Share

CHAPTER 35

Pagkababa pa lang ni Morriss sa sasakyan, sinalubong agad siya ng sariwang hangin mula sa mga punong nasa kaniyang harapan. Ito pa lang ang unang punta niya sa lugar na ito at nasisiguro niyang mahihirapan siyang hanapin ang bahay ng taong pakay niya lalo na't ilan lang ang mga bahay na nakikita niya sa kalsada.

Isang malawak na bukiran ang kaniyang kinatatayuan ngayon, layu-layo ang mga kabahayan at halos lamunin na ng kulay berdeng mga damo ang nayon. May mga kabundukan sa hindi kalayuan at walang madidinig kung hindi kalmadong paligid at ingay ng mga ibon.

Tumingin siya sa kaniyang suot na relos, mag a-ales na ng hapon at kailangan na niyang ipagpatuloy ang trabahong pinapagawa sa kaniya. Bilang pa lamang sa daliri sa kamay ang mga datos na nakukuha patungkol sa mga taong ipinahahanap sa kaniya at dito sa lugar na ito siya dinala ng mga impormasyong nakalap niya.

Nagsimula siyang maglakad-lakad habang inililibot ang tingin sa paligid, naghahanap ng taong puwedeng lapitan hangga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status