Share

Chapter 4

MICHEAL'S POV

Medyo nahirapan akong pumunta dito dahil lubak-lubak ang daan kaya medyo hiningal ako. Agad naman akong bumaba para pagbuksan si kylie.

"What are we doing here?" Gulat na tanong ni kylie at agad akong napangiti.

"Secret" natawa naman siya sa sagot ko. Pumunta siya sa isang duyan na nakasabit sa matibay na punuan.

Pumunta ako compartment ko para kunin lahat nang dala kong pagkain. Kinuha ko ang dalawang basket at nilapag doon sa may bermuda.

Biglang tumayo si kylie. Binuksan niya ang basket at nagulat sa mga laman nito.

"It this a picnic?" Gulat paring tanong nito. Tumango akong nakingiti. Binalik ko ang paningin ko at kinuha ang isang blanket sa compartment. Nilatag ko iyon tsaka ako nagpatulong kay kylie na ilatag ang lahat nang pagkain.

She was smiling althrough out and i can't stop smiling because she's smiling. I just love seeing her smile, i can stare her all day.

Umupo ako sa dulo ng blanket at umupo rin siya sa kabilang dulo. Tumingin ako sa kanya at nagtama ang paningin namin. Diretcho sa mata. Unti-unting kumunot ang nuo niya.

"What?" Natatawang usal nito.

"Nothing" natawa ako sa reaksyon niya. Umayos ako ng upo. "Do you still remember this place?" Seryosong tanong ko. Inangat niya ang paningin niya na ani mo'y nag-iisip.

"Hmm... oo, muntik na nga akong mahulog doon" sabi niya sabay turo sa pangpang. "At doon naman" turo niya sa maruming putik. "Doon ka naliligo kapag ulan" natawa ako sa mga naaalala niya. Yun pa talagang nakakahiyang nangyari sa buhay ko.

+FLASHBACK+

"Kylie!!" sigaw ko sa kanya. Malakas ang pagkakasigaw ko dahil malakas ang ulan pero walang kulog.

"Ano?!!" Sigaw niya pabalik. Tumatalon-talon siya sa may bermuda. Natawa ako sa itsura niya dahil pumipikit pa siya habang tumatalon.

"Halika ka muna dito!!"sigaw ko ulit. Tumingin muna siya saakin at sinenyasan ko siyang pumunta dito. Sumunod naman siya kaya pagdating niya sa harap ko ay agad ko namang hinawakan ang kamay niya. Biglang kumunot ang nuo niya kaya hinala ko siya. Napa-atras ako sa ginawa ko kaya natumba siya sa putikan kung saan ako nakatayo.

"AAAAAAAAAAAAAHH" Sigaw niyang napaka tulis kaya nahawakan ko ang tenga ko. "Nakakadiri!!" Maarteng sigaw ulit nito.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" Hindi ko napigilan ko ang sarili kong matawa sa reaksyon niya.

'Kahit kailan maarte ka! Hahahahahahaha'

"Micheeeeeeeaaaaaal!!" Sigaw nito kaya lumaki ang mata ko. Dahan-dahan siya tumakbo kaya tumakbo rin ako.

"Hahahahahaha" tatawa-tawang takbo ko.

"Habulin mo akoooo!" Panunukso ko sakanya kaya mukhang nadagdagan ang galit sa mukha niya. Binilisan niya kaya mas binilisan ko rin, pero sa sandaling yun ay parang nag slomotion ang lahat. Panay ang tawa ko habang tumatakbo. Hindi ko man nakita ang ngiti niya pero masaya ako.

'Sana ganito palagi...'

Huminto ako dahil hiningal na ako. Patuloy parin ang pagbuhos sa ulan. nung mahuli niya ako ay natulak niya ako kaya kami nahiga sa bermuda. Tumingin ako sakanya at doon ko nasilayan ang ngiti.

'Ang ganda niya'

"Walang hiya ka! Ginawa mo akong baboy" natatawang usal nito sabay sapak sa braso ko.

"Mataba ka naman talaga!" Usal ko at agad naman siyang sumimangot. Sinapak niya ulit ako. "Aray! Nakakadalawa ka na ah!" Kunot nuong usal ko sakanya.

"Ang sama mo eh" parang batang usal niya. Agad ko naman siyang nilingon. Nakabusangot siya pero cute parin.

"Ako pa talaga ang masama?!" Kunot nuong tanong ko. Nilingingon niya ako na nakabusaangot ang mukha.

