Share

Chapter 6

MICHEAL'S POV

 K  I     N    A     B    U    K   A   S     A    N

Biglang tumunog ang alarm clock kaya ako nagising. Tinignan ko ang oras at nabalikwas ako sa kama.

10:23 AM

Agad akong banyo at naligo. Nag sipilyo muna ako bago bumaba. Pag labas ko ay agad kong nasalubong si manang.

"Manang!" Nagulat ako sa pagsalubong niya. Inaayos ko pa ang buhok ko kaya hindi pa ito masyadong tuyo.

"Gigisingin na sana kita" usal niya at tinignan ang kabuuan ko. Kumunot ang nuo niya tsaka nagsalita. "Oh, hijo maylakad kaba?" Tanong nito.

"Opo, manang" usal ko. Ayaw kong sabihin sakanya ang nangyari kag ash dahil alam kong mag-aalala siya. Noon pa man ay si manang marisol ang bumabamtay saamin kapag naglalaro kami ni ash at alam kong napamahal na siya nito.

Tumango siya tsaka dahan-dahang tumalikod. "Kumain ka muna bago ka lumakad. Hinanda ko ang paborito mo. Bilisan mo't makakain kana." Sabi ni manang habang naglalakad pababa.

"Opo!" Sagot ko. Agad kong inayos ang polo ko at bumaba. Sinulyapan ko si manang na nag-aayos nang pinggan. Kahit kailan talaga hindi siya pumalya sa pag-aalaga sakin.

'Salamat...'

Yumoko ako para ayusin ang sapatos ko. Nang matapos ay agad akong pumunta sa dining area. Umupo ako tsaka nagsimulang kumain. Napakasarap parin nang luto ni manang. Kahit konti ay naibsan ang lungkot ko. Pagkatapos kong kumain ay agad akong nagpaalam kay manang.

Sumakay ako sa kotse at nagisip.

'Ano bang bibilhin ko?'

Hindi ko alam kung ano ang dadalhin ko o may dadalhin ba ako, nakakahiya naman siguro kung ganon kaya napagisipan kong prutas nalang ang dalhin ko. Yung mga paborito niya. Agad ko pinaandar ang sasakyan at pumunta sa palengke para mimili ng prutas. Pagkatapos kong bumuli ay dumiretcho agad ako sa hospital.

I knocked the door. Nagulat ako kung sino ang nagbukas nang pinto.

SI FRED!!!

Hindi ko alam na nauna na pala siya dito. Kunot nuo ko siyang tinignan. Tumuwa lang siya tsaka bumalik.

'Bakit ba ang aga niya?'

Umiling lang ako saka pumasok. Nilagay ko ang mga dala ko sa table na katabi lang ng bed ni ash.

"Bro?" Baling ko kay fred pagkatapos kong ayusin ang dala ko. Nilingon niya ako. "Pwede ko bang kausapin si ash?" Kumunot ang nuo niya kasabay nang pagtango nito. "Alone?" Nakita ko kaagad ang mabilis na pagbabago sa reaksyon niya. Bumuntong hininga siya tsaka dahan dahang tumayo. Nang makalabas siya ay umupo ako sa upuan na katabi lang sa bed ni ash.

I hold her hand place it to my cheek. Gusto kong makita ang ngiti niya. Tinignan ko ang kabuuan niya at nakaramdam ako ng guilt. Alam kong hindi talaga ako ang may kasalanan pero, ako ang rason eh. I don't want to cry. Bumuntong hininga ako.

"Hi ash!" Bati ko sakanya. Alam kong naririnig niya lahat nang sinasabi namin iyon ang sabi ng doktor. "How are you? Hindi masakit ang likod mo kakahiga?" I tried to cheer up myself para hindi ako maluha. "Gumising ka na dyan. Masyado kang tulog mantika" natawa ako sa sinabi ko. Sana lang talaga makatulong ang pagkausap ko sakanya sa agarang paggaling niya. "Hindi ba sumasakit ang likod mo? Buong araw kang nakahiga eh. Bilisan mong paggaling ah? May surpresa pa ako sayo." Maligayang usal ko. Gusto ko siyang kantahan. Mas maganda ang boses ko kesa kay fred kaya baka magising siya pag kinantahan ko siya. Umayos ako ng upo habang hawak parin ang kamay niya.

