Share

CHAPTER 36

Halos lumipad ang mga plato sa ere dahil sa pagwawala ng matandang gumawa ng eksena noong nakaraang linggo sa kanilang karinderya. Ang mga parokyano nilang nananahimik sa mga mesa nila ay walang nagawa kundi ang tumayo upang umalis sa takot na madamay sa gulo.

" Mga bastos kayo! Hindi kayo marunong rumespeto ng parokyano ninyo! " nangagalaiting wika ng matandang babae lalo na kay Janina na dahilan kung bakit ito nag a-amok ngayon. " Ikaw na babae ka, noong nakaraan ka pa saakin ah! Kung ganito lang ang serbisyo niyo, magsara na kayo! Mga wala kayong galang! "

" Bago niyo ho kami pagsabihan na walang galang at walang respeto, sana matutunan niyo muna 'yon gawin sa ibang tao, " sambit ni Janina, hindi na rin ito nakapagpigil ng emosyon dahil maayos naman ang pakikitungo nila kanina noong pumasok ito, subalit ilang minuto lang ay nagsisisigaw na at galit na galit dahil wala pang naghahatid ng pagkain sa kaniyang mesa.

" Aba, bastos kang bata ka! Nakita niyo na? Ganiyan ba ang ugaling
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status