahil kumakalam na ang tiyan ko. Hindi ko namalayang ilang oras na pala ako ditong nakahiga.

10:46 AM

"Manang?" Sigaw ko galing hagdan.

"Bakit hija?" Sagot ni manang na naghuhugas ng pinggan.

"Tapos na po kayong kumain?" Tanong ko nang makarating sa kitchen.

"Ah, oo kanina pa, hindi ka na kita tinawag kasi alam ko naman na nawalan ka na ng gana." Lumingon siya sakin pagkatapos niyang hugusan ang pinggan at pinahid niya ang kamay niya sa apron tsaka hinawakan ang braso ko. Alam na alam na niya talaga kung anong problema.

"Hija, mabuti pa't pag-usapa niyo yan magpapamilya. Hindi niyo maayos yan kung pababayaan nyo nalang." Napatungo ako sa sinabi niya dahil noon paman ay alam na ni manang na matagal na namin 'tong problema pero hindi pa namin napapag-usapan nang maasyos dahil puro sigaw lang.

"A-akala po k-kasi namin titigil siya ng kusa eh. N-natatakot ako manang" may namumuong luha sa mga mata ko pero pinipigilan kong tumulo ito.

Bumuntong hininga muna siya bago nag salita.

"Hindi na ako magtatanong dahil problema niyo naman yan, hindi ako manghihimasok. O siya, ipaghahanda na kita. Maupo ka muna doon."

Tumango lamang ako at pumunta sa dining area. Kahit kailan wala kaming problema na hindi alam ni manang. Parang pamilya na ang turing namin kay manang dahil sa lahat ng katulong namin siya lang hindi umalis nung panahong walang wala kami.

Matanda na si manang kaya gusto na nila daddy na ipagretiro na siya pero laging hindi natutuloy dahil pinipigilan ko. Si manang lang kasi ang napagssabihan ko ng problema at mga hinanakit ko na ultimo mga magulang ko ay hindi alam.

Bumuntong hininga ako para mapigilan ang emosyon ko. Naaamoy ko na rin ang bangon nang niluluto ni manang kaya bahagya akong napangiti. Kanina pa ako nagugutom kaya isinantabi ko muna ang mga sakit na nararamdaman ko.

"Ayan, ubusin mo yan" pilit na ngiti ang iginanti ko sa kanya at ibinalik sa pagkain ang atensyon ko.

Pagkatapos kong kumain ay bumalik agad ako sa taas. Gusto kong ipahinga muna ang utak ko kaya natulog muna ako.

07:54 PM

'Ang tagal ko naman atang tulog?!'

Ganon ba talaga ako ka stress para ala siete ako magising?! Bumaba agad ako para tignan kong nakarating na ba si mommy.

May narinig akong sigawan galing baba kaya sinilip ko muna ito galing pinto.

"Saan ka na naman ba galing?!?" Sigaw ni daddy kay mommy.

'Nag-aaway na naman sila. Tss!'

"Pwede ba?! Wag muna ngayon dahil natalo ako?! Mainit na nga ang ulo dumagdag ka pa!"

Nagulat ako sa sinabi ni mommy. Natalo siya! Yan ang dahilan kung bakit takot na takot ako ngayon dahil baka isang araw maglaho na naman.

"Ano?! Ako pa ngayon ang sakit sa ulo?! Subukan mo kayang tumigil diyan sa bisyo mo nang hindi umiinit ang ulo mo?!? Ilang pera pa ba ang sasayangin mo para matumbasan yang kaligayahan mo?! Galing ka na doon kahapon diba?!! Hindi ba pwedeng itigil muna?!? Akala ko ba tapos na tayo dito?! Akala ko ba naayos na natin to?! Ha?!" Biglang tumulo ang luhang kanina pang bumabadyang tumulo sa mga mata ni daddy. "Alam mo naman siguro kung bakit tayo naghirap noon dahil diyan sa bisyo mo!! Sana naman naisip mo rin kung anong paghihirap natin bago mo iwaldas ang per--" pagpuputol ni manang kila daddy.

"Aurthor!! Lydia!! Hinaan niyo naman ang boses niyo! Maririnig kayo ni kyle! Alam niyo ba kung ano nalang ang mga hinanakit ni kyle tuwing mag-aaway kayo?! Saakin niya lang sinasabi dahil hindi niya kayo makausap!! Para ko na kayong mga anak kaya ko ito sinasabi!! Maawa kayo sa anak niyo kapag narinig niya kayong nag-aaway na naman!!" Mahinang sigaw ni manang.

Kanina pa ako umiiyak dahil sa mga sanabi ni daddy pero pinipigilan ko ang sarili kong humikbi dahil baka marinig nila ako. Sumisighot-singhot ako ngunit napakahina.

Tumingala si manang at nagtama ang paningin namin!! Dali dali kong puninasan ang mga luha sa pisngi ko at yumuko. Umiiling-iling si manang nung makita niya ako.

"Pag-usapan niyo yan ng maayos nang hindi sumisigaw, narinig niya kayo. Tsaka niyo na kausapin si kyle kapag naayos niyo na iyan" sabi ni manang tsaka tumalikod.

Sila mommy naman ang tumingala at nagtama na naman ang paningin namin. Agad ko sinarado ang pinto tsaka bumalik sa kama ko.

My bed is near in my window kaya nakadungaw ako doon. Hindi pa rin humihinto sa pag-iyak kahit tapos na ang pagsisigawan nila.

Natatakot ako na baka isang araw maghiwalay sila dahil sa pagsusugal ni mama. Noon rin kasi muntik nang mangyari ang paghihiwalay nila, i was 8 years old back then kaya hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit nag ka ganon.

'Kung may balak silang maghiwalay... sana naman maisip nilang may mga anak masasaktan kapag ginawa nila yun.'

KYLIE ASH MENDREZ

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status