Share

CHAPTER 34

" May sakit ka ba? " tanong ni Lucine kay Janina saka inilagay ang likod ng palad niya sa noo nito. " Hindi ka naman mainit. Ayos ka lang ba? "

" Oo naman, ano ka ba? Wala akong sakit, " anito saka ipinagpatuloy ang pagliligpit ng mga pinagkainan ng mga parokyano nilang kalalabas lang. 

" Kung ganoon bakit hindi mo kinakausap si Morriss? Hindi ba't noong nakaraan lang, hinahanap-hanap mo pa siya saakin? Ngayon nandito na siya, pero hindi mo naman pinapansin. May problema ba kayo? " takhang tanong ni Lucine saka tumingin sa isang mesa kung saan naroroon si Morriss, nakaupo at nakatingin sa gawi nila. " Parang may gusto siyang sabihin sa'yo. Bakit hindi mo nilalapitan? "

" Ayoko. Bahala siya diyaan. Hindi kami magkakilalang dalawa. " Binuhat ni Janina ang bandeha kung saan nakalagay ang mga plato na kailangan dalhin sa lababo upang mahugasan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status