"Oo! Dahil hinila mo ako doon at natumba ako!" Sigaw nito.

"Eh pano?! Bakat na bakat na yang bra mo!" Sigaw ko sakanya dahilan para lumaku ang mga mata niya. Tinig niya ang kabuoan niya at mas nagulat siya. Bakat na bakat ang buong katawan niya dahil nawala na yung putik kanina.

'Ang hilig nang babaeng 'tong magsuot ng maninipis! Tsk!'

Tumingin siya saakin at umiiling-iling akong tumingin sakanya. Napapahiya siyang yumuko at tinakpan niya ang katawan niya.

"Ang arte kasi" mahinang bulong ko. Nakita ko ang bilis niyang lingon pero hindi ko yung pinansin.

"Anong sabi mo?!" Galit na tanong nito. Natawa ako sa reaksyon niya.

"Wala!" Singhal ko. "Tumayo ka na dyan, uuwi na tayo." Sabi ko tsaka tumayo. Nung makatayo ako ay nilahad ko ang kamay ko sakanya. Tinignan niya ito nang masama tsaka tumayo mag-isa.

"Ash" tawag ko sakanya nung makatalikod siya. Huminto ito at nilingon ako.

"Bakit?" Matamlay ngunit may bahid na galit na tanong niya. Masama parin ang tingin niya kaya yumoko ako.

"Sorry, ayoko ko lang naman kasing nakikitang ganyan ang suot mo." Sabi ko sabay angat ng tingin.

"Okay na yun, sige na umuwi na ta--" agad akong naglakad sakanya at hinila ang kamay niya para mayakap.

"Masakit ba yung pagkakatumba mo?" Mahinang tanong ko.

"Syempre! Hindi mo ako nasalo eh" parang batang tugon nito sabay tulak saakin. Natawa ulit ako sa mukha niya.

'Ang hilig mong magbusangot no?!'

"Sorry na kasi!" Namimilit na sagot ko.

"Okay na sabi eh! Paulit-ulit?! Tara na!" Sabi niya sabay talikod saakin. Tumakbo ako para sabayan siya sa paglalakad at sabay kaming pumasok sa kotse.

+ END OF FLASHBACK +

Kinwento ko ulit yun sakanya kaya panay ang tawa naming dalawa. Nakakahiya man pero ayos lang kasi siya naman ang kasama ko. We've been doing these a couple years now, pero natigil dahil nag aral ako sa u.s. ayaw ko talaga at first, ayaw kong malayo sakanya pero hindi ko sinabi sakanila na siya ang rason bakit ayaw ko. I really want to be with her all the time kaya gumawa ako nang paraan para makabalik agad dito.

Bakasyon ako nung bumalik ako dito kaya sinugarado kong makakasama ko siya.

Tumigin ako sakanya habang kumakain. Napangiti ako.

"Masarap?" Tanong ko sakanya kaya ngumiti siyang tumango saakin.

"Ikaw nagluto nito?" Nakangiting tanong nito.

"Hmm.." tatango-tangong tugon ko. Yumoko ulit siya at kumuha ng sandwich at nilahad ito sakin. Nagulat ako ng bahagya pero hindi ko yun pinahalata. Kukunin ko na sana pero agad siyang...

"Aaahh..." napangiti ako nang bahagya tsaka kinagat yung sandwich. Tumawa lang siya kinagat yung sandwich na kinagatan ko kanina. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya kaya tumawa ulit siya.

Tumungo ako sa kahihiyan habang nginunguya ang ang pagkain. Tumingin ako sa kaliwa tsaka ko doon pinakawalan ang ngiti ko.

'Bakit ba ako ang kinikilig sa ginagawa niya? Hahahahaha putspa nakakabakla'

"Micheal?" Tawag nito kaya agad ko naman inayos ang sarili ko.

"Hm?" Agarang sagot ko.

"Aaahh..." tinignan ko lang yun. Nagpabalik balik ang tingin ko sa kanya at balik agad sa pagkain. "Sige na isang kagat palang yun eh" sabi niya sabay wagayway sa pagkain. Kinagat ko ulit ito at kinagat niya na naman. Ngumiti ako sakanya at ganon rin siya. Yumoko siya para kunin ang bag niya at inilabas ang phone niya.

"Dapat may pictures tayo." Sabi niya sabay ang sa phone niya. "1, 2, 3 smile" kumuha kami ng maraming picture tsaka ako nag-salita.

