Share

CHAPTER 28

Simula nang mabasa ni Lucine ang isang bahagi ng dyaryo patungkol sa kaniyang ama, hindi na naalis sa isip niya ang ideya na maaari ngang ipakilala siya nito sa publiko bilang anak kagaya na lamang ng sinabi ni Venice. Kahit anong isip niya, hindi niya mahanap ang dahilan kung bakit kailangan itong gawin ni Logan gayong ginamit niya pa itong banta noon.

" Salubong na salubong ang kilay mo. Masama pa rin ba timpla mo dahil sa nangyari kanina? " Nabalik siya sa wisyo nang marinig ang boses ni Janina na nakatayo sa harapan niya. Nasa loob siya ng kahera habang ito'y nasa labas at nakasandal sa nagsisilbi niyang mesa.

" Hindi, may iniisip lang ako, " aniya saka tumingin sa paligid nila upang makita kung mayroon pa bang parokyano sa karinderya. Hapon na at paubos na rin ang mga putahe nila, hinihintay na lang nila kung may mga papasok pa bago sila mag desisyong magligpit upang magsara.

" Siya nga pala, alam mo ba kung saan ang bahay ni Morriss? " Nabalik ang kaniyang tingin kay Janina
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status