Share

CHAPTER 24

Parang lumulutang sa alapaap si Janina na kanina pa ngumingiti at tumatawa na mag isa. Kanina pa ito gustong komprontahin ni Lucine subalit sa tuwing magtatangka siya, wala sa linya ang mga sinasagot ng kasama niya. Bigla tuloy siyang napatanong sa sarili kung tama ba na isinama niya pa si Janina sa pagbili ng mga kasangkapan sa kabilang bayan.

" Nabili na natin lahat ng mga nasa listahan, " ani Lucine matapos guhitan ang huling nakalista sa papel na hawak niya. " May gusto ka pa bang daanan? Baka may bibilhin ka? "

" Kape, " wala sa sariling sambit ni Janina. " Hindi ko akalaing masarap pala ang kapeng barako. Mapait pero masarap...sobrang sarap."

Nagsalubong ang kilay ni Lucine saka siya tinignan. " Hindi na kita maintindihan kanina pa, Janina. Siguradong puyat ka lang kaya ka lutang. Hayaan mo, sa susunod hindi na kita pipiliting sumama saakin. "

" Hindi, sasama ako! " tila bumalik na ito sa katinuan. " Kailangan ko lang talaga ng kapeng barako sa umaga para magising ako. Lalo
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status