"Ang dami naman ata non?" Sabi ko at ngumiti siya.

"Ang tagal nating di nagsama eh, tama lang yun" sabi niya sabay subo sa pagakain.

"Sabi ko na nga ba, dito ko lang kayo mahahanap." Biglang may nagsalita likod.

"B-bro" sabi ko sabay tingin kay fred. Ang kambal ko. Ngumiti siya sakin tsaka bumaling kay kyle.

"Hi ash!" Bati niya kay ash.

'Ako lang dapat ang tumatawag sakanya niyan eh!'

"H-hi!" Pilit na ngiti ang ganti nito. Alam kong naiilang siya dahil na akong nagsusupetcha na may gusto siya kay fred pero ayos lang naman sakin kasi, ako ang kasama niya at hindi ang kambal ko.

Agad namang naglakad si fred at tumabi kay ash. Nagulat ako sa ginawa niya kaya agad akong yumuko para pigilan ang emosyon ko.

"Bro!" Tawag niya sakin. Agad ko naman siyang nilingon at tinaas ang kilay ko. "Can i talk to her for a while?" Nagulat ako sa tanong niya pero hindi ko pinahalata at dahan dahan akong tumango. Tumayo sila tsaka nag lakad papunta sa dalawang puno na may nakalagay na bench sa gitna. Medyo malayo ito kaya di marining ang mga pinagsasasabi niya.

Kinuha ko ang headphone ko at nilagay sa tenga ko. Nag soundtrip ako.

Now playing

Another world by the vamps

People like to talk, But I can't understand a word, They threw us to the wolves, But I can't say I'm stronger now, My back's against the wall, I'm drifting door to door,

No I can't rest.

~We just lay awake,

But tell me now is that just one big,

Stupid mistake. Cause I can't get you off my mind, I'm drifting day to day, I just lay awake, No I can't sleep. I close my eyes, And you are here, With me tonight. In another world, Oh I know, I know, I know that, You would be my girl And nothing would tear us apart. Another universe, The stars would light the way for just the two of us And nothing would tear us apart~

'Maybe in another world you'd be my girl...'

Pumukit ako at dinamdam ang kanta sabay higa sa bermuda. Ang kamay ang nagsilbing unan ko. Pagkatapos nung kanta ay minulat ko ang mata ko. Agad na bumungad saakin ang magandang ulap. Nakakarelax tignan. Kasabay nang pagtugtug nang kasunod na kanta.

Now playing

Paper hearts by the vamps

~There's a lot of things that I may not know But missing you baby is the only thing I know I know And who am I to say what the future holds But missing you baby is the only thing I know I know If my heart was paper, I'd fold it Throw it to the wind and just hope it Ends up with you I signed it with love from me to you I tried to be cool

But my feelings, they don't allow me to And all that I ask Is that at least you write me back I'm waiting

Here's my paper heart, won't you hold it Hold it~

'Sana nga alam niya...'

Matagal na kaming magkaibigan pero parang ayaw ko nang kaibigan lang ako sakanya. Hanggang ngayon torpe parin ako. Hindi ko maamin-amin sakanya ang totoo kong nararamdaman, palagi akong nadadala sa takot ko. Na baka pag sinabi ko mag-iba ang pakikitungo niya saakin, takot ako na baka pag-umamin ako sakanya sabihin niyang hindi ako ang gusto, takot ako sa posibilidad na baka hindi ko na siya makakasama gaya nang gingawa namin ngayon. Takot ako sa lahat na posibleng mangyari pag-umamin ako, pero mas takot ako kapag naunahan ako. Naghihintay lang ako nang tamang oras para sabihin ko sakanya ang nararamdaman ko.

I want to be with her for the rest of my life. Kaya nung nasa u.s ako nag-aaral ay palagi kong tinitignan ang litrato niya sa cellphone ko. Mga litrato namin noon. Masaya ako kapag siya ang kasama ko. Masaya ako kapag masaya siya and i don't want that to change.

Dalawa lang kasi ang patutungohan kapag umamin ako.

Magiging akin siya o...

Mawawala siya...

Pahablot kong tinanggal ang headphones ko dahil nainis ako sa mga naiisip ko. Siya lang nakakapagparamdam sakin nito. Mas nangingibabaw ang kaba ko ngayon dahil nag-uusap sila ni fred.

'Ano kaya ang pinag-uusapan nila?'