"~People like to talk~,

But I can't understand a word,

They threw us to the wolves~,

But I can't say I'm stronger now,

My back's against the wall~,

I'm drifting door to door,

No I can't rest.~" paninimula ko sa kanta. Hinigpitan ko ang pagkapit sa kamag niya aymt kumanta ulit. "~We just lay awake, But tell me now is that just one big, Stupid mistake.

Cause I can't get you off my mind,

I'm drifting day to day, I just lay awake, No I can't sleep.~"  I looked up while holding back my tears.

"~I close my eyes, And you are here, With me tonight.~" i sang again. "~In another world, Oh I know, I know, I know that, You would be my girl And nothing would tear us apart. Another universe, The stars would light the way for just the two of us And nothing would tear us apart.~" i stopped singing. I can't comtinue singing. It reminds of how happy she was when fred confessed to her and it hurts so much.

'How i wish you can be mine'

Napatungo ako. Hindi ko na kayang kantahin pa yun. Masakit kahit ako lang ang nakakaalam. May karapatan naman siguro akong masaktan dahil may mararamdaman ako.

'My one sided love indeed.'

Bumuntong hininga ako tsaka tinignan ang mukha ni ash. Napakaganda niya talaga. She has pointed nose. Medyo may kanipisan ang labi pero bagay na bagay sa kanya. Round eyes pero hindi malaki. I smiled looking at her.

'Kahit pa may iba na. Siya parin talaga'

Gusto ko siyang gisingin. Gusto kong sabihin ang nararamdaman ko sakanya kaso takot parin ako.

'Letseng torpe 'to! Nauunahan ka na oh!'

Inis kong kanamot ang ulo ko. Hindi ko talaga alam kung paano sisimulan ang confession ko sakanya. Dapat nga maskomportable ako pero parang baliktad ang nangyayari. Parang puso ko ang may problema.

Sa gitna nang pagmamaktol ko sa isip ko ay agad na may kumatok. Nilingon ko kaagad iyon. Binitawan ko ang kamay ni ash at lumakad patungong pinto. Nang buksan ko iyon ay agad na bumungad ang isang babae. Kunot nuo ko siyang tinignan ngunit ngumiti lamang ito.

"Oh! Hi fred!" Nakangiting tanong nito. Tinignan ko ang kabuuan niya. Normal lang ang suot niya pero bumabakat ang seksing katawan. "Hey! Aren't you going to kiss me?" Nagulat ako sa sinabi niya.

"Who are you?" Diretsong tanong ko. Agad namang kumunot ang nuo niya. "I don't know you miss. I'm not fred, i'm micheal ku--"

"Cassandra!" Biglang may sumigaw sa hall way. I saw fred running towards us. Nang makalapit ito ay agad niyang hinawakan sa beywang. Nagulat ako sa ginawa niya at binigyan siya ng nagtatakang tingin. Sinenyasan nalang niya akong aalis sila at lumakad paalis.

"Gwapo yung kambal mo ah" malanding usal nung cassandra habang naglalakad palayo. Gusto kong pakinggan ang pag-uusap nila kaso hindi sumagot si fred. Nagpatuloy nagpatuloy ito sa paglalakad hanggang sa lumiko na sila palabas.

Agad kong sinarado ang pinto. Hindi ako makapaniwala sa ginawa ni fred. May nililigawan pero ibang karelasyon. Gusto ko na siyang suntukin kanina pero hindi ako makakilos.

Mukhang mas mabait saaking ang panahon. Kung ako kaya nyang lokohin si ash hindi! Kung lumalandi siya dahil tulog si ash, sisiguraduhin kong malalaman ni ash lahat nang katarantaduhan. Tignan lang natin kung sasagutin ka pa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status