Share

CHAPTER 31

Halos kalahating oras ang naging byahe nila patungo sa lugar na paggaganapan ng selebrasyon at nang sila'y makarating, gaya ng inaasahan ay napakarami na ng mga tao. May mga medya rin sa labas at sinalubong sila ng kislap ng mga kamera at mga pagbati mula sa iba't-ibang mga tao at organisasyon. Ang kaniyang ama at madrasta ay ang nangunguna sa paglalakad sa pulang karpet patungo sa loob ng hotel kasunod si Venice na todo ngiti rin sa mga sumasalubong at bumabati sa ama, habang si Lucine ay dire-diretso lang sa paglalakad at walang pakialam sa mga tao sa paligid niya.

" Señorita Lucine, isang ngiti naman sa camera, " wika ng isa sa mga kumukuha ng litrato dahilan para mapatingin din sa kaniya ang iba. Hindi niya alam kung paano nito nalaman ang ngalan niya pero ngumiti na lamang siya at doon ay sunod-sunod na itinutok sa kaniya ang kamera kasabay ng hindi mabilang na kislap at tunog ng mga ito. Ramdam niya ang masamang titig ni Victoria at Venice na animo'y inagawan niya ng entablado
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status