Ilang sandali akong nag-antay at naglakad sila pabalik. Bunangon ako at nakita ko ang ngiti ni ash. Mas malaki ang ngiti niyang yun kaya agad akong nalungkot. Hindi ganyan ang ngiti niya kapag ako ang kasama.

May halong pagmamahal...

Nakikita kong nagtatawanan sila at masaya sila sa isa't-isa. Sobrang saya. Agad namang tumulo ang luha ko. Dali-dali ko itong pinahid para hindi nila makita. Yumuko ako para hindi ko sila makita. Masakit pala. Masakit na nakikita mo yung taong pinapangarap mong masaya kapiling ang iba. Kakambal ko pa. Bumuntong hininga ako para pigilan ang mga luhang bumabadyang tumulo.

'Sana ako nalang...'

Nung makarating sila ay umupo sila sa bermuda nang magkatabi. Kumuha nang cherry si fred at sinubo yun kay ash. Nagulat ako sa ginawa niya dahil ito yung unang beses na nakita ko silang ganito. Naiilang si ash sakanya noon at ngayon biglang ganyan ang makikita ko?! Agad kong inayos ang sarili ko para hindi nila ako mapansin. Patuloy lang sila sa pagtawa at ako naman ang manonoud nila.

'Sana pala inunahan ko na...'

"Micheal?" Tawag sakin ni ash.

Nilingon ko lang siya at tinaas ang kilay ko.

"Are you okay?" Biglang tanong nito.

'Hindi, masaya ka na sa iba eh'

Yan ang gusto kong isagot sakanya ngunit pilit akong ngumiti tsaka dahan-dahan tumango.

'Ang hirap magpigil nang emosyon'

Nung mag hapon na ay agad akong nagyayang umuwi. Pinasabay ko si ash sa sasakyan ko. Sa kalagitnaan ng byahe ay napagpasyahan kong magsalita.

"Mukhang masaya ka ngayon ah?" Nagdadalawang isip ako sa tanong ko dahil baka hindi ko mawala sa isip ko ang sagot.

"Hmm... kase" usal niya na mukhang nagpipigil ng kilig. Aaminin ko...

'Nagseselos ako...'

Pero wala akong karapatan mag reklamo dahil kaibigan niya lang ako, pero may karapatan naman siguro akong masaktan, hindi niya rin kasi alam na may gusto ako sakanya.

"Kase?"

"Fred is courting me" nakangiting usal sabay tingin sakin. Her smile is wider than before. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Bumuntong hininga ako at agad ko ding binalik ang mata ko sa daan dahil nasa green na ang ilaw.

"T-that's g-good" tanging usal ko. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko na para ba akong hinahabol. Ngumiti lang siya tsaka binalik ang paningin sa bintana.

'Fred is courting me...'

'Fred is courting me...'

Fred is courting me...'

Bumalik ang sinabi ni Ash sa pandinig ko. Hindi ako makapag-isip ng maayos hanggat sa makarating kami sa bahay ni Ash. Gusto kong magalit pero, hindi sa kapatid kundi sa sarili ko.

"Papasok na ako," paalam nito at agad akong nabalik sa ulirat. Pilit na ngiti ang ganti ko dahil ko pa maproseso ang memorya ko. Parang hindi ako makapag-isip nang maayos kaya hindi ko na siya napagbuksan nang pinto.

Mabilis kong pinaandar ang sasakyan ko hanggang makaabot ako sa bahay. Agad kong hinampas manibela.

"AAH!!!" hindi ko napigilan ang emosyon ko. "Ang bobo mo! Yan! Naunahan ka! Bobo!" Galit na usal ko habang hinampas-hampas ang manibela. Hindi ko na napigilan ang sarili ko yumuko ako tsaka umiyak.

'Bakit ngayon pa?'

Nanghihinayang ako sa lahat ng oras na sinayang ko. I know regrets comes late but i just can't accept it.

Nagsisisi

Nanghihinayang

Naiinis

Nagagalit

Yan ang emosyon ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ang paiiralin ko. Gusto kong bubugbugin ang kapatid ko pero wala akong karapatan. Gusto sabihin sa kanya na ligawan mo na lahat wag lang si ash pero wala akong karapatan. Gusto kong sabihin na nagseselos ako, nanghihinayang ako, nagagalit ako pero... wala ako KARAPATAN.

"Letseng karapatan yan!!" Sigaw ko.

'Wala akong KARAPATAN, dahil KAIBIGAN lang ako!!'

Mas naiyak ako sa naisip ko. Ilang sandali ay hindi ko namalayang nakatulog pala akong umiiyak.

Nagising ako sa tunog ng cellphone. Namumugto ang mata ko kaya hindi ko makita ang caller. Pinabayaan ko lang yun at umayos nang higa sa kotse.

KYLIE'S POV

Masarap ang tulog ko kaya masarap din ang gising ko. I streched my body and headed to the bathroom.

Naligo

Nagsipilyo

Tsaka bumalik ako sa bed ko. Gusto kamustahin si micheal dahil kahapon mukhang hindi siya okay. Kahapon wala siyang imik. Saglit pa ako nag-isip at tinawagan siya.

Nakailang tawag na ako pero hindi niya sinasagot. Inulit ko yun pero hindi parin niya sinasagot kaya tinigil ko nalang baka tulog pa.

'C-can i c-court y-you?'

Bigla kong naa-lala ang sinabi sakin ni fred. Lumawak ang ngiti ko. Hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyari kahapon. Gustong-gusto ko talaga siya noon paman kaya hindi ko lubos maisip na liligawan niya ako. Pero may kaunting kaba sa dibdib ko dahil alam ko ring playboy siya. Kahit sinong babae ang nakakarelasyon niya ay siya rin ang umiiwan. Natatakot baka gawin niya rin sakin.

Umiiling-iling ako sa mga naiisip ko. Alam kong hindi niya magagawa saakin yun. Hinding hindi. May tiwala ako sa instinct ko.

'Kakabahan ba siya ng ganon kung paglalaruan ka lang niya?'

Agad akong ngmuti. Hindi ko mapigilan ang kilig ko. Para akong baboy na nagpaikot-ikot sa kama ko.

Kinalma ko ang sarili ko at bumaba. Sinalubong agad ako ni mommy.

"Good morning baby!" Bati saakin ni mommy.

"Good morning mom!" Sabi ko sabay halik sa pisngi nito.

"Wow" usal ko nang makita ang nakahain. Lahat nang yun ay paborito ko.

Sinigang and chicken lollipop.

Umupo agad ako at naghain nang kanin sa plate ko at isang chicken.

"Do you like it?" Masayang tanong ni mommy. Ngumiti ako.

"No," nanlaki ang mga mata niya. "Cause i love it hahahaha" tumawa ako tsaka kumain ulit. Nung matapos ako ay umakyat ako patungo sa kwarto.

Umupo ako sa swivel chair na nasa dulo ng bed ko. Pinatong ko ang siko ko sa table at kinuha ang phone ko. I receive a text from fred. Ngumiti agad ako.

One message received

8:17 AM

From: fred♡

Hi ash! Good morning.

Nakangiti akong nag reply sakanya.

From: Me

Hi! Good morning

9:00 AM

Message sent!

One message received

9:01 AM

Did you eat your breakfast? Kakakain ko lang.

---

From: Me

Oo. Kakatapos lang din.

9:01 AM

Message sent!

---

One message received

9:02 AM

Can i take you out on a date?

---

Nagulat ako sa reply niya. Nagdadalawang isip ako kasi may lakad din kami ni micheal.

From: Me

What time ba?

9:03

Message sent!

---

One message received

9:03

Mamaya, 7:30 pm

---

Buti naman mamaya pa.

From: Me

Okay, then.

9:03 AM

Message sent!

I texted micheal.

From: Me

Good morning.

Where are you?

9:10 AM

Message sent!

Sana lang talaga hindi matagalan ang lakad namin. Wala akong balak magsinungaling pero hindi ko rin sasabihin sakanila.

One message received

9:10 AM

At home. Why?

---

From: Me

What time pala yung lakad natin?

9:11 AM

Message sent!

---

One message received

9:12 AM

Mga 11:30 AM siguro mamaya. Bakit, hindi

ko

na

ba itutuloy? I'm sure may lakad kayo ni Fred mamaya.

---

From: Me

9:12 AM

No. Magbibihis na ako.

Binaba ko kaagad ang phone a naligo. Nang makalabas ako ay nagbihis na ako. I wear my favorite skin tone skirt and inserted the front of my loose polo.

Lumabas ako at bumaba sa hagdan.

Sinuot ko ang rubber shoes ko tsaka lumabas. Nagpalaam ako kay manang at nag text kay mommy na aalis ako dahil wala siya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status